SOA 1

298 6 0
                                    

(Alena's POV)

Hi. Kilala niyo naman na siguro ako ano? Pero if hindi pa magpapakilala na lang uli ako. I'm Alena. Alena Daniella Samatha Yap. Soon to be 18 years old :) Single for life? Haha. Single naman talaga ako may ka-M.U lang. ka-Malabong Ugnayan. Haha! Nababaliw nanaman ako :3 Pasensya na kayo ganito lang talaga ako.

Simula nung magising ako sa ospital masaya naman ang naging buhay ko kahit na nahirapan akong mag-adapt sa paligid ko kasi wala talaga akong alam kung sino ako at kung sino ang mga nasa paligid ko. Nawala kasi yung alaala ko sila Mama lang yung nagsabi sa akin kung sino ako at sinabi din nila yung mga mahahalagang parte ng buhay ko.

Nandito kami ngayon sa isang kpop event ni Jamila,bestfriend ko. Sabi niya mahilig daw ako umattend dito noon pati siya kasi daw eto lang yung time namin para makabonding sila Ilene at yung iba pa. Tapos marami pa silang kwinento tungkol sakin. Natatawa nga ako sa mga kinukwento nila e kasi di ako makapaniwala na ganun pala ako pero wala naman akong magagawa kaya tinanggap ko na lang. Tsk.

"Magsisimula na sila." Sabi ni Ilene. Magpeperform kasi ang group nila Mavin e kaya manonood kami. Haha. Andun din kasi si Rafa at si Ace kaya naman kailangan talaga na may manonood at susuporta sa kanila kahit sikat sila.

"Waa! Sige. Tara na dun sa may unahan para kita nila tayo." Jamila said tapos hinila na niya kami ni Ilene.

"Wait. Susunod na lang ako. May kailangan kasi akong bilhin e. Pupuntahan ko na lang kayo sa pwesto niyo." sabi ko.

"O sige. Bilisan mo bago sila magsimula. Tsk." Sabay nilang sabi tapos ayun pumasok na sila sa loob ng hall at saka pumunta dun sa pwesto nilang napili ako naman dalidali akong pumunta sa bilihan ng tubig saka bumili ng 3 tubig. Alam niyo na kung para kanino yun :3 Kaso bago pa ako nakabili ng tubig ilang minuto na ang nakalipas -_- Ang haba kasi ng pila e. Tsk. Pagkabili ko agad akong tumakbo papunta sa hall at hinanap sila Ilene saka tumabi sa kanila. Nasa kalagitnaan na kasi ng performance ng "Fall Off" name ng group nila. Weird nga e no? Ewan ko kung sino ang nagpangalan nun sa kanila. Haha. Masyadong weird e. At ang pinakaweird e ang pangalan ng fandom nila. HAHAHA! "FALLERS" daw ang name :3 Ang weird din di ba? Bahala na sila. Haha.

Habang nagpeperform sila alam ko kaya ngiting ngiti sila Mavin at Rafa kasi tumitili sila Ilene at Jamila para icheer sila. Ako? Ayoko nga. Sayang yung boses ko. Haha. Mapaos pa ako saka sanay akong kapag nanonood ng performance or kahit na ano focus lang ako sa panonood, di ako tumitili or what, nanonood lang talaga ako kaya nagtataka sila kung bakit hindi ako tumitili e andun si Ace dapat daw icheer ko man lang. E nagchicheer naman ako ah :3 Kaya nga andito ako e para icheer siya. Kaya kumuha na lang ako ng lightstick na bigay niya sakin saka pinailaw at iniwagayway bilang simbolo ng aking pagchicheer. Ayaw talaga tumili ng sarili ko e :3 Basta focus sa panonood. Napansin naman niya yung ginagawa ko kaya ngumiti na din siya kahit di ako tumitili.

Nang matapos na yung performance nila agad namang lumapit sila Ilene at Jamila pero syempre bago sila lumapit sa mga irog nila binigay ko na sa kanila yung tubig na binili ko kanina para ibigay sa mga mahal nila. Haha. Kaya ayun agad sinalubong ang mga labidabs nilang dalawa. Agad namang tinanggap nila Rafa at Mavin yung tubig. Ay teka, asan yung akin? Nawawala ata? :O Kaya hinanap ko muna yun pala asa gilid lang may kausap na fan ata niya kaya hinayaan ko muna nagpapicture pa e. Hinintay ko na lang na matapos pero padami sila ng padami kaya naiinis na ako -_-

"Pare, inis na GF mo. Hala ka. Haha." Sambit ni Rafa sa kanya. Teka! GF?!

"Hindi niya ako GF,Maverick -_-" Mataray kong sagot sa kanya.

"Sus, dun din naman ang punta nun."

"Tse! Mauuna kayo nila Jamila saka sila Mavin at Ilene *o* Haha!"

"Alam ko" masaya niyang sabi. Sila Mavin at Ilene nagmomoment kaya pinabayaan na namin. Kasi naman binibigyan ng maliit na towel ni Ilene si Mavin para punasan nito ang pawis nito tinanggap naman ito ni Mavin habang si Ilene may hawak pang isang towel at pinupunasan yung mukha ni Mavin na pawisan na.

"Hindi mo ba ako gaganunin, Jams labs?" Pagpapacute na sabi ni Rafa kay Jams. HAHAHA!! Shet. Natatawa talaga ako tapos maya maya may lumapit sakin at si Ace yun.

"Oh tubig mo baka kasi pagod ka." Sabi ko tapos basta ko inabot sa kanya yung tubig niya at sinamahan ko na din ng towel kasi pawisan din siya tapos nun tinignan ko na uli sila Rafa mag-asaran. Haha.

"Sorry na. E kasi sinalubong nila ako e. Tsk."

"Ewan ko sayo. Magpunas ka na lang ng mukha mo jan baka may magpapicture nanaman di ka mukhang haggard." sabi ko tapos hindi ko na uli siya sinagot kahit imik pa siya ng imik. Ang daldal talaga niya e. Tsk. Mas madaldal pa sa akin. Hay nako.

Pinipilit pa din ni Rafa si Jams kasi naman ang loka pakipot pa gusto din naman. Haha. Tas sa huli bumigay din si Jams. Inasikaso na din niya si Rafa. Pinainom ng tubig at pinunasan ang pawis sa mukha. Tapos nun ayun lumabas na muna kami ng hall kasi kakain muna daw. Asa likod ko lang si Ace habang nauuna ng maglakad sila Ilene at Jams.

Nang makarating na kami sa MCDO. Oo sa MCDO favorite ko dun kumain kaya palaging dun kami. Haha. Saka favorite ni Jams ang fries dito pati si Rafa McSpicy naman yung gusto dito kaya madami kaming may gusto dito sa Mcdo. Haha. Naghanap na muna kami ng vacant table kung saan kasya kaming anim at nung makakita kami pinaupo na kami dun nung tatlo. Sila na daw oorder kaya naman ayun sumunod na lang kami nila Ilene at Jams sa sinabi nila samin.

Nang nasa may table na kami may katabi yung table namin na magkakaibigang mag-iina ang nakaupo may kasama silang baby. Mga anak siguro nila. 3 babies yun. Yung dalawang bata mga around 1-2 years old e umiiyak. Naawa naman ako T^T Mahilig kasi ako sa bata kaya nilapitan ko na at nilaro laro ko tapos tumatawa naman sila. haha! Inaya ko din sila Ilene at Jams na laruin yung dalawa kaya ayun enjoy ang dalawa habang nilalaro yung 2 baby wala pa naman yung mga umoorder ng pagkain namin e kaya okay lang. Tapos maya-maya umiyak yung isa pang baby. Actually sanggol pa siya. mga 6-9 months old palang T^T Ang cute at ang liit mukhang masarap kargahin e kumakain pa yung nanay niya kaya naman nagvolunteer na lang ako na ako muna bahala dun sa baby habang kumakain pa yung nanay niya. Nagpasalamat naman yung nanay niya sakin tapos ako kinarga na siya at hinele hele. Tinitignan ko lang siya tapos di ko na namalayan na nakabalik na pala sila Rafa, Mavin at Ace. Tinging tingin sila sakin mukha daw akong nanay nung bata :3 Sila Ilene at Jams din naman ah. Karga kaya nila yung dalawa pang bata :3

"Mukha kayong mga nanay na sa ginagawa niyo. Haha." Asar nilang tatlo samin pero di nako naasar kasi wala akong paki. Mahilig kasi lang talaga ako sa mga bata kaya ayun. Sila Ilene at Jams medyo naasar pero di na nila pinalaki pa tas maya-maya nag aya silang magpicture. Pinicture-an nila kami nila Jams at Ilene na may hawak na bata tapos maya maya by partner. Sila Ilene at Mavin with a baby girl then sila Rafa at Jams with a baby boy at ang huli kami ni Ace with a baby girl also. :3

Nagmukha tuloy kaming pamilya lahat sa mga picture na yun :3 Yaan na at least nakakarga ako ng baby *o* Hohoho~

---

-UntouchableGoddess

Starting Over Again (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon