Chapter 5

65 6 0
                                    

Simula na ngayong hapon ang kanilang interviewhan sa isa’t isa.

Nag usap silang magkikita sa isang fastfood chain 4:00 ng hapon, nag siuwian muna sila para makapag palit ng damit.

Malapit na si Georgina sa kanilang tagpuan ng maalala ang pagiging late ng partner kaya nalagay na niya sa isipan na mag hihintay na naman siya.

Pagkapasok sa Mcdo, humanap na agad siya ng bakanteng mauupuan nang may nakataas na kamay na nakapagtawag ng pansin sa kanya.

Dahil sa dami ng tao, kelangan niya pang lumapit para makita kung sino iyon.

Di niya inaasahang si Zeke ito.

Mabuti at maaga na ito, napansin siguro ang pagkainit ng kanyang ulo nung una itong mahuli sa usapan.

Nang makalapit at umupo kaharap niya ay napansin din niyang di ito nakapagpalit ng damit.

Gaya kanina, naka white tshirt at black jacket, maging ang pantalon at sapatos nito ay parehas ng kanina.

Dahil di gaya niya ngayon na naka tennis lang at naka blouse and jeans.

Di na niya ito pinansin masyado, inilabas niya lang ang tablet paper at ballpen at akma na sanang magtatanong nang maalala niya ang mga gadyets nito.

Ipinakita niya ang palad na pawing humihingi ng limos.

“Iniwan ko ang cellphone sa bahay. Asan ang sayo?”

Tanong niya dito.

“Itinapon ko na.”

Dahil sa naging sagot na yon ay bigla siyang napaisip kung bakit.

Siguro ay nahalata nito ang pagkunot ng kanyang noo kaya nagsalita uli ito,

“Para walang istorbo.”

Oo, nakinig nga ito sa pinayo niya kanina, pero di niya dapat ginawa iyon.

“Mali ang naging paraan mo. Di mo dapat itinapon ang mga bagay na iyon.”

“Wag kang mag alala, bibili na lang ako ng bago. At, di ko na, uulitin, uli, iyon. Sorry.”

Ang huling salita nito ang nakapagpagaan ng kanyang damdamin at hudyat na para sa tanungan.

Una siyang nagtanong tungkol sa personalities nito, sunod ang mga gusto at dislike at pati na din ang buhay nito.

Sumasagot naman ito ngunit sa iilang mga katanungan niya nga lamang.

Tapos na ang kanyang dapat gawin at turn na ni Zeke para interviewhin naman siya ngunit walang lumabas na kahit ano sa bibig ng lalaki kaya siya na ang kusang nagpakilala ng sarili.

“Im Georgina Velasco, former Validictorian ng school namin at isang archery. Sina Melissa and John ang aking mga magulang. Tatlo kaming magkakapatid, pangalawa ako. Ipinanganak ako noong October 31,1995 sa Bicol. Favorite ko ang pink and green. Mahilig akong magbasa ng history ng mga greek gods and goddesses. Mas favour ko ang Math kaysa Science……Hay naku! wala ka bang itatanong? Kasi napapagod na ako sa kakadaldal ng mag isa. Hayst! Bibigyan na lang kita ng copy bukas about myself.”

 Sumandal na lang siya sa upuan dahil sa sobrang pagod at pagkainis.

Ngunit inilapag ni Zeke ang mga kamay sa mesa at itinukod para mailapit ang mukha nito sa kanya.

“May itatanong ako,,,. Ano ang ideal man mo?”

Over! Kailangan pa bang itanong yan?

Dahil sa tensyong nararamdaman ni Georgie, napalunok siya.

Inilapat niya na lang ang kamay sa dibdib ng lalaki at itinulak palayo.

“Isasama ko yan bukas sa ibibigay kong copy sayo.”

Kabadong sagot niya.

Mabuti at bumalik na ang binata sa kinauupuan.

Pero grabeng init ang nararamdaman niya ngayon kahit aircon kaya nagpaalam na muna siya para mag c.r.

Nang una pa lang niyang ihakbang ang mga paa ay anak ng pating, nadulas siya, mabuti at may mga bisig na sumalo’t umalalay sa kanya.

Hinarap niya ito.

Anak ng butiki, ang prince charming niya ay isa din pala niyang knight and shining armor.

- EmymarBio

(Dont forget to like, comment and share. Thank you =))

My heart has a mind of its own (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon