Chapter 9

51 5 0
                                    

Ang araw ng linggo ay maulan.

Si Georgina na naka pantalon at pink na jacket na may hawak na payong, ay masuyong nilalakad ang direksyon patungo sa tinutuluyan ni Zeke.

Di na niya ito tinawagan dahil sa ayaw nito munang marinig ang boses at pangungulit tungkol kahapon.

Kagabi nga ay puro ang binata ang nasa kanyang isipan.

Kaya nga ngayong araw ay kinakabahan siya sa gagawing pakikitungo niya sa lalaki.

Sa wakas ay natunton na niya ang apartment ni Zeke na nasa taas ang inuupahang bahay.

Ngunit, napansin niyang may kotseng nakaparada doon.

Siguro ay sa may ari ito ng boarding house.

Pero di siya nagkakamali na nakita na niya ang kotseng ito.

Tama, dito sumakay si Zeke nang huli silang mag usap.

Naalala niya nga pati ang babaeng nagmamaneho ng kulay pulang kotseng to.

Ngayon tuloy ay may nararamdaman siyang kirot na nagmumula sa kanyang puso.

Isa lamang ang dapat niyang gawin upang malaman kung sino ba ang babaeng ito sa buhay ng kanyang minamahal.

Pumanhik na siya pataas ng hagdan, di na niya inintindi ang sirado nitong gate, binuksan niya agad ito dahil sa panggigigil.

Pagpasok sa balkonahe, inilapag niya ang kanyang basang payong at nasilip ang medyo bukas na pinto.

Humakbang siya ng kaunti at maluwang na binuksan ang naka alwang na pinto.

Laking gulat niya nang makita ang dalawang tao na magkatabing nakahiga sa sofa, at yun nga ay si Zeke at ang babaeng kanyang pinagseselosan.

Alam niya na ang nakita niya ay walang malisya dahil magkatabi lang naman ito sa paghiga ngunit isang paghihinala ang makita ang di magkaparehong kasarian na nakahiga sa isang masikip na espasyo.

Maging ang mga ito ay nagulat sa kanyang ginawa kaya nga agad bumangon si Zeke at siyang sinundan palabas. .

Siya naman ay agad na kinuha ang payong saka nagtatatakbo palabas ng masalimuot na kabahayan.

Nang nakalabas na siya ng compound saka niya pinakawalan ang mga luha na magluksa sa namamatay niyang puso.

Saka lamang nakita ang lalaki na naabutan na pala siya.

Sinubukan niyang lumayo ngunit nakahawak na si Zeke sa kanyang braso.

“Sandali, let me explain.”

“Bumalik ka na sa loob, baka hinahanap ka na ng girlfriend mo.”

Diniinan niya pa talaga ang salitang girlfriend.

“Wag ka munang mag isip ng kung anu ano. Hayaan mo akong magpaliwanag sayo.”

“At ano ang sasabihin mo? Magdedeny ka?”

“Hindi. Makinig ka, hindi ko siya girlfriend, siya ay,”

Di na niya pinatapos ang lalaki sa pagsasalita dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.

“Sasabihin mong kapatid mo siya? Well, gasgas na yang palusot. Saka ano magpapanggap kayo para sakyan ang pagsisinungaling mo sa akin?”

“Tama ka.”

“Ano?”

“Kapatid ko siya at yun ang totoo. Kung ayaw mong maniwala ay handa akong mag pa DNA test kung gusto mo.”

My heart has a mind of its own (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon