Dahil kilala ni Maribeth ang pribadong duktor ng Pangulo at ang kasama nitong sekretaryo ay bumati siya. “Good afternoon sa inyong dalawa.” Wika niya. “Kumusta po ang Pangulo?” Dugtong niya.
Tumawa ang duktor. “Hindi panggagamot ang ipinunta ko dito. Social visit lang.”
Ngumiti ang dalaga. “Sige po, tutuloy na ako.”
“Goodbye!”
Sa tanggapan ni Ramir ay tinutunghayan niya ang mga report sa kanyang hapag. Naroon ang kay Dante na nagsasabing wala siyang nakitang punglo o’ marka ng tama sa alin mang gusali na katapat ng lugar kung saan nagpaputok ang nakamutor na lalaki.
Sumandal si Ramir sa kanyang upuan. “Kung walang marka at punglong nakita,” bulong niya sa sarili, “ang ibig bang sabihin nito ay blanko ang balang pinaputok?”
Dahil dito ay tinawag niya ang kanyang sekretaryang si Sofia. “Kailangan ko dito ang ballistics ng balang pumatay kay Jose Martires at kay Det.Lery Montes.” Utos niya. “At mag-fax ka uli sa LTO at alamin mo kung kanginong sasakyan ang plate number na ito.” At ibinigay niya ang numero ng inilistang plate ng dalawang lalaking umusunod sa kanya.
Ang sumunod niyang tinunghayan ay ang listahan ng mga pulang kotseng may plakang otso. Marami ring pangalan ng kongresistang nakatala, labingtatlong lahat. Ilan sa kanila ang may dalawa hanggang tatlong pulang kotse. Sa listahang naroon ay wala ang mga pangalan ng kongresistang ayon kay Ben de Castro, ang body guard ng Senate President, ay protektor ng weteng at ng mga loggers.
Naroon din ang report ni Roland at Benji tungkol sa nakita nilang pulang kotse na may plakang otso na dumaan sa Rizal Avenue. Sa report ay sinasabing hindi nila matiyak kung ang mga nagsidaan doon ay yun at yun din o’ magkakaibang sasakyan. Ang dahilan ay ang pare-parehong plakang otso ng mga iyon. Sa bilang ay lumalabas na ang pulang kotseng dumaan ay labing dalawang lahat, pito ang papuntang Jones bridge at lima ang patungo sa dako ng Blumentrit.
Tinawag ni Ramir ang kanyang sekretarya. “Nariyan ba sina Benji at Roland?” Tanong niya at nang makitang tumango si Sofia ay nagpatuloy sa pagsasalita. “Papasukin mo nga!”
Hindi nagtagal ay pumasok ang dalawang detektib na ipinatawag ni Ramir. Matapos maupo sa harap ng hapag na kinauupuan ng Tenyente ay saka nagsalita ang isa sa dalawa.
“Meron ka bang ibig ipagawa sa amin?” Tanong ni Roland.
“Nabasa ko ang inyong report,” nakatawang sagot ni Ramir, “ngayon ko nga lamang nalamang totoo nga palang mahirap alamin kung ang nagdaan doon ay iba’t ibang numero otso o’ ‘yun at ‘yun din.. Lalo pa’t kung ang mga iyon ay air condition at may tint ang mga bintana.”
“Gan’un nga,” ayon naman ni Benji, “pare-parehong tinted at aircon.”
“Kaya ganito ang gawin ninyo.” Ani Ramir. “Dalhin ninyo ang inyong mga sasakyan. Sa sandaling may makita kayong pulang otso ang plaka, ay sundan ninyo. Gusto kong malaman kung saan sila nagpupunta. Maliwanag ba?”
“Sure,” halos magkasabay na sagot ng dalawa. Magkasabay ding tumayo at lumabas ng opisina ni Ramir.
Isang taxi ang pumarada sa harap ng gate ng bahay ni Bise Presidente Nomer Lanuza, ng gabing iyon, na nilapitan ng isa sa dalawang bantay. Matapos kausapin ang sakay ng taxi ay tumawag ang bantay sa bahay at pinapasok lamang ang sasakyan matapos magkaroon ng pahintulot ang bise Presidente.
Sinalubong ni Vice President Lanuza ang panauhin sa pagbaba nito sa sinsakyang taxi.
“Hey.., this is a surprised visit!” Wika ng Bise Presidente sabay yakap sa kaibigang Amerikano.
DU LIEST GERADE
Operation: 'MJ' ni Virgilio Alvarez
ActionAng kwentong ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan. Si Pepe, isang repair man ng lighter, na nag-imbento sa tinatawag niyang 'listening device' ang nakarinig ng tungkol sa assassination plot na iyon. Hindi naniwala si...
Operation: 'MJ' (1 to 4)
Beginne am Anfang
