“Kapit bahay namin, repair man ng lighter.”
“Alam mo ba kung ano ang sinabi kay Lery?”
“Oo, naikwento kasi sa akin.”
“Pwede ko bang malaman?” At umusog sa dulo ng kanyang inuupuan si Ramir para mapalapit sa kinalalagyan ng kausap.
“Meron kasing iniimbento si Pepe na tinawag niyang ‘spy machne’.” Simula ni Mercy. “At sinubukan daw iyon samantalang naroon siya sa kanyang pwesto sa Avenida Rizal”
“Spy machine.” Ulit ng Tenyete, “eh.., umubra ba daw naman?”
“Oo, sinabi nga niya kay Lery na may narinig daw siyang nag-uusap. Pinag-uusapan daw ang pagpatay at nabanggit ang katagang presidente.”
“’Yun lang ba ang nasabi niya sa iyo?”
“Nasabi rin niyang hindi niya alam kung sinong presidente ang binanggit. Sabi nga niya ay pwede raw ang presidente, bise presidente o’ ang presidente ng senado. Kaya siguro nag-usap sila ni Ben na bodyguard ng Senate President.”
“Pwede nga,” tatango-tangong wika ni Ramir. “Saan ko ba maaaring makita si Pepe?”
Napatingin si Mercy sa Tenyente. “Bakit, hindi mo ba alam na patay na si Pepe?” Tanong niya.
“Patay na?”
“Oo,” ani Mercy, “’yun nga ang nagtulak kay Lery para paniwalaan si Pepe at magtanong ng tungkol sa sinabi sa kanya.”
“Ano ba ang ikinamatay ni Pepe?”
“Ewan kung totoo, pero ang sabi ay tinamaan daw ng ligaw na bala buhat sa mga nakamutor na nagbarilan..”
Tumayo si Ramir. “Salamat sa abala. Magpapaalam na ako. Gusto ko kasing makausap ang maybahay ni Pepe, saan ba ang bahay nila?”
“’Yung bahay diyan sa kanan.”
Lumapit si Det. Lt. Ramir sa bakod ng bahay ni Pepe. Pero bago pa niya napindot ang timbre ay natanaw niyang lumabas ang isang bata.
“Ano po ‘yun?” Anang bata sa kanya.
“Anak ka ba ni Pepe?” Tanong ni Tenyente.
“Opo.”
“Nariyan ba ang Nanay mo?”
Imbis na sumagot ay sumigaw ang bata. “Inay..., ikaw ang hinahanap nitong mama!”
“Papasukin mo!” Narinig nilang sagot mula sa silong ng bahay.
Binuksan ng bata ang bakal na gate at pinapasok siya. Sumalubong sa kanya ang isang babae na, marahil ay nasa pag-itan ng 35 at 40 taong gulang.
“Tuloy kayo.” Wika ng babae at itinuro kay Ramir ang isang upuan. “Maupo kayo. Ano po ba ang sadya ninyo?” Tanong nito pagkatapos.
“Ako po’y si Det. Lt. Ramir dela Serna,” pagpapakilala sa sarili ng Tenyente, “naparito ako para magtanong ng ilang bagay sa inyo.”
“Lolita po ang pangalan ko, ako ang asawa ni Pepe.” Sagot ng babae. “May kaugnayan po ba ito sa kamatayan ng aking asawa?”
“Hindi ko pa tiyak,” ani Ramir, “pero maaari.”
“Hindi rin po ako naniniwala na namatay siya dahil sa ligaw na bala.” At nangilid ang luha sa mga mata ng asawa ni Pepe.
“Malalaman din natin ang katotohanan.” Paniniguro ng Tenyente sa asawa ni Pepe. “Sa ngayon, ang gusto ko sana ay makita ang iniimbentong spy machine ng iyong asawa at ang iba pa niyang gamit sa trabaho.”
BINABASA MO ANG
Operation: 'MJ' ni Virgilio Alvarez
ActionAng kwentong ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan. Si Pepe, isang repair man ng lighter, na nag-imbento sa tinatawag niyang 'listening device' ang nakarinig ng tungkol sa assassination plot na iyon. Hindi naniwala si...
Operation: 'MJ' (1 to 4)
Magsimula sa umpisa
