Chapter 13

24 3 1
                                    

"Ang Atlast Flames! Ang isa sa pinakamalakas na kapangyarihan ng aking kapatid!" Gulat na sabi ng halimaw nang makita ang malaking apoy na nasa labas ng Training Ground.

"Sa amin ka tumingin!" Sigaw ni Ezra sabay suntok sa mukha ng halimaw na naging dahilan ng pag katumba nito.

"Now!" Sigaw Jane at nag teleport sa likod ng halimaw at hinawakan ito ng mahigpit habang si Ezra, Natalie, Drew, at Bane naman ay inaatake ang halimaw.

"Shut up! Humans!" Sigaw ng halimaw at nag talsikan ang mga umaatake dito.

Mas bumilis pa ang halimaw at isa isang sinipa ang mga umaatake sa kanya. Sa bawat pag sipa ng halimaw ay tumatalsik ang kanyang mga kalaban.

"Jane! Umalis kana muna! Siguraduhin mo na makakatakas ang mga estudyante!" Biglang sigaw ni Bane.

"Sige! Babalik ako kapag nakatakas na sila." Tugon ni Jane sabay nag teleport palayo sa kanilang lugar.

Ang bawat grupo ay ginagawa ng maayos ang kanilang mga tungkulin. Ang grupo ni Alice ay malapit na sa nasabing lugar ni Craige at ang The Group ay nilalabanan parin ang Beast. Samantalang si Drake naman ay papunta sa kinaroroonan ni Alice

Drake's Pov

Nakakita ko ng tunnel malapit sa training ground kaya pumasok ako doon kahit na hindi ako sigurado kung dito ba nag punta sila Alice.
Masyado ng magulo ang mga nangyayari dito sa school. Marami ng nasirang mga gusali at marami naring namamatay.

Habang lumalalim ang aking pag lalakad sa tunnel ay mas lalong lumalakas ang naririnig kong ingay. Hanggang sa nakita ko na nga sila Alice at ang mga estudyante na nag tatalo at nag aaway. At ito ay pinangungunahan ng isang lalake na kulay silver ang buhok.

"Anong nangyayari dito?!" Sigaw ko upang matigil ang pag tatalo.

"Kuya! si Kite po kasi pinipilit na lumaban kami sa labas." sabi sakin ng babaeng kasama nila.

Nakita ko na nag tatalo si Alice at Kite sa unahan kaya agad akong pumunta doon.

"Shut up! You poor girl! Hindi mo nako mapapasunod sa mga gusto mo!" narinig kong sigaw nito kay Alice.

Agad akong pumunta sa kinaroroonan nila Alice at nag bato ako ng apoy kay Kite kaya napalayo siya kay Alice.

"Kung hindi ka susunod edi maiwan ka dito! Kung sino ang gustong sumama sumunod kayo samin!" Sigaw ko sa mga estudyante saka nag patuloy sa pag lalakad.

Wala ring nagawa si Kite at sumunod din samin. Inabot kami ng tatlong oras bago makarating sa nasabing lugar ni Craige.

Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang malaking library ng biglang dumating si Jane.

"Tara sumunod kayo sakin." Tugon ni Jane.

Nag lakad kami papunta sa likod ng library at pumasok sa isang underground tunnel. Makitid at mahaba ang aming nilakaran kaya inabot kami ng isang oras sa pag lalakad.

Nang makarating kami sa living room ng hide out nila ay unalis narin si jane. Nag madali syang bumalik sa labanan nila. Ako naman ay inayos ang mga estudyante at pinakalma sila.

Third Person's View

Nakarating na sila Drake sa hide out ng The Group. Samantalang si Jane at ang kanyang mga kaibigan ay lumalaban sa halimaw.

The Group Where stories live. Discover now