Chapter 10

334 70 71
                                    

Chapter 10: Eros

*Saturday, June 18, 2016*

Sienna Shin's PoV


I TRY to open my eyes, but damn hindi ko na kaya. Inaantok na ako pero kailangan ko pang makakalap ng mga informations that will help me in finding a cure.

Ten days na ang nakalipas simula ng bigyan ulit kami ni Mom ng new mission. And ten days na rin akong nagpapakapuyat dahil dito.

I lazily glance at my wristwatch, it's already 3 AM but still I can't find even a single information about that damn cure.

According to Ethan, the one who conducted a research about the virus is Mr. Ivan Smith, a well known scientist worked at Sasha's company. I tried to contact him but he's not answering my calls. Maybe he's already infected by the virus.

But we still need him. Baka kasi may konti siyang alam tungkol sa cure. Kahit konting impormasyon lang, makakatulong na yun sa akin, sa amin ni Ethan. Kaya sana okay lang siya. Sana buhay pa siya.

Natigilan ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pinto ng glasshouse. Yeah may sarili din akong glasshouse. Pinagawan ako ni Mom ng glasshouse dito sa MESU dahil alam niya na gusto ko ng tahimik na lugar, para magawa ko ng mabuti ang mga paper works at iba pang mga tasks ko.

This glasshouse is located at the middle of the forest. Ang forest na 'to ay sakop parin ng MESU. Kaya malayo lang ang glasshouse ko doon sa glasshouse ng Black Regium Gang. I know ang creepy ng dating lalo na at nasa gubat ito but for me it's nice. Ang ganda nga ng view. Tanaw ko ang mga naglalakihang puno mula dito.

Nagpatuloy lang ako sa pagtipa sa computer and didn't bother to look at the person who just came in. Tsk. No one has a guts to enter my place without knocking, except her.

"What do you need?" tanong ko dahil mukhang wala siyang balak na umimik. Himala dahil hindi siya nangungulit ngayon.

"C-couz..." napatigil ako sa pagtipa nang marinig ko ang tono ng boses niya. Nilingon ko siya at napatitig sa mga mata niya na namumula. Wait... did she cry?

"What happen to you?"

Instead na sagutin niya ako, agad siyang tumakbo sa akin at dinambahan ako ng yakap.

"Couz kasi... huhuhuhu." Iyak lang siya ng iyak habang ako naman ay hinayaan lang siya na yakapin ako. I don't know how to comfort her. Wala akong alam pagdating sa ganyan.

After a few minutes ay tumigil na rin siya sa kakaiyak. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at pinahid ang mga luha niya gamit ang mga palad.

"Are you done crying?" I ask and she just nod.

"Now tell me, what happen to you? Is there any problem?" tanong ko.

"I just found out that... that..." kinagat niya ang labi niya at nagsimula na naman siyang umiyak.

"Hey... I thought tapos ka ng umiyak." sabi ko kaya napatigil siya sa pag iyak. Pinunasan niya ulit ang konting luha sa pisngi niya and this time naging seryoso na ang mukha niya.

"Couz is it true na involve ang business ni Dad sa paglaganap nitong virus? Is it true?" diretsado niyang tanong.

Oh... I see, alam na niya. Kaya pala.

Zombie Apocalypse: Descending Of The ZombiesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum