SOA 11

111 5 6
                                    

*After 2 years

(Ace's POV)

It's been 2 years since she left pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kanya. Kahit sila Jamila walang alam e. Yun ang sabi sa amin ni Ilene nung huli naming pagsasama-sama sa isang event tulad ngayon. Yeah, nasa event ako/kami. Tindero ako ng mga merchandise dito kaya hindi ako pwedeng mawala dito.

Nakita namin nila Rafa at Mavin sila Jamila at Ilene pero hindi namin sila malapitan. Gustong gusto ko na silang tanungin about kay Abbygail, kung may balita na ba about sa kanya. Isa pa nung tangkain namin silang kausapin kanina, iniwasan nila kami. 

Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan kung bakit siya umalis. Kung bakit siya biglang nawala. Bakit hindi man lang siya nagpasabi? Ano ba talagang problema niya? Hindi ba niya alam na nasaktan/nasasaktan ako sa mga ginagawa niya?

"Okay ka lang ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong sakin ni Briana.

"Ha? Ah. Oo okay lang ako,Briana." sagot ko sa kanya. Siguro hindi niyo pa siya kilala. Siya si Briana Rodriguez. Kababata ko siya at siya yung taong sobrang malapit sa akin at minahal ko na din. Hindi niya alam na mahal ko siya o gusto ko siya kasi kinukuya niya pa ako e. Magkasing edad lang din sila ni Abbygail. Parehas 6 years age gap ang mga age namin. Sa sobrang close ko kay Briana ang name nga niya sa contact ko ay Ace's Queen kasi para sa akin siya ang queen ng buhay ko.

"Buti naman,Kuya. Kanina ka pang tulala dyan e. Tsk."

"Wag mo na lang pansinin. Saka Briana ilang beses ko na ba sasabihin sayong wag mo na akong i-Kuya? -_-" sabi ko sa kanya.

"Ay oo nga pala. Haha. Sorry naman." sabi niya tapos nagpeace sign pa after nun lumapit sa amin sila Mavin at Rafa saka nakipag-usap.

(Mavin's POV)

It's been 2 years since nung maghiwalay kami ni Ilene. Oo naghiwalay na kami. Nung una COOL OFF lang hanggang sa nagbreak na kami ng tuluyan. At ang dahilan? Si Almira. Siya yung dahilan ng paghihiwalay namin kasi kapag hindi daw kami naghiwalay hindi maiiwasan na mapalapit sila kay Ace at magtanong ito ng magtanong tungkol kay Almira. Alam kong hindi lang yan yung dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay pero ewan ko ba. Alam kong may iba pang dahilan pero hindi niya lang sinasabi sa amin.

Sa pag-alis ni Almira, maraming nagbago lalo na si Ace. Nabawasan yung kadaldalan niya tapos may babae siyang kasama ngayon palagi. Kababata daw niya, Briana ang pangalan. Ewan ko kung alam na nila Ilene ang tungkol dito, kung alam na nila sigurado magtatanong sila ng magtatanong lalo pa NOON suportado nila ang loveteam nila Almira at Ace. Pero ngayon ewan ko na lang. Iniiwasan din kasi nila kami e. Iniiwasan nila kaming dalawa ni Rafa.

Nasa event kami ngayon at alam kong nandito sila Ilene at Jamila kasi nakita ko sila kanina. Aaminin ko namimiss ko na si Ilene. Miss na miss ko na siya. Sa loob ng 2 taon walang kaming kumunikasyon sa isa't-isa. Hindi na din sila pumupunta noon sa event,ngayon na nga lang uli sila nagpunta ni Jamila sa event e. Si Rafa katulad ko din, nag-iba kasi si Jamila. Nilayuan niya si Rafa at ang dahilan siguro si Almira din. Wala daw kasing sinabi sa kanya si Jamila na dahilan basta ang gusto nito ay layuan na siya ni Rafa.

Hindi namin sila maintindihan sa mga desisyon na ginawa nila. Sobrang sakit ng ginawa nila sa amin. Sana naisip nila bago sila magdesisyon na makakasakit sila ng damdamin ng iba pero hindi ko rin naman sila masisisi e. Tsk.

"Muntanga ka nanaman dyan, Mavin." rinig kong sabi ni Rafa.

"May iniisip lang -_- Tss."

Starting Over Again (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon