Chapter 10

59 5 0
                                    

Tama nga ang kanyang hinala, sa isang sikat na Italian restaurant sila pumunta. Dahil sa tanghali na sila nakaabot, kailangan na nilang kumain bago malipasan pa ng gutom. Kahit first time ni Georgina makaranas ng isang date, naging sosyal parin siya. Mabuti at nakakain na sila ng ama noon sa ganitong restauran kaya hindi na niya kailangang maging tanga sa harap ng kasintahan.

Matapos kumain ay diretso na sila sa isang mall para magsaya. Pumunta sila sa playing area ng nasabing mall at naglaro. Hilig ni Georgina ang motor at kotse naman kay Zeke kaya naglaban ang dalawa sa car racing, sa video game nga lamang. Pero bilib ang mga kabataan at young at hearts sa kanila dahil sa nalampasan nila ang highest score ng naturang laro. Ganun sila kagaling. Madami pa silang sinubukang mga games ngunit ang tumatak ay ang sa pagkuha ng stufftoy sa isang booth. Madami silang nasayang na token sa larong iyon dahil sa ang hirap manalo pero labis naman na kasiyahan na dulot nung nakakuha sila ng isa. Pinangalanan nila iyon ng little louie. Nagkatinginan pa nga ang lahat ng andun nang nagsigawan silang dalawa dahil sa sobrang saya. Ganun sila kasweet.

Siguro’y napagod na ang dalawa sa kakalaro kaya pumasok sila sa isang sinehan na di habol ang makapanood kundi ang makapagpahinga. Bandang alas singko na noon ng gabi nang nakaidlip si George sa balikat ni Zeke habang ang parehong kanang kamay ay magkahawak. Pinagmamasdan lang ng lalaki ang mala anghel na mukha ng babae, di nito akalain na mapupunta sa kanya ang matagal niya ng hinihintay. Madami na siyang naging buhay sa maraming babae, ngunit kay George niya lang naranasan ang umibig ng tunay. Ganito nga talaga ang nagmamahal.

A part of me, is taken me by the hand

No world can see, still they cant understand

Why cant they understand?

Naalala niya bigla ang kanyang tatawagan kaya kinuha nito ang cellphone saka may idinial na numero. Nang may nag hello sa kabilang linya ay agad naman niya itong sinagot.

“Maghanda kayo mamayang alas siyete ha…… Sige…….. Salamat.”

Tiningnan nito ang relo saka hinalikan ang noo ng babaeng minamahal saka ipinikit ang mga mata.

Dahil sa kiliting nararamdan ay nagising si Zeke. Pinaglalaruan na pala siya ni Georgina gamit ang daliri nito na pinaikot ikot sa mukha niya. Kahit ganun ay ngumiti parin siya dahil sa sayang naramdaman. Ang sarap kayang makita ang minamahal pagkamulat ng pagkamulat mo ng mga mata. Agad niyang naalala kung anong oras na kaya tiningnan nito uli ang relo sa pangalawang pagkakataon.

“Wala na palang tao dito sa sinehan?”

“Meron pa po, tayong dalawa. Tao naman tayo di ba?”

“Wag muna ngayon ang biruan.”

“Fine. Kanina pa nagsialisan ang mga tao pagkatapos ng movie. Naabutan ko pa nga yung ending eh. Inamin na ng boy na matagal na niya palang mahal ang bestfriend niya. Dagdag pa na sa unang date nila ito nagtapat. Ang sweet di ba?”

“Corny.”

“Eh lahat naman sayo corny and boring eh.”

“Speaking of, may inihanda ako sayo na hindi boring at di rin corny. In short, magugustuhan mo.”

“Talaga?”

“Oo, kaya halika na at umalis na tayo dito. Puntahan na natin ang magical place na yun. Kaw kasi di mo ko ginising kaagad.”

Tumayo na ang dalawa.

“Ang himbing kaya ng tulog mo. Naglalaway ka pa nga eh.”

“Ano?”

“Joke lang. Ito naman di na mabiro.”

Nagsimula ng humakbang palabas ang magkasintahan. Dumiretso agad sila sa isang RTW na boutique para makapagpalit ng damit at sapatos. Talagang matagal ang mga babae mag ayos kaya lumabas muna si Zeke upang pumunta sa jewelry shop. Naka bihis na kasi eto. Pumunta siya ng naka maong pants at white polo lang at pinalitan ngayon ng black slacks at blue long sleeve na kinaluskos hanggang braso.

Nakabalik na ang lalaki mula sa binilhan at hihintay na lang ang nobyang lumabas sa fitting room. Kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo si Zeke nang lumabas na si Georgina na nakaayos.

“Hon,” Napaangat ng ulo ang binata.

Nakatulala na ito sa kanya na matuling pinagmamasdan siya ulo hanggang paa. Ngayon kasi ay naka semi gown red dress at mataas na black sandals. Actually, hindi siya nagsusuot ng mga ito dahil sa simple lang siya. Ngunit sinabi ng nag ayos sa kanya na nababagay daw sa kanya ang damit na yun. Mas lalo daw lumalabas ang kagandahan at kaseksihan niya na pinalabas kaunti ang kanyang cleavage.

“Hoy! Ano? Sabi na nga ba hindi maganda eh.”

Akma na sanang tatalikod si Georgina nang nagsalita si Zeke.

“Perfect. You are so beautiful tonight. Please come with me.”

Inilahad nito ang kamay sa dalaga saka tinungo ang elevator.

Imbes na pababa, pataas sila pumunta. Mas lalo tuloy nasabik ang babae.

Nang bumukas ang elevator ay saka niya pa lang nahulaan na sa roof top siya dadalhin ng kanyang prinsipe.

“Anong ginagawa natin dito?”

Tanong niya sa nobyo.

“Malalaman mo rin. Pero bago tayo tumuloy, may ibibigay muna ako sayo.”

Galing sa bulsa, kinuha ni Zeke ang isang kumikinang na kwintas at isinuot ito kay Georgina.

“You look so good wearing my love.”

Saka hinalikan ng binata sa noo ang kanyang nobya.

“Now, lets go.”

Nakakailang hakbang pa lang sila nang natanaw na ni George ang isang mesa na may candle, wine at iba pang mga pagkain na masasabi mong mahal. Napansin din niya ang isang waiter at isang violista. Sinenyasan ni Zeke ang huli para tumugtog. Kay sarap pakinggan ng musikang yun habang nilalakad ang kanilang mesa. Halos lumundag ang kanyang puso sa sobrang kilig. Napahinto din siya nang makita ang kinatatayuan. Maraming nakakalat na pulang mga petals na nakapalibot sa kanila. Halos maiyak siya sa sobrang saya.

Alam niya na kaagad na maganda ang kanyang gabi.

- EmymarBio

(Dont forget to like, comment and share. Thank you =))

My heart has a mind of its own (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon