SOA 8

98 3 0
                                    

(Alena's POV)

"Sorry pero hindi ako nagbibiro. Hindi talaga pwedeng maging kami." sabi ko sa kanila. Oo aaminin ko nasaktan din ako sa sinabi ko. Kasi gusto ko naman talaga si Ace. Gustong gusto ko siya kaso hindi talaga kami pwede. Kahit kailan hindi magiging kami. Kaya mas mabuti pang hindi na lang maging kami. Masyado kasing maraming hadlang e.

Isa pa kailangan ko na ding mag-isip para sa operasyon. Oo aaminin ko ayoko naman talagang magpaopera e. Kaso ewan ko ba. Tsk.

Back to reality, after nung mga sinabi ko di na sila nagsalita about dun. Iba na lang ang mga pinag-usapan namin. Si Ace tinitignan ko lang hindi na kasi kami nag-usap after nung nangyare kanina. Alam kong nasaktan ko siya. At nagui-guilty ako dun kasi nasaktan ko siya. magsosorry na lang ako sa kanya kapag nagkausap kami mamaya.

*After 2 hours

Nagkayayaan na umuwi. Nauna umalis sila Ilene at Mavin tapos sumunod na din si Rafa. Si Jams sasabay na lang daw sa akin. Nung kaming tatlo na lang ni Ace at Jams lumabas muna saglit si jams para magkausap kami. Alam na talaga niya. Tsk.

"Ahm sorry kung nasaktan at nadisappoint kita. Hindi ko talaga sinasadya. Pero sana maintindihan mo." sabi ko sa kanya.

"Kahit anong pilit ko sa sarili ko hindi kita maintindihan. Ano ba talagang gusto mo? bakit moko ginaganito, Alena? Akala ko ba okay na tayo? Bakit biglang ganito? Hindi kita maintindihan. Ano ba talagang rason mo ha? Kasi kahit anong isip ko sa pwede mong maging dahilan wala akong maisip at hindi ko matanggap." sa sinabi niyang yun nasaktan ako ng sobra. Hindi ko alam na magiging ganyan siya. First time kong makita siyang ganyan pero wala akong magawa. Wala din akong ibang masabi kung hindi ang magsorry ng magsorry sa kanya.

"Magpapalamig na muna ako. Sa ngayon hayaan mo muna ako. Wag kang mag-alala hindi ako galit sayo. Susubukan ko na lang intindihin ka." sabi niya tapos umalis na siya. At nung time na yun naiyak na ako. Hindi ko sinasadya pero ito ang tama e. Ito yung DAPAT. Pero bakit parehas kaming nasasaktan?

"Umiiyak ka nanaman. Makakasama yan sayo. Bakit kasi di mo pa sabihin sa kanila ang tungkol sa sakit mo?" bigla niyang sabi. Pumasok na pala uli siya dito. Si Jamila yung tinutukoy ko. Alam niya ang tungkol sa sakit ko pero hindi niya alam na malala na ang kondisyon ko.

"Ayoko. Ayokong malaman nila. Ayokong maging pabigat."

"Hindi ka naman magiging pabigat nang dahil lang dun e. Saka mas makakabuti kung malalaman nila ang totoo kesa ganito. Nasasaktan niyo ni Ace ang isa't-isa."

"Ayoko ng pag-usapan pa 'to Jams. Uwi na tayo. Ayokong makipagtalo." sagot ko sa kanya saka ako naglakad palabas.

Habang naglalakad kami ni Jamila sa kalsada tahimik lang kami. Kasi parehas kaming nag-iisip hanggang sa may nakaagaw ng aking atensyon. Isang bata na nakatayo sa kalsada. tapos maaksidente siya kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya at binuhat siya saka umiwas sa sasakyan na makakabangga sa kanya. Hindi naman ako nasaktan pero si Jamila OA kung OA ang reaksyon.

"Tanga ka ba?! o magpapakamatay ka lang talaga?!" bulyaw niya sa akin.

"Hindi ako tanga no at lalong di ako magpapakamatay. Niligtas ko lang tong cute na bata. Tsk."

 Sabi ko sa kanya tapos maya maya dumating na yung mga magulang nung bata nagpasalamat naman sila samin. Masaya akong nakatulong kaso bakit ganun? Parang pamilyar sakin yung nangyari? Parang nangyari na noon na may niligtas akong bata.

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Jamila.

"Ha? Ah oo okay lang ako. Medyo sumakit lang ng konti yung ulo ko." sagot ko sa kanya. Kasi nananakit na talaga yung ulo ko e.

"Tsk. Pahinga ka na pagkauwi mo. Malapit naman na tayo sa bahay niyo e. Kasi ayan na yung bahay niyo oh. Haha." sabi niya. Napakabipolar niya talaga. Tapos nun tinuro niya yung bahay namin.

"Nga pala gising ka na maaga bukas okay? May mahalaga tayong gagawin bukas. " sabi niya tapos saka siya umalis.

Ano kayang gagawin namin? O.o? May okasyon ba bukas? Tsk. Hindi ko na nga muna masyadong iisipin lalong sumasakit ang ulo ko e. Tsk. Nasa kwarto ko na ako ngayon at nagpapahinga. Lalong sumasakit yung ulo ko kasi naiisip ko pa din yung nangyari kanina. Feeling ko kasi talaga nangyare na yun matagal na e.

Sa kakaisip ko sobrang sumakit na yung ulo ko at saka unti unting may nagflashback sa utak ko. Sa sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko na kinaya ang mga nakikita ko sa utak ko sumigaw ako ng malakas at saka ako pinuntahan nila Mama at dahil hindi nila ako mapakalma pinainom nila ako ng pampatulog. Pagkatapos hindi ko na alam ang nangyare.

(Ace's POV)

Birthday niya bukas pero di ko alam kung makakapunta ako. Sa nangyari hindi ko na ata kayang makaharap pa siya. Kasi umasa akong okay ang lahat e. Tapos biglang ganun. Hindi ko talaga siya maintindihan. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko siya yung namumukod tanging ganun ang ugali. Ugaling hindi mo maiintindihan. Siya lang din yung taong nakagawa sakin nito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya.

"Ace Kendrick Lim!~ May nagtext. Basahin mo na or else babatukan kita.~" Biglang ring nung phone ko. Oo yan yung ringtone ng phone ko kapag may nagtetext. Boses niya yun. Boses ni Samantha. Nirecord niya yan nung magkasama kami e. Tapos naisipan kong gawing ringtone.

From: Jamila

Oy Kendrick. Wag kang mawawala bukas. Kailangan mong umattend ng birthday niya. Mahalagang nandun ka. Kasi bukas sasabihin na natin sa kanya ang totoo. Nga pala tingin ko hindi niya alam na birthday niya bukas. Tsk. At bago ko makalimutan sana maintindihan mo ang naging desisyon niya kasi may sapat siyang rason kung bakit ganun ang desisyon niya.

Mukhang may alam siya kung bakit ganun angdesisyon ni Samantha. Sa bagay bestfriend sila e.

To: Jamila.

Sige pupunta ako. Wag na lang muna natin siyang biglain sa mga dapat niyang malaman.

Reply ko sa kanya tapos nun natulog na ako at hindi ko na hinintay na magreply pa uli siya. Sana maging okay ang lahat bukas.

(Alena's POV)

Ang sakit ng ulo ko. Shet. Ano bang nangyare kagabi? Nga pala sa kakaisip ko dun sa bata kaya sumakit ng husto ang ulo ko. Tsk. Pero ang nakakagulat yung mga nakita ko.

Oo alam ko na. Alam kong nangyari na yung pangyayaring may iniligtas akong bata at doon nabagok ang ulo ko. Naalala ko ng LAHAT. Na nawalan ako ng alaala.

"Gising ka na pala. Happy Birthday, Alena." Bati sakin ni Mama. Wow. Parang hindi sila nagsisinungaling sa akin ah. Sige. Makikisama na lang muna ako sa kanila. Saka ko na sasabihin na nagbalik na ang alaala ko kahit na galit na galit ako sa ginawa nilang pagsisinungaling sa akin.

"Thanks,Ma. Nakalimutan kong birthday ko pala ngayon. Haha." sabi ko. Kunwari masaya ako sa nangyayare.

"Birthday mo na nga lang nakalimutan mo pa." sagot niya.

"Yaan na. Nga pala labas na po ikaw. Maliligo na ako."

"Oo na. Nga pala andito na mamaya sila Jamila kaya bilisan mo ang kilos mo. Naghanda pa naman kami para sa birthday mo."

"Oo na po." sagot ko sa kanya tapos lumabas na siya. Ako naman nilock ko na yung pinto saka kumuha ng mga kailangan ko at nagpunta sa CR saka naligo.

Oras na para harapin ko ang mga taong nagsinungaling sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit pa nila binago ang pagkatao ko. Lalo na yung mga kaibigan kong higit nakakakilala sakin. Bakit pumayag silang maging ganun ang sitwasyon.

Oras na para harapin ang mga kasinungalingang nilikha nila sakin. Almira Abbygail Belladonna Yap is back. Pero hindi na ako ang dating Almira na kilala nila.

-----

-UntouchableGoddess

Starting Over Again (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon