SOA: Special Chapter 1 :)

108 3 2
                                    

Note: Ito ay hindi parte ng buong istorya. Ito ay Special Chapter lang,okay? Konektado lang 'to sa epilogue pero di talaga 'to parte ng istorya.

------

(Almira's POV)

Andito ako sa bahay ngayon, actually kakauwi ko lang sa bahay namin. 2 taon din akong nawala sa bahay na 'to. Nakakamiss din pala. Haha. Habang ninanamnam ko pa ang pagbabalik ko sa bahay namin higang higa ako sa kama ko na isa sa mga namiss ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Hoy Belladonna! Tumayo ka na dyan. Naipagpaalam na din kita kay Tita. Aalis tayo." bulyaw sakin ni Jams habang kinukuha yung maleta ko na hindi ko pa naaalis yung laman kasi nga kakarating ko lang sa bahay galing sa condo na pinahiram sakin ni Nigel. Tsk.

"San tayo pupunta?" gulat kong tanong sa kanya.

"Magbabakasyon. Another celebration of my birthday." sagot niya at saka niya kinuha yung bag ko kung saan andun ang wallet at mga accesories ko.

"E? Biglaan naman ata. Hindi niyo ako sinabihan? Tsk. Wait. Sasabihan ko lang si Nigel na sasama ako sa inyo."

"Wag na -_- Nasabihan na siya nila Ilene." sagot niya with matching poker face pa yan ha.

"E? O sige. Sabi mo e." sagot ko tapos tumayo na ako at saka ko kinuha sa kanya yung bag ko na hawak niya.

"Good. Sunod ka na agad sa baba." sabi niya tapos lumabas siya ng kwarto ko na dala dala yung maleta ko. Hindi man lang ako hinayaang bawasan yung laman ng maleta ko. tsk. Tapos sumunod na din agad ako sa kanya. Okay naman kasi yung ayos ko kaya di ko na kailangan pang mag-ayos na uli. haha. Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko agad sila Rafa. Binato pa nga sa kanya ni Jams yung maleta ko e. Buti na lang magaan at maliit lang yun kaya nasambot ni Rafa kundi nako.

"Hinagis talaga yung maleta ko e. Tsk."

"Masaya ihagis e. Haha." sagot niya. Bipolar talaga kahit kelan tong si Jams. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging bipolar niya e. Haha.

"Oo na." sgaot ko tapos pagkatapos nun hinila na niya ako palabas. pagkalabas namin may isang 12 seater van na naghihintay sa labas nakita kong sumakay na dun si rafa kaya siguro yun yung sasakyan namin. Nung bumukas yung sliding door nung van bumungad sa akin sila Ilene at Mavin na magkatabi pa. Haha.

"Teka, kayo na ba? Haha." tanong ko sa kanilang dalawa.

"Tingin mo?" nakangiting tanong sakin ni Mavin at saka ko napansin na holding hands silang dalawa ni Ilene. Sila na nga. Confirmed. Haha.

"Alam ko na. Congrats. Haha." bati ko sa kanila tapos nun sumakay na si Jams sa Van. Sa likod nila Ilene siya pumwesto tapos sumunod naman si Rafa sa kanya at tumabi sa kanya. May something din sa dalawang 'to e. Haha.

"Kayo na din?" tanong ko kela Rafa tapos ngumiti lang si Rafa sakin.

"Hindi pa." sagot ni Jams.

"PA? Haha. Malapit na yan." asar ko sa kanya tapos sinamaan agad ako ng tingin. Tsk.

"Peace." dugtong ko tapos nagtawanan sila maliban kay Jams.

"Sumakay ka na nga. Dun ka sa likod namin." sabi ni Jams tapos sumakay naman na nga ako at sa likod ng upuan nila ako naupo. Maya-maya pa isasarado na sana nila Mavin yung sliding door nung van ng biglang may pumigil para saraduhan ito.

Starting Over Again (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon