Chapter 7

4 0 0
                                    

On my way home, biglang may tumawid sa harap ng kotse ko kaya naman napaapak ako sa break ko. Huminto yung lalaki sa harap ng kotse ko at tumingin sakin sabay hingi ng sorry. Nagpatuloy uli sya sa pagtawid nya at ako naman hinayaan na lang sya.

Pero what bothers me is that parang nakita ko na sya, para bang familiar yung mukha nya. Bahala na, wala kong pake sa taong yun ngayon dahil may mga problema akong kailangan ayusin pa.

Pagkadating ko sa bahay, agad naman akong humiga sa sofa. Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa tabi ng TV. Picture naming dalawa ni Ate Marian nung graduation ko nung college. 

Simula noon pa, si Ate Marian lang ang palagi kong matatakbuhan sa lahat ng problema ko. Mga masasayang araw, sya din. Lahat ng nangyari sa buhay ko, sya ang palagi kong kasama. Sabi nya sakin, 2 years old pa lang daw ako nun nung umalis ng bahay si mama kasi daw palagi syang binubugbog ni papa. Di nagtagal, pati din si papa umalis na kaya kaming dalawa ang naiwan. Pagkatapos nun kinupkop kami ng tita ko sa mother side. Nang makagraduate si ate sa high school, umalis na kami dun at tumira sa sarili naming bahay.

Kwento nya nga sakin pwede naman na kaming dalawa lang sa bahay namin dati kung saan kami iniwan ng mga magulang namin. May pera daw kasi na naiwan sa bahay na kaya naman kaming buhayin for 1 month. Ang problema lang daw is di sya marunong mag-alaga ng baby at kung maubos na yung pera na yun, ano ng mangyayari samin? Kaya ayun napunta kami sa tita namin.

Habang nag-aaral sya, nagtatrabaho din sya para daw makaalis na kami sa bahay ng tita namin kasi nakikihaya na daw. Sila na nagpapa-aral at nagpapakain samin na dapat magulang namin ang gumagawa nun.

Si ate, alam nya lahat ng sikreto ko simula pagkabata hanggang sa high school nga lang. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanya kung pano ako nagpakatanga sa pag-ibig, nagpakabobo sa pagdedesisyon, at nagbulagbulagan sa nararadaman. Kaya naman sa panahon ganto na unti na lang magbebreakdown na ako sa lahat ng nangyayari ngayon, wala akong masabihan.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Pumunta ako sa kwarto ko at hinalungkat ang mga gamit ko nung college ako.

Nakita ko yung diary ko at binuksan sa pinakahuling page kung san ako huling nagsulat. Hindi sya yung ordinaryong diary entry na ginagawa ko na isinulat ko kung anong nangyari sakin sa araw na yun. What I wrote was my thoughts.

Siguro tama yung ginawa kong desisyon. Mas maganda ng ganun ko tinapos ang lahat. Masyado ng magulo, kami at yung nararamdaman namin. Alam kong may nasaktan at kasama na ako dun. But what comes after pain? It should be happiness. Sana nga etong desisyong ginawa ko will lead us to happiness. Sana after what happened today, makalimutan na namin ang lahat. Magiging masaya namin kaming lahat diba?

Ang tanga ko. Sobrang tanga. Why did I even assumed that it will go well in the future? Siguro sila oo, naging masaya sila. Pero anong nangyari sakin? I'm stuck in the past at etong nararamdaman ko years ago, nandito parin at ayaw mawala.

No matter how many times I told myself na okay na ako at lahat ng yun ay nakaraan na, para bang may switch sa katawan ko na automatic na binabalik ako sa nakaraan. Gusto kong sirain yung switch na yun. Pero pano? Paano ko gagawin yun kung ayaw ng puso ko na kalimutan ang nakaraan? 

10 years ago

"Leigh, samahan mo nga ako" sabi ni Kyle na ang tono nya ay para akong inuutusan.

"Di mo kayang mag-isa? Kailangan talaga kasama ako?" tanong ko. Ewan ko ba kasi sa taong to at parang ang clingy nya ngayon samin.

"Kung nandito lang si Eric edi sana sya na lang. Bilis na Leigh" pagmamakaawa nya.

