Chapter 6

55 6 0
  • Dedicated to Ma Christine Brin
                                    

Ilang Segundo din sila sa ganung ayos.

Para bang isinasayaw lang ni boy si girl na may pa bend bend pa.

But in fairness, para silang mga fairy tale characters: Cinderella and her prince.

Nagkatitigan ang dalawa sa mga mata.

Nababasa ni Georgina ang lungot at pagkauhaw sa pagmamahal ni Zeke.

Marami pa siyang nakikita dito na maari lamang mabasa sa mga mata.

Tama nga ang kasabihan, eyes is the window of our soul.

Maya maya ay may narinig na silang mga palakpakan, sipol at hiyawan.

Asus, mga tao lang pala.

Mga tao!

Maraming nakatingin at napapalibutan na rin sila.

Tumindig ng matuwid at nag ayos ang dalawa at nagsipagbalikan sa kanilang mesa na nakapag pa kalma sa lahat ng nakakita sa kanilang eksena.

Maging siya ay nahiya.

Kaw ba naman ang nasa ganung ayos na kulang na lang ay halikan. Nakakakilig! Este nakakahiya.

Dahil sa masyado ng naiilang, nagpaalam na lang si Georgina at sinabing magkita na lang bukas sa school.

Sa paglalakbay pauwi, mukha ni Zeke ang kanyang nasa isipan.

Totoo ba kaya iyon o gunu guni ko lang?

Nakita niya kasi ang pagtutol niyang umalis sa mga mata ni Zeke.

May pag ibig na din ba siya sa akin tulad ng pag ibig ko sa kanya?

Gabi na at natatantiya niya na alas siyete pa lang.

Nasa terrace siya habang may tinatype sa kanyang laptop.

Isinusulat niya kasi ang tungkol kay “Georgina Velasco” na ibibigay kay Zeke. 

Naisulat na niya ang lahat.

Pati nga ang di makakalimutang karanasan niya noong elementary at high school.

Isa na lang ang kulang.

Ibinaling niya ang paningin sa garden, magaganda kasi ang mga puno at flowers doon, saka nakakaisip siya ng mga isasagot kapag gagawa siya ng kanyang homework.

Inspiration kung baga.

Ano kaya? Ano kaya ang ideal man ko? Saka sino?”

Naiinis na siya dahil kanina pa isang tao lang ang nasa kanyang isip at yun ay ang emong si Zeke.

Oo, may gusto siya sa lalaking iyon, sa paninindigan nga lamang.,

Alangan ibigay niya ang sulat na to na ang dinedescribe niyang ideal man ay ang kanyang bibigyan.

Sinabunutan niya tuloy ang sarili.

Ngayon tuloy na kailangan niyang gamitin si Mr. Brain ay busy naman ito.

Ewan niya ba sa sarili kung bakit siya nagkakaganito.

For the first time in history, Si Georgina Velasco na maganda, matalino, confident at independent ay naging tanga, clumsy at nakakulong na lagi sa isipan ang lalaking may kagagawan kung bakit siya nagkakaganito.

Pati ngayon, nagiging makata na siya.

People try to tell me that its crazy,

You and I will never meant to be.

I don’t believe they know, and even it is so.

Im falling anyway, no matter what they say.

“Alam ko na! Grabe, ang talino ko talaga.”

Nakaharap na siya sa laptop at nakangiting isinulat ang nasa isip.

“Yes. Humanda ka Mr. Castaneda.”

Itiniklop niya na ang gamit at pasipol sipol pang tinignan uli ang garden ng kanyang ate.

Pero pinutol niya ang ginagawa sapagkat may naaninag siyang  “tao” sa likod ng puno ng kanilang mangga.

Bigla niya tuloy naisip ang pananakot ng ate niya noong nagbakasyon siya dito when she is in second year high school.

Bhe, di na pwedeng lumabas ng bahay kapag pumatak na ang alas sais ng gabi. May kapre kasi sa malaki nating punong mangga at nangkukuha ng mga bata.

Kaya para tuloy siyang engot ngayon dahil sa mabilis na pagtakbo papasok ng kanyang kwarto.

Natakot.

Kinabukasan ay di siya pumasok sa school dahil sa pag asikaso ng pagkuha ng kanyang form 138 sa Bicol.

Umalis siya ng madaling araw para makabalik mamayang gabi.

Nag eroplano na nga siya para mabilisan ang pag uwi sa hometown niya.

Kaya pumunta na lang ang kanyang ate sa eskwelahan para sabihan ang school na di siya makakapasok ngayong araw ,pati na rin ang pag abot ng sulat kay Zeke na kanyang ginawa kagabi.

 Name: Georgina Velasco             N-name: Georgie

.

.

.

.

.

.

.

.

IDEAL MAN: Tall, Cute, Sweet, Caring, Thoughtful, Gentleman, Nice, Joker, laging nakatawa, hindi pinaghihintay ang girl, desente kung manamit at makipag usap, walang eyeliner, may alam sa babae, at siyempre mapagmahal.

- EmymarBio

(Dont forget to like, comment and share. Thank you =))

My heart has a mind of its own (Complete)Where stories live. Discover now