Chapter 8

17 6 0
                                    

Gumising ako ng maaga gaya ng sinabi ni Natalie kagabi. 5:00am ng mag simula akong maglakad papuntang training ground. Ang akala ko masyado akong maaga pero pag dating ko dun kanina pa pala nag iintay si Natalie.

Natulog kaya ang babaeng to?

"Ang tagal mo naman! Masamang pinag iintay ang babae Blake." Sabi niya sabay tayo at lumapit sakin.

"Tara na iniintay kana ng grupo." Paliwanag niya.

At gaya ng kahapon pumasan lang siya sakin habang ako ay lumipad papunta sa hide out ng The Group.

"Ganito ba lagi kayo gumising? Sobrang aga naman!" Tugon ko.

"Hindi naman, may pag uusapan lang. Ayaw kasi ni Craige na basta nalang tayo umalis sa klase baka pag hinalaan tayo. Kahit si Dean kasi hindi alam kung nasaan kami." Paliwanag niya.

Paulit-ulit niya kong kinukulit na bilisan ko daw, dahil late na daw kami sa meeting.

Halos 2hours nalang ang byahe ko ngaun napansin ko na mas bumilis ako ngaun bukod kahapon.

Pag dating namin nandun na lahat ng myembro ng grupo maliban saming dalawa.

"First time ata na nalate ni Natalie." Pang aasar ni Snow.

"5 minutes lang naman! Si Blake kasi eh sabi ko agahan." Tugon niya.

"Okay tama nayan! Let's start the meeting." Tugon ni Craige.

Umupo kami sa sofa na may round table. Tahimik lang ang lahat at nag iintay na mag salita si Craige. Walang kumikibo at nag iintay lang sa kanya. Lahat ay nakatingin sa kanya.

"Mag sisimula na tayong kumalap ng mga impormasyon tungkol sa beast. Ang alam lang natin ngaun ay ang nangyari noong nakaraang taon. Noong sumalakay ang beast alam nating lahat na pinigilan siya ni Dean katulong yung mga teacher natin, pero pag katapos noon nawala na ang beast at malaki na ang nag bago sa school." Paliwanag ni Craige.

"Gusto ko na kumalap kayo ng kahit anong impormasyon about sa beast. Kahit anong impormasyon na makakatulong satin." Pahabol niya.

Kahit pala sila wala pang masyadong alam sa beast.

"I gu-grupo ko kayo ng by two. Ezra at Snow kayong dalawa, Bane and Drew, Natalie at ako. Hindi muna kita isasama Jane, ikaw muna ang bahal kay Blake. Ikaw ang bahal na mag train sa kanya hanggang sa kaya na niyang mag isa. Ikaw naman ang pinakamalakas satin bukod sakin." Paliwanag niya.

"Wait! Craige ako nalang mag te-train kay Blake!" Tugon ni Natalie.

"Hahaha! Ano naman ituturo mo kay Blake? Kaartihan?" Pang aasar ni Snow.

"Shut up! Snow!" Galit na tugon ni Natalie.

"Hayaan mo na si Jane may mas importante akong ipapagawa sayo. Sasama ka sa mga pupuntahan ko." Paliwanag naman ni Craige.

"Hayyst! Oo na!" Tugon ni Natalie.

"Okay! Yun lang naman! Pwede na kayong umalis. At Jane ikaw na ang bahala sa kanya, he has the rarest power kaya dapat ma handle niya ng tama." Paliwanag ni Craige.

"Okay..." Tugon ni Jane.

Gaya ng sinabi ni Craige umalis na kaming lahat ang bawat grupo ay sumama sa kanya kanyang grupo kaya kasama ko ngayon si Jane.
Ginamit niya ang kapangyarihan niya para makapunta kami agad sa Classroom malapit na kasing mag simula ang klase.

"Mag kita tayo mamayang uwian. Huwag kang malate ah." Bilin ni Jane bago kami pumasok ng room.

Mga ilang minuto lang pag kapasok namin ay dumating narin si Dean. At gaya ng dati nag kwento lang siya at nag bigay ng mga advice. Hindi ata siya nauubusan ng mga advice dahil araw-araw iba ang mga binibigay niyang advice sa amin.

The Group Where stories live. Discover now