PROLOGUE

44.3K 746 37
                                    

PROLOGUE     

Hindi ba’t mas nakaka-inlove ‘yung lalaking laging nagpapangiti sa’yo at laging nagpapatawa sa’yo tuwing malungkot ka? ‘Yun bang kahit corny ang jokes niya ay nakakatawa pa rin kasi mukha siyang ewan?

     Pero hindi ganoon ang nangyari e.

     Ewan ko nga ba kung bakit sa lahat ng pwedeng mangyari ay ‘yung kabaligtaran pa ang napunta sakin. Na-inlove ako sa isang lalaking laging nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo. ‘Yun bang kapag tumingala ka at nakita mo ‘yung mukha niya ay para kang manganganak sa pagkairita? ‘Yun bang kahit anong hinhin ng pakikipag-usap niya ay parang laging mura ‘yung dating sa’yo? Saka ‘yung feeling na alam mo ‘yung history ng lovelife niya at pagkatapos ay gusto mo siyang batukan sa sobrang dami ng ex niya pero hindi mo magawa?

     Ewan ko ba.

     Pero ang pinakamahirap tanggapin sa lahat ay kapag ang taong pinakamamahal mo, ang siyang nagbibigay sa’yo ng kasiyahan at lakas ng loob ay ang mismong taong nagpapaluha sa iyo.

     ‘Yun bang parang minsan ay maitatanong mo sa sarili mo na tama bang pinili mo siya? Masakit kasing umasa. Lalo na kung alam mong wala talagang pag-asa. Pero mas masakit pa din ‘yung isang araw ay malalaman mo na ang kaligayahang nararanasan mo ay pawang kasinungalingan lang pala.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now