Chapter 3

9 0 3
                                    

Habang naglalakad ako papuntang kotse ko, madaming what if's ang pumapasok sa utak ko. What if sinabi ko ga talaga yung totoo? What if pinigilan ko sya? What if nagpakatotoo ako? At madami pang what if na nagpapatunay na nanghihinayang ako sa naging desisyon ko.

Nang makasakay na ako sa kotse ko, di ko muna pinaandar. Nakatingin lang ako sa labas na para bang may hinihintay na dumaan. Maya-maya din ay pinaandar ko na ang kotse.

Pupunta mua ako mall para bumili ng regalo sa pamangkin ko. Birthday nya kasi eh.

Matapos kong maiparada ang kotse ko ay pumasok na din ako sa loob ng mall at dumretso sa department store.

Matapos kong makapamili ng regalo ay pumunta na din agad ako sa kotse ko para makapunta agad sa bahay ng ate ko.

10 years ago

"Kyle, may itatanong ako sayo ah. Maayos na sagot kailanga ko" sabi ko kay Kyle. May napansin lang kasi ako sa kanya eh.

"Ano yun?" tanong nya. "May gusto ka ba kay Byang?" tanong ko at kinunutan lang ako ng noo.

"Ano? Sagot!" pagpilitit ko sa kanya. Umiling sya sabay sagot ng "Wala ah. Kaibigan lang turing ko sa kanya parang ikaw din". I gave him a weh-di-nga look.

"So you like boys?" pang-aasar ko sa kanya sabay tawa. 

"Yeah, I like boys" panggagatong nya sa kalokohan ko kaya naman nagtawanan kami ng pagkalakas-lakas kaya ayun..

"YOU TWO! GET OUT!" nasigawan kami ng librarian dahil sa ingay namin. Nawala sa isip namin na nasa library nga pala kami. Agad naman kaming lumabas baka kasi kunin pa ID namin.

Pagkalabas namin ng library, nakasalubong namin si Eric.

"Oh? Tapos na?" tanong ko. Kapal din ng mukha ko eh. Close kayo Leigh? Close kayo?

"Di la, bukas na lang daw. May emergency daw si Dean eh. San kayo pupunta?" tanong nya sakin. Oo sakin hindi samin.

"Dun sa canteen napag-initan kami ni tanda sa library eh" sagot ni Kyle

"Pano ba kasi I like boys daw sabi ni Kyle" sabi ko habang tumatawa parin.

"OMG! I like boys too!" bigla akong napahinto sa pagtawa at napanganga habang sila tawa ng tawa. Jusko! di ko alam na may ganyang side pala sya. May pagkaloko-loko din pala to.

"Bro! Baka maniwala si leigh" sabi ni Kyle habang tumatawa parin.

"Come on girls! Lets go to canteen!" sabi ko at hinatak silang dalawa papuntang canteen.

Pagkarating namin sa canteen agad kaming umupo sa nakita namin na bakanteng upuan.

"I didn't know na may ganyan ka pa lang side. Ngayon, alam ko na din kung bakit kayo magkaibigan nitong si Kyle" sabi ko.

"May tinatago tong kalokohan sa katawan nya. Mas malala pa yan sayo. Warm up pa lang yung kanina" sabi ni Kyle. Natawa nama si Eric. Hindi sya kumontra sa sinabi ni Kyle.

"Ngayon lang kayo naging magkaklase iba?" tanong ko. Tumango naman silang dalawa. "eh bakit parang kilalang-kilala nyo na ang isa't-isa?" tanong ko. 

"Di mo ba alam?" tanong sakin ni Eric, umiling lang ako. Hinawakan nya yung kamay ni Kyle na nakapatong sa lamesa at hinawakan nya. "We are in a relationship" sabi ni Eric.

For the second time napanganga na lang akko. Silang dalawa nakanagiti lang. Mga ilang minuto ako nakatingin sa kanila, nakatulala. Di kasi ako makapaniwala.

Maya-maya may narinig ako na napakalakas na paghagalpak ng tawa.

"Mga tarantado kayo! Bakit ba trip na trip nyo ko?!" inis kong tanong sa kanila.

Still YouWhere stories live. Discover now