Chapter 8

7 0 0
                                    

[Leigh, yung friend ko na nagpabook sayo for their wedding di na daw tuloy sa may 20] sabi sakin ni Byang.

[Ha? Bakit? Nagkaron ba sila ng problema?] tanong ko. Kasi naman nasa harap na nila yung happy ever after na pinapangarap ng iba tapos biglang nagkaganyan sila.

[Sira ulo ka Leigh! Sisirain mo pa talaga relasyon nila. Gag*! Nahiya daw syang magsabi sayo na kung pwedeng i-move this saturday na lang yun] sabi ni Byang.

[Jusko! Akala ko naman naghiwalay. Tsaka bakit sa saturday?] tanong ko.

[Yung gagamit daw kasi ng church this saturday biglang nabakante. Eh buntis ang loka natakot na baka di magkasya sa kanya yung wedding dress pagdating ng may 20. Kaya ayun kinuha agad yung araw na yun] paliwanag ni Byang

[Pwede naman ako ng saturday since dapat nga aattend ako ng reunion kaya nagsabi ako na wag muna tumanggap ng mga work outside my studio.] sabi ko

[Oo nga pala Leigh nakalimutan ko na may reunion nga pala tayo this saturday. Pano na yan?] tanong nya

[Edi di ako pupunta. Malaki din mawawala samin kapag tinanggihan ko yun tsaka nakapag-down na din sya eh. Next time na lang siguro. By the way, pakisabihan sya na tawagan ako about their wedding] sabi ko kay Byang

[Sige sasabihan ko na lang sya. Sasabihin ko din sa mga classmate natin na di ka makapunta because of work] sabi ni Byang and I ended up the call.

Binigyan siguro ako ni Lord ng reason not to go sa reunion namin. Baka di nga talaga ako ready na humarap sa kanila.

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at pumunta na sa kotse ko para makapunta na sa studio ko. Monday ngayon and I need to go to my work.

Pagkadating ko nandun na si Mina.

"Good morning!" bati ko sa kanya.

"Good morning din. Nandyan pala si Ms. Anjelah hinihintay ka" sabi nya sakin. Dumiretso ako sa office ko.

Pagkapasok ko nakita ko sya na nakaupo sa upuan. Napalingon naman sya nang marinig nyang bumukas yung pinto at tumayo sya.

"Good morning Ms. Dela Cruz!" bati ko sa kanya at umupo sa upuan ko.

"Good morning din and don't call me Ms. Dela Cruz anymore, Anjelah na lang. Friends naman kayo ni Byang eh kaya friends na din tayo" sabi nya habang nakangiti.

"No problem tsaka Leigh na lang din itawag mo sakin" sabi ko sa kanya habang nakangiti rin.

"Sorry nga pala if hindi kita agad na-inform na pinaresched ko yung wedding namin. Nahiya kasi ako eh" panghihingi nya ng sorry.

"Ok lang yun, Buti nga wala akong work this saturday outside kaya pwede kong gawin yung sa wedding nyo" sabi ko.

"Since ang kulang naman na sa inyo is yung sa mismong wedding nyo, mag-start kami mag-shoot from doing your make up until reception ganun din sa soon to be husband mo" pagpapaliwanag ko.

"Ok sakin yun. Yung time pala ng wedding is 2:30 ng hapon. 9:00 kami aalis sa bahay baka makarating kami dun ng 12 or 12:30 sa simbahan. Titignan muna namin yung simbahan tapos pupunta kami dun sa bahay ng friend ko kung san ako memakeup-an. Text ko na lang sayo yung address di ko kasi alam yung exact address ng friend ko eh" sabi ni Anjelah

"If you woudn't mind, may I ask bakit di na lang yung nagshoot for your prenup ang magshoot sa inyo for your wedding?" tanong ko.

"Sa totoo lang, sya naman talaga dapat kaso nagkaroon ng problema sa kanya kaya ayun, napunta kami sayo" sagot nya.

"One more question, bakit di mo kasama yung fiance mo?" tanong ko.

"Busy kasi sya sa work nya. Nasa ibang bansa nga sya ngayon eh dahil sa business meeting daw. Kung hihintayin ko pa syang matapos sa trabaho nya, kailan pa kami magpapakasal? Kaya sabi ko ako na bahala" sagot ni Anjelah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still YouWhere stories live. Discover now