Last Chapter

100 5 0
                                    

Kinabukasan ay araw na ng kanilang pag rereport. Manghang mangha ang kanilang mga kaklase lalong lalo na ang kanilang propesor sa resulta ng kanilang pag uulat. Higit sa maganda ang mga sinasabi, may mga ipinakita din silang mga larawan na naglalaman ng kanilang kabataan. Sila lang ang unang nakagawa at nakaisip nito kaya mataas ang kanilang grado sa kanilang guro.

Masayang masaya pa ang dalawa dahil sa kanilang natanggap na grado ngunit unti unting napapawi ang kanilang mga ngiti sa tuwing maaalala na magkakahiwalay na sila ng lugar at matagal pa bago magkasama. Nilalagyan naman ni Georgina ng tapang ang dibdib para labanan ang lungkot at huwag ipakita sa nobyo na nahihirapan na siya.

Mabilis na lumipas ang mga oras at panahon na para tumungo si Zeke sa airport. May usapan sila ng nobya na magkikita doon. Ngunit pagkarating niya sa nasabing liparan ay wala pa ito. Umupo ang lalaki sa waiting area at matahimik na naghihintay sa katagpuan. Para na tuloy siyang nasisiraan ng bait sa kakangiti kapag may nakikitang kahawig ni George ngunit kapag nasabing hindi ito ang kanyang nobya ay saka pagdadausan na naman ng biyernes santo ang kanyang mukha. Bigla ay nakatanggap siya ng mensahe galing sa kasintahan.

                      Hindi ako makakapunta. Sorry.

Dahil sa nabasang text ay pinagbagsakan  ng langit  ang lalaki. Di niya namalayan na may tumulo na palang luha sa kanyang mga mata. Ganito pala ang magmahal, nasasaktan din naman.

My heart knows what i needed

My heart knows what im feelin

It knows me better than I know myself

Si Georgina may di man mapakali dahil sa ayaw niyang umalis ang taong minahal niya ng lubos kahit sa ikli ng panahon. Dahil sa mas malakas mag utos ang puso kaysa isip, agad siyang lumabas ng bahay at minaneho ng mabilis ang Yamaha mio motorcycle na binili ng kanyang kapatid. Traffic , mabuti’t nakalusot ang kanyang minamaneho sa mga kotseng nakapila sa kalsada.

Tumunog na ang bell na hudyat para sa pag alis ng eroplanong sasakyan ni Zeke. Papalit palit siya ng tingin sa magkabilang entrance ng airport sakali mang dumating ang nobya. Ngunit wala, walang dumating na George. Tiningnan niya na lang ang relo saka nagbuntong hininga bago tumayo at binakante ang upuan. Kinuha niya na ang mga gamit saka humakbang na.

Mabilis na nakarating si Georgina sa airport kaya tinakbo na niyang hinanap ang kasintahan ngunit huli na dahil nakita niya sa salaming dingdig ang paglipad ng eroplanong sakay si Zeke. Dahil doon ay napaluhod siyang umiiyak. Humahagulhol dahil sa sakit na nararamdaman ng pag alis ng kanyang minamahal.

My heart knows what I missin

All I had to do is listen

And listen well

Yumuyugyog ang balikat niya sa pag-iyak nang may kamay na humawak sa kanya. Si Zeke!

Nakangiti ito. Kahit na umiiyak ay tumayo siya at niyakap ng mahigpit ang lalaki.

“Akala ko umalis ka na.”

“Hindi ko kaya eh.”

Nag uusap sila habang yakap yakap ang isa’t isa na parang ayaw na uli mawalay sa minamahal.

“Ako rin. Akala ko makakaya ko ang sakit na nararamdaman ko kahit umalis ka pero hindi pala eh. Namatay ito nung nalaman kong umalis ka na pero muling nabuhay nang makita ka.

Itinuturo ang puso.

“Kahit ako. Akala ko kapag natupad itong pangarap ko ay sasaya na ako, hindi pala. Dahil ang pangarap ko ay ikaw lamang.”

“Pero andito ka na, ba’t di mo pa itinuloy ang binabalak mo?”

“Sabi ko nga, may sariling utak ang puso ko.”

“Zeke, mahal na mahal kita,”

“Mahal na mahal rin kita George at pangakong hindi na tayo maghihiwalay pang muli.”

Hinawakan ng lalaki ang mukha ng babae at pinunas ang mga luha nito saka binigyan ng isang matamis na halik sa labi.

My heart has a mind of its own.

Right or wrong its gonna do,

only what it feels is true.

Ill follow it wherever it goes,

Anywhere it leads me to

My heart has a mind of its own.

The End.

- EmymarBio

(Dont forget to like, comment and share. Thank you =))

My heart has a mind of its own (Complete)Where stories live. Discover now