"Okay. Just tell her na I can't go to church with her today." Me.

"Ate, Lj said she can't go with you daw sa church 'cause the truth is we already attend the mass earlier-- so Lj, base on her reaction, why daw?" Daldal nito ni Psyche eh kaya talaga siya yung tinawagan ko haha!

I scoffed. "Uh, its because, I have a fever. I can't even get up from where I'm laying. Just tell her that and I'll hang up na."

"Oh ate narinig mo naman eh. Ay hala Lj, she told me she doesn't believe you daw. Online ka nga daw kanina." Eh kingina naman kasi naopen ko yung wifi sa phone kaya nag pop up yung chat kaya naman automatic online ako!

"Its unintentional. Now, if she really don't believe me then fine. Sorry Psyche, I really have a bad feeling and I can't talk to you for too long 'cause my head and body are aching. Hope you understand?" Napabilis tuloy salita ko.

"Of course. Take care okay? Bye, Lj." Sabi niya tas pinatayan ko na.

Nilapag ko ulit yung phone ko sa side table tas tinry na tumayo ulit pero hindi ko talaga keri kasi ambigat talaga ng feeling ko. I just wanna lay in my bed right now.. Wala kong makitang tao dito sa bahay huhu.

I'm gonna call Mon! Siya nalang ang pag-asa ko! After five rings sumagot naman siya. In a sleepy tone.

"What is it?"

"Mon.. I have a fever.." Paawa kong sabi.

"And so?" Buset talaga 'to!

"Anong and so? Take care of me!" Bahagyang napalakas tuloy ang boses ko pero tinawanan niya lang ako.

"Alam niya ba?" Alam ko naman kung sino tinutukoy niya.

"Yup.. pero hindi daw naniwala. Tsh."

"Naniwala 'yon. You'll see after 15 minutes nandyan na 'yon." Paasa rin 'to eh!

"Hindi nga. Galit nga sa'kin eh."

"Believe me. Sige na inaantok pa ko."

Ha! Binabaan ako! FO na tayo Mon! FO! Nagpatugtog nalang ako sa phone ko ng mga songs ni Ed Sheeran para naman ma chill yung utak ko. I was about to sleep pero may biglang humaplos na pisngi ko kaya nagising ulit ako.

My baby.

"Ang init mo. Tara na sa room mo.." Malambing niyang sabi. Ngumuso lang ako. Pacute lang hahaha!

"Are you still mad?" Mahina kong tanong.

Umiling siya tas hinalikan ako sa noo. "Sorry, baby. Sana kasi kanina mo pa sinabi sa'kin. I'm sorry.." Sabay haplos niya ulit sa pisngi ko. "Let's go to your room. I don't wanna see you like this.. I'll take care of you." Dahan-dahan niya kong tinulungan tumayo.

Kahit nahihirapan ako, pinilit ko nalang. Gusto ko na talaga mahiga sa bed ko. Naramdaman ko agad yung sakit ng katawan ko kaya nahihirapan din akong lumakad. Badtrip naman!

"Baby? You can do it okay?" Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Hala! Bakit parang maiiyak siya?

"Yes. Wala namang masakit kaya its fine." Isang malaking joke! Ayoko lang talagang mas magalala pa siya. Dapat pala hindi ko nalang sinabi sa kanya na may sakit ako eh para hindi siya worried ng ganito.

Though it hurts, lumakad ako na parang walang masakit kaya pagdating sa room ko nahiga kaagad ako sa bed ko. Umupo siya sa gilid ko tas hinahaplos niya yung pisngi ko.

"Wala ka bang kasama? Where are your siblings?" Malambing niyang tanong. May kinuha siya sa dala niyang paperbag. She unpacked it then she put it to my forehead. Cool fever? -_- Hahaha! Ang cute niya talaga :)

Think TwiceWhere stories live. Discover now