“Sorry,” ganting wika ni Don Lockman, ang kaibigang sinalubong, “I did not tell you about my coming. Remember I told you once that I will surprice you one day?”
“Yes, I remember. Come in.., come in.”
At magkasabay silang pumasok sa bahay. Sa library sila nagtuloy. Agad nagsalin ng inumin ang Bise Presidente at matapos iabot sa bisita ang isang baso ng inumin ay saka nagsalita.
“I was really surprised when they call me about your arrival. What is your purpose here, business?”
“No,” sagot ng Amerikano, “just relaxation. I want to have a quite and relaxing few days. You know, after so many days of business transactions, you want to rest a little.”
“I know!” Anang Pangalawang Pangulo. “But I am just wondering why you choose the Philippines? Your government have just issued a warning to American tourists regarding kidnappings and other trouble here in our country.”
Tumawa si Don. “That doesn’t worry me. Those people in the government just wanted to impress their constituents, reason why they said those things.”
“I am glad to hear that. I hope there are more like you.”
Marami pa silang napag-usapan. Ang lahat ay walang kinalaman sa pulitika o’ sa negosyo kaya. Tanging ang tungkol lamang sa mga personal na paksa ang kanilang pinag-usapan. Nang magpaalam ang kanyang panauhin, at dahil wala itong sasakyan, ay ipinahatid ng Pangalawang Pangulo ang Amerikano gamit ang kanyang sasakyang numero dos ang plaka.
Muli silang nagyakap. “Thanks for the visit. I really enjoyed your coming here.”
“Me too! See you later.” Tugon ng Amerikano bago sumakay sa kotse.
Kumaway pa ang Pangalawang Pangulo nang umalis ang bisita. Tinanaw pa niya iyon hanggang makalabas ng gate.
Kinabukasan, laking gulat ni Ramir nang matunghayan ang naglalakihang headline sa pahayagang nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa sa opisina. ‘VP’s CAR RIDDLED WITH ASSASINS BULLETS’. Agad niyang binasa ang balita sa ilalim noon.
Sa balita ay ganito ang kanyang nabasa:
Isang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang lalaki, ang diumano’y, lumagpas sa sasakyan ng Pangalawang Pangulo. Bumaba ang nakaangkas at nang malapit ang kotse ay pinaulanan yaon ng putok mula sa awtomatikong sandata. Namatay ang tsuper at ang sakay nitong pasahero na nasa likod ng kotse.’
Napag-alaman, matapos ang pagsisiyasat, na ang sakay ng kotse ay hindi ang Pangalawang Pangulo kundi ang kanyang kaibigang Amerikano na tumutugon sa pangalang Don Lockman. Napag-alamang ipinahatid ng Bise Presidente ang kaibigan sa kanyang hotel dahil wala itong dalang sasakyan.’
Dahil sa mabilis na pangyayari, ay walang nakakuha sa plaka ng motorsiklong sinakyan ng dalawang salarin. Sa kasalukuyan ay hindi pa malaman kung kangino iniuukol ang pagpatay na iyon, kung sa Amerikanong negosyante o’ sa Pangalawang Pangulo ng bansa.’
Itiniklop ni Ramir ang pahayagan. “Ito kaya ay may kinalaman sa operation mj?” Nasumpungang itanong ni Ramir sa kanyang sarili. “Kung kaugnay ito sa operasyung iyon, ay bakit ang vice president? Kailangang tanungin ko si Bise tungkol dito.”
Akma na sa kanyang pag-alis si Ramir nang tumunog ang telepono. Iniangat niya ang awtitibo at saka nagsalita. “Sino ang tumatawag?” Tanong niya sa kanyang sekretarya.
“Si Maribeth po, sir..., sa line trwo.” Sagot ni Sofia.
Pinindot ni Ramir ang line two. “Napatawag ka.” Wika niya.
“Dahil dito sa headline. Nabasa mo ba?” Tanong ni Maribeth.
“Oo,” sagot ni Ramir, “mabuti’t tumawag ka. Kailangan kong malaman ang tungkol dito. Baka merong alam ang Presidente, kailangan sigurong makapanayam mo siya.”
YOU ARE READING
Operation: 'MJ' ni Virgilio Alvarez
ActionAng kwentong ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan. Si Pepe, isang repair man ng lighter, na nag-imbento sa tinatawag niyang 'listening device' ang nakarinig ng tungkol sa assassination plot na iyon. Hindi naniwala si...
Operation: 'MJ' (1 to 4)
Start from the beginning
