Chapter 2

10 1 0
                                    

"Byang, what will you do if someone from your past eh nagbalik?" tanong ko sa kanya. After meeting 'him', I called Byang to chat with her. Since weekend naman and we don't have work today. Magfifeeling teenager muna kami.

"What kind of person in the past ba yan? Was he or maybe she left you in pain or something?" tanong nya sakin as she scans the menu.

"The person who chose someone's happiness for the best" sagot ko sa kanya sabay ngiti. Alam nya kung sino ang tinutukoy ko, ayaw ko lang banggitin yung pangalan.

"Ano bang sabi sayo?" tanong ni Byang. "Wala naman, kamustahan lang" sagot ko.

"Hindi sya nagbago no?" tanong nya habang nakangiti. I just nod as an answer while smiling.

10 years ago

Inaya ako ni Kyle na mag-lunch at kasama si Eric. Kalmado naman ako as long as wag nila akong kausapin baka bigla na lang ako sumigaw dahil sa kinikimkim kong kilig. 

Alam kong ang OA ko na yung tipong inalok ka lang na sumama sa lunch ng kaibigan mo kasama yung crush ko eh ganto na ako maginarte. Pero what do yo want me to do? To stay calm as much as possible? No, I can't do that.

I've been hiding this feeling for 4 years. I might look like crazy pero aaminin ko na sinundan ko sya ng school and I intentionally chose the same course as him. Diba ang creepy ko? Pero di ko naman sya nasaktan o masasaktan sa ginawa ko eh. Baka ako nga lang eh.

I just want to see him everyday, parang obsess lang. Yun lang ang dahilan ko, napakababaw na dahilan.

Sabi nga nila di na daw to crush lang, love na daw tong nararamdaman ko. Which I don't really know if this is love or not.

Madaling sabihin na love na nga talaga pero mahirap patunayan because there are doubts that stops me. Doubts na baka nasanay lang ako na sya ang hinahanap ko, na yung sya lang ang gusto ko at kung ano-ano pa. 

Siguro malalaman ko din yung tunay na nararamdaman ko balang araw. Ewan ko lang kung kelan yung balang araw na yun.

"Leigh, hinihintay na tayo ni Kyle" tawag sakin ni Byang at nauna ng lumabas. Inayos ko yung mga gamit kong nakakalat sa mesa ko at nilagay ko sa bag ko tsaka sinundan sya.

"Ang kupad mo talaga Leigh" salubong ni Kyle. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Napatingin ako kay Eric, tumatawa lang sya which is unusual kaya napangiti ako. Just like I said before, mukha lang syang cold pero hindi naman talaga.

"Tara na! May 2 hours na lang tayo before next subject natin" sabi ni Byang sabay tulak nya samin tatlo.

Pagdating namin sa Jollibee which is ni-request ko, agad kaming naghanap ng bakanteng upuan. Mahirap na baka wala kaming maupuan. Nung makahanap na kami, naupo muna kami bago umorder. Katabi ko ngayon si Byang at katabi naman ni Kyle si Eric pero kaharap ko si Eric syempre. Kilig na naman ang ate nyo hahaha.

"1 piece chicken lang akin regular lang yung coke ha" sabi ko para di ako ang umorder.

"Kunyari ka pa, 2 pieces kaya lagi mong order" panloloko ni Kyle. Ang hilig din talaga nito mag-bunyag eh.

"Oh edi pera mo ipambayad mo. Bilis! Order ka na!" utos ko sa kanya.

"Parehas nung kay Leigh yung akin" sabi ni Byang. "Burger steak akin" sabi ni Eric.

"Ay matindi din din kayo ah! Ako lang oorder? Ano tingin nyo sakin si Four Arms?" tanong nya samin nung inabot namin sa kanya yung pera namin.

Tumayo sya sa kinauupuan nya sabay hatak sakin. Di naman ako makasigaw syempre kahit na medyo makapal ang mukha ko di naman ako eskandalosa. 

Still YouWhere stories live. Discover now