Chapter 11

18 6 0
                                    

(continuation of Craige's Pov)

Nag punta ako at ang grupo sa Training ground kung saan nag iintay ang beast. Nakaupo siya sa isang malaking bato at parang relax na relax.

"Oh! There you are!" Tugon nito noong makita kami na papasok sa training ground.

"Bago ko kayo patayin ay may sasabihin muna ako sa inyo." Tugon nito.

"At ano naman iyon?" Tanong ni Natalie.

"Sasabihin ko sa inyo ang lahat ng katotohanan bago kayo mamatay!" Sigaw nito at parang baliw na tumatawa.

"Bakit ano bang alam mo!? Isa ka lang namang mamamatay na halimaw!" Sigaw ko sa kanya.

"Ohh! Poor Craige wag kang masyadong magalit. Mag sisimula na ako sa kwento." Tugon nito.

Kahit ayaw kong pakinggan ang mga sasabihin niy ay nag kwento na siya kaya wala narin kaming nagawa.

"Your principal is dead and also all the teachers here. Noong umatake ako dito ay madali ko lang silang napatay ang akala ko ay malakas sila pero mali ako ng hinala." Paliwanag niya habang umupo muli sa malaking bato.

Totoo ba ang sinasabi niya? Kaya ba may nag bago kay Dean noong nag kita kami dati?

"...ang lahat ng itinuro at kinwento ng principal nyo ay totoo. Ang God Almighty at kung paano siya napatay. Sasabihin ko sa inyo ang totoo. Ako ang pumatay sakanya. Napuno ng galit at inggit ang aking puso kaya ko siya napatay. I want his power! Totoong maraming kapatid ang God Almighty at isa ako doon. Noong nag lalakad siya sa Holy Ground doon ko siya sinaksak sa likuran. Balak ko sanang kunin ang kapangyarihan niya pero ginamit niya ang nahuhuling niyang lakas upang alisin ang kapangyarihan niya sa kanyang katawan at ikalat ito sa buong mundo.
Kaya ngayon ay nandito ako sa inyong harapan upang kunin ang kanyang kapangyarihan na binigay sa inyo." Paliwanag nito.

He's a God? Kung ganun nga paano namin siya matatalo!?

"Shut your mouth beast! Walang kwenta ang mga lumalabas sa bibig mo!" Sigaw naman ni Snow sa kanya at bigla niya itong sinugod.

"Manahimik ka! Hindi pako tapos sa sinasabi ko!" Sigaw nito kay Snow at itinutok ang kanyang kamay sa kanya at sa isang iglap lang hindi na makagalaw si Snow.

"Anong ginawa mo sakin!? Pakawalan moko!!!" Sigaw ni Snow.

"This is the power of Craige's sister, Althea. Kinuha ko ang kapangyarihan niya gaya narin ang mga kapangyarihan ng mga teachers nyo at ng principal nyo. Lahat ng napatay ko sa school na ito ay napapasakin ang kapangyarihan basta nakain ko ang puso nila. Here I will show you an example." Tugon nito at biglang tumayo at nag lakad papunta sa direksyon ni Snow na hanggang ngayon hindi parin nakakagalaw.

"Lumayo ka sakin halimaw!" Sigaw ni Snow.

"Layuan mo siya!" Sigaw ko at saka kami sumugod sa kinaroroonan ng beast.

Pero ng papalapit na kami sa kanya ay winasiwas niya ang kamay niya sa direksyon namin at sa isang iglap hindi narin kami makagalaw.

"Ayan! Mas maganda na ang posisyon nyo. Mas makikita nyo ng maayos ang gagawin ko." Tugon nito saka mas lumapit kay Snow.

Unti-unti niyang binabaon ang kanyang kamay sa dib-dib ni Snow.

"Tama na yan! Kung gusto mo ng sample ako nalang! Tama na!!!" Sigaw ko sa kanya at pilit na gumagalaw pero walang nangyayari.

"Arrgh!" Rinig kong sigaw ni Snow habang pinapasok ng beast ang kamay sa dib-dib niya.

"Ughh.!!!" Ungol ni Snow habang umubo ng dugo.

The Group Where stories live. Discover now