Extra Chapter: History

17 3 0
                                    

/Land of Gods/

May dalawang mag kapatid na diyos. Ang God Almighty at ang God of Luck. Naninirahan sila sa kaharian ng Order of Light. Bukod sa dalawang mag kalatid na iyon ay may mga kapatid pa silang mas nakatatanda. Ang iba ay pumanaw na at ang iba naman ay hindi na nag pakita. Ang dalawang mag kapatid ay nanirahan sa palasyo ng Order Of Light. Dahil nga silang dalawa nalang ang natitira sa kanilang mga mag kakapatid ay mas naging matibay ang kanilang samahan.

Magkaiba ang katangian ng dalawang mag kapatid. Ang God Almighty ay may mabuting kalooban, masayahin, matulingin, maunawain, at mapag bigay samantalang Ang God Of Luck naman ay nakaasa lang lagi sa kaniyang swerte siya ay mapag tanim ng sama ng loob, at mapag isa. May namumuong ingit sa God of Luck. Sa bawat araw na dumaraan ay mas lalo itong lumalalim. Ang ingit na ito ay nag simula noong malaman niya na mas marami ang kapangyarihan ng God Almighty kaysa sa kanya. Noong una ay okay lang sa kaniya ito ngunit dumating si Serpentes at tinaniman ang puso ng God of Luck ng puot at inggit. Si Serpertes ay God of Darkness and Destruction, kilala siya sa pagiging tuso at sa masamang ugali.

Lubusan ng kinain ng puot at inggit ang puso ng God of Luck kaya madalas na silang nag aaway ng kanyang kapatid. Ngunit isa araw habang nag lalakad ang kanyang kapatid sa Holy Ground ay pinatay niya ito. Ang God Almighty ay pumunta sa Holy Ground upang panoorin ang mga tao sa ibaba. Nasisiyahan siya tuwing nakikita ang mga ito. Ngunit habang siya ay nanonood ay dumating nga ang kanyang kapatid at sinaksak siya sa kanyang likuran.

"Ka...kapatid ano ang iyong gi...ginagawa!?" Tanong niya sa kanyang kapatid habang nag hihingalo at nakahandusay sa lupa ng Holy Ground.

"Huh? Anong nangyari!? Aking kapatid sino ang gumawa nito sayo?" Nag tatakang tano ng God of Luck.

Ng makita niya ang patalim na nasa kanyang kamay at may bahid ng dugo ay lubus siyang nagulat at nalito.

"Ano ang iyong ginawa!? Tayo nalang ang mag kasama at ganito pa ang iyong ginawa!" Galit na tugon ng God Almighty.

Naliwanagan ang kanyang kapatid at tuluyan ng naghari ang inggit sa kanyang puso.

"Wala kanang magagawa aking kapatid! Mag pahinga kana marami na ang iyong nagawa." Tugon ng God of Luck saka niya sinaksak ang kanyang kapatid.

Ngunit sa huling hininga niya ay napatingin siya aa ibaba at nakita ang mga tao. Ang kanyang katawan ay biglang nag liwanag at mistulang naging abo at nawala nalang bigla.

"Hindi pa ito ang oras mo aking kapatid! Darating ang araw na mag sasama ulit tayo..." Tugon ng God Almighty. Ang kanyang boses ay rinig sa buong kaharian at unti-unting nawawala.

Sa paglaho ng katawan ng God Almighty ay lumabas naman si Serpentes.

"Magaling ang iyong ginawa!Ngayon ay ikaw na ang mag hahari sa buong kaharia...ak!" Paliwanag nito at bigla siyang umubo ng dugo.

"...anong ginagawa mo!"Tanong niya Habang hawak ang natamong saksak muka sa God Of luck.

"Isa ka sa maaring umagaw sa aking trono! Kaya mabuti pang umalis kana rin!" Tugon niya.

Mas ibinaon pa niya ang patalim sa puso ni Serpentes at habang ito ay nawawala at nagiging abo bumabalot naman sa God of Luck ang isang itim na aura at mas nadadag dagan ang kanyang kapangyarihan.

A/N: Hello po sorry sa late UD nagiging busy na po kasi pasukan na. Salamat po sa pag babasa.

Vote and comment!

The Group Onde histórias criam vida. Descubra agora