Chapter 6

24 7 0
                                    

Isang linggo narin ang lumipas at nakalabas narin ako ng room. Pinapili kami ni Dean kung gusto daw ba naming lumipat ng dorm para daw sa kaligtasan namin. Sabi naman namin ay okay lang kami kaya hindi na kami lilipat.

Pag kalabas ko ng infirmary ay dumeretso ako sa room namin para icheck kung ayos naba ang mga ito. And as usual nakaayos na ang lahat pati ang kwarto ko ay ayos narin.

Wala sila Drake at Alice dahil pumasok sila. Binigyan ako ng free time ni sir dahil nga sa mga sugat na natamo ko.

Nag decide ako na pumunta sa training ground para may magawa naman ako. Mag papalakas pako para sa susunod ang tao naman nayon ang ilalampaso ko. Nakakatakot dito dahil mag isa lang ako at sobrang laki nito. Nag lakad lakad ako at na realize ako na may iba't ibang parte pala ang training ground. Ang laging naming napupuntahan ay ang Dessert. Kapag nag lakad kapa ng malayo matatanaw mo naman ang dagat at sa gitna naman noon ay may isla. Ang isla naman nayon ay nahahati sa apoy at Snow. Kapag tinitigan mo ng mabuti ay may makikita kang mga buildings o gusali sa isla. Matataas ang building at kumpleto pero ang pinaka kakaiba dito ay may malaking library sa gita noon.

Nag decide ako na dito muna mag training sa dessert area. Baka kapag pumunta ko doon ay hindi nako makabalik. At gaya ng mga dating pag te-training ko nag sira lang ako ng mga bato at nag palutang. Pinalutang ko rin ang sarili ko hanggang sa tuluyan nakong makalipad. Ng makalipad nako naisipan ko na pumunta sa parteng dagat, dahil kailangan ko ng improvement. At gaya ng dessert napakalaki rin nito. Halos hindi ko na makita ang isla sa gitna. Naisipan ko na palutangin ang tubig sa dagat at kontrolin ito. Mas maganda kung kaya kong kontrolin ang ibang mga elemento bukod sa spoon and pork. At mas mabigat ang tubig kesa sa mga bato sa dessert kailangan kong subukan na mag palutang ng malaking ammount ng tubig para matest ang kakayahan ko.

This time mas nag focus ako kaya madali ko lang napalutang ang tubig. Nakagawa narin aki ng malaking alon na pwede kong gamitin sa offensive na atake ko. I was about to fly again when someone called me.

"Hindi ba ang sabi ko sayo kapag magaling kana hanapin moko!?" Tanong ni jane habang nakatayo sa baba kung nasan ako kanina. Kasama niya si Bane at Natalie.

"Hey Blake bumaba kana dito bilis." Sabi naman ni natalie.

"At bakit ka naman nakakalipad ang alam ko ako lang ang may kaya nun." Tugon naman ni Bane.

"Ano bang kailangan nyo?" Tanong ko saka ako bumaba ng dahan dahan.

"Sumama ka samin, may ipapakilala kami sayo." Sabi ni Jane.

"Bakit ko naman gagawin yun? Bakit sino ba sya para makilala ko?" Tanong ko ulit.

"Hindi ba gusto mong makalabas pasok sa school na ito? Kung sasama ka samin magagawa mo na yun."Paliwanag niya.

Bakit? Sino ba yang tao na yan at kapag nakilala ko siya ay makakalabas ako dito.

"Okay, sige." Tugon ko.

Nag hawak kamay silang tatlo at hinawakan naman ni natalie ang kamay ko. Sa isang iglap lang nasa ibang lugar na kami.

"Nasan tayo!?" Tanong ko.

"Nasa pinaka dulong bahagi tayo ng training ground. Ayun ung dessert oh!" Pagturo na Natalie.

So nandito ko sa parang city na nakita ko kanina.

"Ano naman ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Basta sumunod ka nalang." Tugon ni Bane.

Nag lakad kami hanggang makarating kami sa gitna ng city kung nasaan ung malaking library. Ang akala ko ay papasok kami pero dumeretso kami sa gilid hanngang makarating kami sa likod ng library. Pag katapos ay may mga binanggit silang mga salita na hindi ko maintindihan at biglang may lumabas na pinto na kanina ay wala naman.

The Group Onde histórias criam vida. Descubra agora