Chapter 1: Five Years Later

Magsimula sa umpisa
                                    

Anim na taon pa lang siya kaya hindi pumayag ang mga ito na sabihin sa kanya ng mga doctor na nasa last stage na ng leukemia at hinihintay na lang ang kamatayan niya. "At para sa pinaka-paborito kong alaga," saka iniabot ni Katherine ang isang pulang-pula na mansanas.

"Aanhin ko naman 'yan! Marami kaya ako 'di mo ba nakikita!?" Supladang sabi ni Julia tapos inisnab siya.

Ngumiti lang si Katherine.

"Syempre iba 'to sa mga dala ng mama mo. Kasi ang mansanas na ito ay ang mas lalong magpapalakas sa'yo. Alam mo ba sabi nung pinagbilhan ko nito, isa ito sa mga tanim ni Cinderella sa kaharian nila."

"Liar! Bakit ba kasi ayaw niyo akong pauwiin!? I'm dying na rin naman na 'di ba?!?"

"Hindi totoo 'yan Julia."

"Liar! I hate you! Liar ka! At isa pa, hindi totoo si Cinderella! There is no such thing like Cinderella!" Atsaka bumaba sa kanyang kama si Julia at tumakbo sa kabilang kwarto na nagsisilbing playground ng mga batang pasyente.Nanlumo naman sa awa si Katherine para kay Julia.

"Balita ko 'yun lang batang 'yun ang 'di mo kasundo dito." Wika ng baritonong boses sa may likuran niya. Napaigtad siya dahil sa boses kaya agad niya itong hinarap.

Tila huminto ang mundo sa maikling panahon.

 Ang gwapo naman niya! Siya ba ang bagong doctor na sinasabi ni Charily? Siguro nga, oo, kasi ngayon ko lang siya nakita dito. Siguro mga tewnty-seven o kaya ay twenty-eight na siya. Panghuhula pa niya sa edad ng doctor.

"Ah!?" Atsaka niya tiningnan si Julia. "O-oo," utal-utal niyang sagot.

"By the way I'm Dr. Red, ako 'yung bagong doktor na na-assign muna pansamatanla ditto," iginala ni Red ang mga mata niya sa mga kalunos-lunos na mga bata. "Ang babata pa nila pero agad na rin silang mawawala," hindi maiwasang sabihin ng bagong attending na doktor.

"Oo nga po. Ako po pala si Katherine, temporary lang din ako dito," pagpapakilala niya sa sarili.

"So ikaw pala ang angel na sinasabi nung mga batang naka-kwentuhan ko kanina. No wonder kung tawagin ka nilang anghel dahil maganda ka nga naman at mukha ka talagang anghel."

Anghel daw? Ipinanganak lang talaga akong maganda! Ano ba yan! Bigla naman akong nahiya!

"Hindi naman doc! Ikaw naman masyado naman po kayo!" pagak na ngiti ng dalaga habang namumula ang mga pisngi.

"So let's start working?"Tanong ni Doctor Red.

Tumango lang habang nakangiti pa rin si Katherine at sumunod sa doctor.

"TALAGA!? Nakaharap mo na si Doctor Red?!" nanlalaki pa ang mga mata ni Charily habang itinutulak ang cart na puno ng mga gamot.

"Okay naman, gwapo siya gaya ng sinabi mo." Pormal na sabi ni Katherine na 'di mababakasan ng anumang reaksyon.

"Ganyan naman pagkasabi mo? Parang hindi ka na-gwapuhan sa kanya a. Hindi mo type!?" Usisa ni Charily habang nagpapatuloy sila sa paglalakad.

"Oo na at gwapo nga siya, attractive, mabango, matangkad, medyo tan ang kulay ng balat at napakalinis tingnan, in short—gwapo nga pero 'di ko type kasi—" napatigil bigla si Katherine. Dumaan sa harap nila si Red at galing ito sa likod nila at nakatingin ito sa kanya na may mala-simpatikong ngiti.

                Narinig ba niya ang pinagsasabi-sabi ko? Kaya ba nagpauna siya sa'min kasi naririnig niya ako? Oh my! Patay ako nito!

"Teka hindi ba si Dr. Red 'yun?" tanong pa ni Charily habang sinisipat kung si Red nga ang dumaan. Sabay kinurot sa tagiliran ni Kath ang kaibigan.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon