Chapter 2

97 6 0
                                    

“Class, dismissed.”

Pagkatapos ng apat na klase, alas tres ng hapon ay uwian na.

Diretso lang si Georgina sa bahay dahil sa wala na siyang iba pang pupuntahan.

Habang naglalakad pauwi, nahalata niya na may sumusunod sa sariling likuran.

Ilang beses din siyang lumingon ngunit wala siyang mahagilap na tao.

“Na naman. May isa na namang lalaki na magmumukhang tanga sa kasusunod sa akin.”

Lumingon uli siya.

“Sino kaya ito?”

Pagkakausap niya sa sarili.

Maya maya ay kumaripas na siya ng takbo sabay tago sa halamanan.

Ilang segundo lang ay lumabas na siya sa kanyang pinagtataguan dahil oras na para gulatin kung sino man ang kumag na yun.

“Hoy!”

Ngunit imbes na ang sinigawan ang magulat, ay siya pa itong natulala.

“Ahm, Georgina.”

Mabuti at kilala pa siya nito.

“Ikaw yung bago kong classmate di ba?”

Pagtatanong niya dito.

“Zeke. Zeke Castañeda”

Napakamot pa ito sa ulo.

Pero tinapunan niya ito ng isang di maipaliwanag na tingin at ngiti.

Hay naku, may pumasok na naman sa isip ng bruha.

Sinusundan mo ako no? Asus, wag kang mag deny”

Pagpapaamin niya dito habang pinipigil ang kilig na nararamdaman.

“Ahm, well, yes. Its because..”

Di pa nga tapos ito magsalita ay pinasadahan niya na ito ng kumpirmasyon.

“Okay lang yun. Kahit nga nung highschool ako ay may lagi ng sumusunod na guy sa akin tuwing uwian. Kaya kung may gusto ka sa akin, sabihin mo na para di ka na mapagod sa panliligaw. Tutal ay cute ka naman”

At hinawakan niya pa ito sa pisngi.

Grabe, kaloka ang lola mo.

But in fairness, ang lambot ng fes.

Imbes na mapahiya si Zeke, natawa pa ito.

“Your key.”

Inabot nito sa kanya ang susi.

Sinuri din niya ang bagay na yun kung kanya talaga.

Jesus maria joseph, susi ng bahay nila.

Siguro ay nakita nito ang pagkapahiya niya kaya nagsalita uli ito.

“You dropped it habang may hinahanap ka sa bag mo palabas na ng school.”

Kahit na nahihiya sa asal kanina ay nagpasalamat pa rin siya.

“Thanks. Sorry din pala kanina.”

“What?”

"Hay naku ang mokong ito gusto pa akong paulitin. Ayoko nga." - sabi niya sa sarili.

“Sorry sa, sinabi..”

“Don’t worry, wala naman yun sa akin. Kasalanan ko din naman. I hide everytime you look back. In any reason, I want to know kung saan ka nakatira. If you don’t mind, I would like to walk with you.”

My heart has a mind of its own (Complete)Where stories live. Discover now