"Samahan mo na nga yan si g*go" inis na sabi ni Byang. Nagbabasa kasi sya sa libro siguro naingayan kay Kyle.

Tumayo na ako sa upuan ko at tumayo naman si Kyle agad na excited.

Pagkalabas namin sa room, nakasalubong namin si Eric.

"Leigh, hinahanap ka nga pala ni Sir Montenegro. Nasa faculty room sya ngayon" sabi ni Eric.

"Uy Kyle kay Eric ka na lang magpasama pupuntahan ko muna yun" sabi ko kay Kyle at naglakad na papuntang faculty room.

Bago ako pumasok, kumatok muna ako tsaka pumasok. Dumiretso agad ako sa table ni Sir Montenegro

"Ms. Reano, ok na. Nabago ko na lahat ng kailang baguhin. Thanks for you clarification. Eto na yung mga home work mo" sabi nya kaya nag-thank you naman ako at umalis na dun.

Dumiretso agad ako sa room. Naupo ako sa upuan ko at napansin kong wala pa si Kyle.

"Nasan si Kyle? Di mo sinamahan?" tanong ko kay Eric.

"Di na daw nya kailangan magpasama. Oo nga pala, nagkasya sa kapatid ko yung sapatos" sabi ni Eric.

"Talaga? Buti na lang magkasing size kami ng paa ng kapatid mo" sabi ko at biglang nag-flashback yung nangyari sa mall. Feeling ko namumula na naman mukha ko

"May sakit ka ba? Bakit namumula yang mukha mo?" tanong ni Eric habang nakahawak sa pisngi ko. 

"H-ha?" nauutal kong tanong, Feeling ko mas lalo pa kong namula.

"Tama na. Baka magkadevelopan" pang-aasar ni Byang habang nakangisi. Agad naman tinanggal ni Eric yung kamay nya sa pisngi ko.

"Umayos ka Byang. Sampung hakbang ko lang mula dito magbabago na buhay mo" pagbabanta ko sa kanya sabay  tingin sa direksyon kung san nakaupo yung crush nya.

"Magtutuos muna tayo Leigh bago mo magawa yan" sabi nya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Leigh, pwede ba tayo mag-usap mamayang uwian?" tanong sakin Eric.  Bigla akong kinabahan, ewan ko kung bakit. " Sige" sagot ko naman

================================================================================

Pagkatapos ng last subject namin, nagpaalam na ako kila Byang at Kyle kaya nauna na silang umuwi.

Pumunta kami ni Eric sa gym. Walang tao ngayon dito wala kasing PE ngayong araw. Naupo kami ni Eric sa bleachers.

"Leigh..." halos pabulong nyang banggit ng pangalan ko. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti.

"I don't know when it started pero sure akong tama tong nararadaman ko" sabi nya while staring deeply into my eyes. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Mahal kita Leigh. Matagal ko ng gustong sabihin sayo kaso palagi akong pinapangunahan ng hiya" pagtatapat nya. Natulala ako sa mga sinabi nya. Hindi ako makapaniwala na parehas kami ng nararamdaman.

"Now that I gathered up all my courage, pwede bang maging tayo?" tanong nya sakin. Bigla kong ibinuka ang bibig ko sabay sabing "Oo naman" na walang pag-aalinlangan na medyo ikinagulat ko.

"Talaga?" tanong nya habang nakangiti at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tumango naman ako habang nakangiti. Bigla naman akong niyakap ni Eric kaya niyakap ko na din sya.

Pagkatapos nun, lumabas na kami ng school. Ihahatid nya daw ako sa sakayan namin. Hindi kami magkaholding hands naglalakad dahil parang ambilis naman ata kung magkahawak kami ng kamay ngayon. Pero kahit na ganun, halatang masaya kami dahil ayaw mawala ng ngiti namin sa mukha.

Nang makarating na kami sa sakayan ko, nagpaalam na kami sa isa't isa

Present

After I read the last entry sa diary ko, napatingin ako sa picture na nakadikit dun. Picture naming apat. Masaya naman kaming lahat, why do we need to experience that pain?

6 days na lang ang natitirang araw bago mag-reunion at eto ako ngayon nagbabalik tanaw sa nakaraang patuloy na gumugulo sakin.

Should I go or not?

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon