SOA 9

92 4 6
                                    

Note: Last 3 chapters na lang including the Epilogue/Ending :) Hanggang Chapter 12 lang ito kasi short story lang naman 'to e. Enjoy reading.

-------

(Almira/Alena's POV)

After kong maligo at magbihis ng dress. Yeah dress kasi party yung gaganapin sa birthday ko. Kaya kailangan nakadress ako. Tsk. No choice naman e. Saka alam ko namang hindi magiging masaya 'tong birthday ko na 'to.

Nang maayos na maayos na ang sarili ko lumabas na ako ng kwarto at nagdiretso sa baba. Habang bumababa ako nakikita ko na silang nakangiti sa akin. Kahit nga si Ace nakangiti sa akin e.

saeng il chuk ha ham ni da

saeng il chuk ha ham ni da

sarang ha neun -- Alena-shi

saeng il chuk ha ham ni da

"Saengil Chukha Hamnida, Alena!"bati nila sa akin pagkababang pagkababa ko tapos niyakap nila ako isa-isa. Nagpasalamat na lang ako sa kanila. For now magiging plastik muna ako sa kanila. Kaya ko pa namang kimkimin yung nararamdaman ko e.

"Kailangan mo muna palang magblow ng cake. Make a wish, Daniella." sabi sakin ni Jams habang may hawak siya cake. Tapos ayun nagwish ako then nagblow ako ng cake. Nagsipalakpakan naman silang lahat. Tapos nun nagkainan kami.

Habang kumakain sila nagtatawanan at nagkwekwentuhan sila. Tapos ako kumakain lang at hindi pinapansin si Ace. Nagtataka na siguro sila kung bakit hindi ko yun pinapansin. E ano bang magagawa nila? Ganito naman na ako noon pa kay Ace e. Nagbago lang nung maging si Alena ako. Binago nila ang pagkatao ko.

Maya-maya nagkaayaan na magbibigay sila ng message sa akin isa-isa. Nauna nagbigay ng message si Ilene, then si Mavin, tapos si Rafa then si Ace at ang huli si Jamila, ang bestfriend ko. Sa lahat bakit isa pa siya sa mga nagsinungaling sakin? Alam niyang ayokong nagsisinungaling sa akin pero bakit nakisama pa siya? Bakit ginawa nila yun?

Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayang naiyak na pala ako at kinakausap nila ako.

"Aww. Wag ka ng umiyak dyan,Daniella. Para ka nanamang bata. Ang iyakin mo talaga. Haha." Pang-aasar sakin ni Jamila pero ngumiti na lang ako. Akala kasi nila tears of joy 'to.

"Ikaw naman yung magbigay ng message, Alena. Haha. Para fair *o*" sabi ni Ilene tapos tumayo ako. Syempre magbibigay ng message daw e pero di message ang ibibigay ko. Hindi ko na kaya pang kimkimin yung nararamdaman kong galit sa pagsisinungaling nila.

Tumayo ako sa harapan nila saka ngumiti ng peke habang sila ngiting ngiti sakin at kung ano ano pang sinasabi. Hindi ko na alam kung anong sinasabi nila e. Isa lang ang sigurado ko. Wala ako sa katinuan ngayon para makipagbiruan.

"Ahm. Ano bang sasabihin ko? Salamat sa pagpunta niyo dito at pagsama sakin sa pagcecelebrate ng birthday ko. Salamat sa mga gifts, messages at bati niyo." Panimula ko tapos sumagot naman sila ng walang anuman.

"Pero bakit niyo tinago ang lahat sakin?" bigla kong sabi habang umiiyak na uli ako. Sa sinabi kong yun mahahalata mo sa kanila na nagulat sila at kinabahan bigla. Kahit nga si Mama kinakabahan na e. Halata naman kasi.

"Bakit niyo tinago ang katotohanan sa akin? Bakit niyo ako ginawang si Alena Daniella Samantha Yap? Bakit binigyan niyo ako ng katauhan na hindi naman ako? Bakit kayo nagsinungaling sa akin?! Bakit?!" sigaw ko sa kanila at sa puntong yun hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

Starting Over Again (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon