• Chapter 31 • (The Vacation 1)

3.2K 130 1
                                    

(A/N: okay ang The Vacation  ay magkakaroon nang limang parts oh higit pa.. Pero paumanhin kung madalas ay puro lambingan ang lalabas sa mga chapter na toh.. May parts na gagamit sila nang magic though...so I'm sure it'll be fun☺️)

CHARMAINE

Oh my!! This is the day!

Ngayong araw na ang vacation namin!and I'm so Excited lalo nat sigurado akong magugulat ang mga boys sa aming not so evil plan*grin*

Masaya kong ginawa ang morning Rituals ko at nagsuot ako nang floral tank top at shorts nakabraid ang buhok ko na parang supil at nilagyan ko yun nang maliliit na bulaklak gamit ang magic ko

So it's already 4:25 at 5:00 sharp ang alis namin kaya lumabas na ako sa Kwarto ko kasama nang aking maliit na maleta

Naabutan kong nasa kitchen si Snow at naghahain nang pagkain

Teka nga....

"Nasan sila Catherine at Xyra??"sabi ko sakanya

"Ayun nagpapaganda!"bitter na sabi niya sakin

Lumingon ako sa may sala at nakita ko ngang nagme-make up ang dalawa

"Ganda natin ngayon ah"natatawang sabi ko sakanila

Si Snow ay nakasuot nang isang floral dress,nakalugay naman ang buhok niya tapos si Catherine ay nakasuot nang Yellow tank top at naka hapit na pantalon,Ang buhok niya ay naka high ponytail at si Xyra naman ay naka white shirt na pang summer ang design at nakashort din siya kagaya ko pero ang buhok niya ay naka frenchbraid at nakapatong ang dulo sa kanang balikat niya

"Tss nagsalita ka pa"bitter pa ring sabi ni Snow habang ang dalawa ay binati rin ako

"Snow saglit nga... Bat ba ang bitter mo!?"nakangising sabi ko sakanya

"Tsh palibhasa kasi lahat kayo may boyfriend na!"bulong niya pero narinig naman namin

"Intay ka lang Snow! Magkakaroon ka rin niyan! Malay mo this vacation na pala natin mangyari yun!"masayang sabi ni Catherine habang nakangisi

Tss maniguradong may alam toh tsk!

Tinignan ko ang orasan ko at nakita ko kung anong oras na at nagulat ako nang makitang 4:45 na!!

"Guys sa tingin ko kailangan na nating kumain as in mabilisan!"aligagang sabi ko at saka sila hinatak isa isa paupo sa mga upuan nila

"Bakit ba?! Anong oras na ba?!"iritang sabi ni Xyra sakin

"Tss 4:45 lang naman"sarkastikong sabi ko at saka mabilis na sumubo nang pagkain

Nakita ko kung paano sila nagulat at dali dali ring kumain

Nagulat nalang ako nang may biglang magsalita sa Isip ko

'Hey master dahan dahan lang baka-'hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang mabulunan ako kaya naramdaman at nakita ko na lumiwanag ang necklace ko at naging hulma ito nang isang lalaki at alam kong si Ziro yun

Agad siyang kumuha nang tubig at inabot iyon sakin

"Tsk sabi kasing dahan dahan lang eh!"humihikab na aniya

I'm the Princess of the Mistique Kingdom (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon