"Yeah. When we arrived, the airport is already in chaos."

|Flashback|

Maaga akong gumising dahil may mission na binigay sa akin si Mom. Bago ako nakatulog kagabi, may natanggap ako na message galing kay Mom about sa magiging mission ko.

Actually, hindi lang daw ako ang may hawak sa mission na 'to dahil marami kami and by pair. Well unfortunately, my partner will be Mr. Winter Ethan Frost. Oh great!

Hindi naman sa wala akong tiwala sa skills niya. I know how amazing he is and he won't be rank as a top one gangster in the Philippines for nothing. But the problem is, hindi tamang pagsamahin kami.

Why? Simple. Dahil pareho kami ng ugali. Pareho kaming cold at tahimik, so paano kami mag uusap at magpaplano about sa mission namin? And to top it all hindi ako sanay na may kasama sa isang mission, I prefer to work alone.

Aish. Bahala na. Ang importante ay magawa namin ng tama ang mission namin. For the sake of humanity.

Nagtataka siguro kayo kung anong mission ang binigay sa amin ni Mom.

Ethan and I are assigned to secure the NAIA Airport. Sabi ni Mom, wala daw siyang tiwala sa mga nakabantay na sundalo sa Airport, kaya inassign niya kami na magbantay doon incase na magkagulo at magpanic ang mga sundalo kung may na infect man na pasahero. Yung iba naman ay naka assign sa ibang airport.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe. Nag decide kami na sa isang kotse na lang sasakay at ang kotse ni Ethan ang gamit namin ngayon. Three hours pa ang layo ng byahe papuntang airport kaya 3 hours akong magtitiis sa akward na atmosphere na bumabalot sa loob ng kotseng ito.

Kaya ang ginawa ko, I grab my headphone from my bag and started to listen to a classical music. Beethoven-Symphony No.7 in A major, my favorite.

I enjoy listening classical music because it relaxes my mind, hindi katulad ng mga rock musics, pop and etc, sakit lang sa tenga ang mga yun. Ipinikit ko na ang mga mata ko habang pinapakinggan ang musika at hindi kalaunan ay nakatulog na ako.

Nagising na lang ako dahil sa yugyug na nagmula kay Ethan. Pagdilat ko ay napakunot ang noo ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay pero nagpokerface lang siya at tinanggal ang headphone mula sa tenga ko. Doon ko narinig ang mga nakakabinging sigawan sa labas.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at agad na kaming lumabas ng kotse. Ngunit napahigpit ang hawak ko sa bow and arrow na bitbit ko dahil sa nasaksihan.

Mga nagkakaguluhang tao, mga nakakadiring nilalang na sabik makakagat at magpalaganap ng maraming mabibiktima, madugong paligid na sinamahan pa ng masangsang na amoy, yan ang kasalukuyang eksena ngayon na bumulaga sa amin paglabas namin sa kotse.

Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa frustration. Damn we're too late.

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Ethan palapit sa kanya at binaril ang isang Zombie na kanina pala'y nasa likuran ko at ready na sana akong sakmalin.

"Tch. Stop spacing out and come back to your senses. Don't be too reckless or else you'll be one of them." cold na sabi niya while pointing to the Zombies that are now marching towards us.

"And don't let me see you even with a tiny scratch from them, I will not hesitate to kill you using this gun." He added and then, walang tigil na niyang pinagbabaril ang mga Zombies na papalapit sa amin.

Zombie Apocalypse: Descending Of The ZombiesWhere stories live. Discover now