“Sino pa ang iisipin natin?” Patanong na wika ng Sarhento. “Siya ang pang-apat na papalit sa Pangulo sa sandaling ito ay mapahamak na kasama ang Pangalawang Pangulo at ang Senate President, hindi ba?”
Napahawak si Ramir sa kanyang baba. “Tama ka, pero parang mahirap isipin na magagawa ‘yon ni Speaker..., isa siyang mabait at maginoong lalaki.”
Nagkibit ng balikat si Det Sgt Rey Ignacio. “Ang mabuti pa’y alamin muna natin kung talagang may sakit si Presidente bago natin pag-usapan ang tungkol kay Speaker.”
“Tama ka!” At dinampot ni Ramir ang telepono. “Tawagan mo si Executive Secretary.., gusto ko siyang makausap.” Wika nito kay Sofia.
7
Sinundo ni Ramir si Maribeth ng hapong iyon. Nakagawian na nilang tuwing araw ng Biernes ay nagtutungo sa isang body fitness club at doon nagpapalipas ng ilang oras sa paghehersisyo. Nang araw na iyon, dahil sa dami ng gawain, ay napagkasunduan nilang huwag ng dumaan sa club. Sa halip ay nagtuloy na sila sa apartment ng dalaga.
“Bakit?” Habang nasa sasakyan ay tanong ni Maribeth. “Totoo bang marami kang pinagkaabalahan ngayon?”
Sinulyapan ni Ramir ang kasintahan. “Marami kaming napag-usapan ni Rey tungkol sa operation mj. Tama si Rey sa pagsasabing ang kahulugan ng mj ay Michael Jordan.”
“Ha?” Tumatawang sambit ng dalaga. “Muntik na rin palang tumama ang hula kong Michael Jackson. Bakit Michael Jordan?”
“Kasi ang jersey ni Jordan ay number 23.”
“Dahil lang doon?”
Muling sumulyap ang binata sa kanyang katabi. “Tinangkang patayin si Vice President, althou ang napatay ay ang kaibigang Amerikano. Gayon din naman, binangga ang sasakyan ni Senate President sa kagustuhang ito ay patayin. Dos at tres sila sa hanay ng matataas na pinuno ng ating bansa. Hindi ba’t naaayon sa numero ni Jordan?”
Takang napatingin ang dalaga kay Ramir. “Sa palagay mo ang dalawang pagtatangka sa pagpatay kay Bise at Senate President ay magkaugnay?”
“’Yun nga ang gusto kong tiyakin.” Anang binata naman. “Kaya nga humingi ako ng panayam kay President Benipayo dahil gusto kong tiyaking tama ang aming hinala ni Rey.”
Lalong lumalim sa isipan ng dalaga ang pagtataka. “Ano ang malalaman mo mula sa President na magpapatotoo sa inyong hinala?”
“Kung siya ay may malalang sakit na maaari niyang ikamatay!”
“Sakit na ikamamatay?” Ulit ni Maribeth. “At dahil gustong patayin ang Bise at ang Pangulo ng Senado..., nangangahulugang ang papalit na Pangulo ay ang Speaker? Gan’un ba?”
Tumango si Ramir.
“Mahirap paniwalaan.” Anang dalaga kasama ang pag-iling. “Wala sa itsura ni Speaker ang gagawa ng gan’un. Ewan kung bakit ninyo naisip ang bagay na ‘yan.”
Itinabi ni Ramir ang minamanehong kotse at saka inihinto. Matapos hilahin ang handbreak at alisin ang seat belt ay saka nagsalita. “Kasi ay yaon ang sinasabi ng mga ibidensya.”
Inalis din ni Maribeth ang kanyang seat belt at saka binuksan ang pinto at bumaba. “Ano naman ang sasabihin mo kay President?” Tanong nito nang sila ng binata ay magkasabay ng lumalakad papasok sa apartment.
“Itatanong ko kung mayroon siyang malalang sakit at kung sino-sino ang nakaaalam ng
tungkol doon?”
BINABASA MO ANG
Operation: 'MJ' ni Virgilio Alvarez
ActionAng kwentong ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan. Si Pepe, isang repair man ng lighter, na nag-imbento sa tinatawag niyang 'listening device' ang nakarinig ng tungkol sa assassination plot na iyon. Hindi naniwala si...
Operation: 'MJ' (5 to 8)
Magsimula sa umpisa
