SOA 10

101 5 4
                                    

(Jamila's POV)

Hindi ko alam kung anong nangyari, maayos naman yung usapan namin nung magkatext kami e. Pero bakit siya umalis? Bakit siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam sa akin? Kahit di siya magpaalam sa iba maiintindihan ko pero yung hindi magpaalam sa akin? Bakit hindi niya nagawa? Noon naman wala siyang desisyon na di niya ipinapaalam sa akin. Lahat alam ko. Biglaan ang nangyari. Saan namin siya hahanapin?

Hindi pa alam ng mga kaibigan namin na umalis siya kasi sabi ko sa kanila bukas ko pa siya kakausapin. Bukas naman talaga dapat e kinabahan lang ako ngayon at yung kaba na naramdaman ko kakaiba kaya nagdesisyon akong pumunta sa bahay nila kahit na sabi niya wag na muna akong pupunta pero pagdating ko sa bahay nila wala akong nadatnang Almira Abbygail doon sila Tita lang ang nadatnan ko dun tapos may inabot silang sulat sa akin, pinabibigay daw ni Abby.

Binasa ko naman agad yung sulat niya pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay namin. Ayokong basahin yun sa bahay nila kasi baka makahalata si Tita. Wala kasi siyang alam sa mga nangyare kay Abby e.

Dear Jams,

Hi,Jams. Siguro habang binabasa mo 'tong sulat ko wala na ako. Wag mo na akong hanapin ah? Babalik din naman ako when the right time comes. Ikaw na munang bahala sa lahat dyan. Wag niyo akong alalahanin kasi magiging maayos lang naman ako e. At kung iniisip mo pa rin na may galit ako sayo, sinasabi ko na uli sayo na wala akong galit. Tampo lang siguro. About nga pala sa inyo ni Rafa, si Alena man ako nun na walang alam about sa pangako mo, alam ko kung bakit hindi mo siya sinagot. Naalala ko pa yung pangako mong hindi ka magboboyfriend hangga't hindi ako nagkakaboyfriend pero sana naman sa pagkakataong ito wag mo ng palampasin yung pagkakataon. Andyan na siya e baka mawala pa. Pero hindi naman kita pinipilit na baliin ang pangako mo e. Ikaw pa rin ang makakapagdesisyon. Sana lang maging masaya ka sa magiging Desisyon mo.

Kapag hinanap nila ako sabihin mo na lang sa kanila ang totoo na umalis ako at hindi mo alam kung nasan ako. Alam kong pwede silang magalit dahil sa ginawa ko pero eto ang dapat. Sana maintindihan mo/niyo. Ingat kayo palagi ah.

PS: His queen will be there. His REAL Queen. Suportahan mo sana sila katulad ng pagsuporta mo sa amin. You will know her soon :)

Love,

Almira.

Sa mga nabasa ko dun sa sulat niya hindi ko alam ang mararamdaman ko. Bakit ba siya umalis? Anong dahilan?! Pero naging isang palaisipan sa akin kung sino yung Queen na sinasabi niya. Para sa akin kasi siya ang Queen ni Ace. Kaya nakakapagtaka na may iba pa. Wait. Teka lang, parang pamilyar na.

"Naming her as her queen in his contacts makes my hopes down." - Bigla kong naalala ang mga line na yan. Sinabi niya sa akin yan noong una nilang pagkikita ni Ace. Ewan ko ba pero sabi niya nakita niya lang na may tinawagan si Ace at ang name nito sa contact ay "Ace's Queen" Siguro isa rin yun sa dahilan kaya ganun na lang siya kung umiwas kay Ace.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo,Almira, Naging si Alena ka nga noon pero walang nagbago. Ganyan ka pa din. Mas iniisip mo pa din ang iba kesa sa sarili mo.

(Ilene's POV)

Papunta ako ngayon sa bahay nila Jamila. Aayain ko siyang pumunta sa bahay nila Almira. Kailangan kasi naming mag-usap usap e. Tsk.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila nakita ko siya sa may garden nila nakaupo sa damuhan at balisang balisa kaya nilapitan ko na agad siya at saka tinanong.

"Bakit balisang balisa ka dyan? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya saka ako tumabi sa kanya pero di siya sumagot at tinignan niya lang ako ng malungkot.

Starting Over Again (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon