Akala ko kapag nagkagusto siya sa iba okay lang. Na makakaya kong tanggapin pero ngayong nalaman kong sila na ni Chantal bakit hindi ko maatim? Bakit masakit?

"Venice?" Dinig kong tawag sakin ni Tita Tina habang panay ang katok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko siguro nasarado ng mabuti ang main door kaya nakapasok si Tita.

Kinagat ko ang labi ko para hindi ako makagawa ng ingay. Ayokong malaman niya na umiiyak ako. Ayokong makita niya na nagkakaganito ako. Gusto ko akin lang 'tong nararamdaman ko. Ayokong magbigay pa ng pasanin sa iba.

Akala ko umalis na si Tita Tina ng tumigil na siya sa pagkatatok. Pero narinig kong may nag click at bumukas ang pinto ng aking kwarto.

Naramdaman ko yung biglang pag-angat ng aking kama nung maupo si Tita Tina sa gilid ko. Hindi siya nagsalita at hinagod lang ang likod ko. Maslalo akong napaiyak sa ginawa niya.

Gusto kong makalimot pero hindi ko alam kung papaano. Gusto kong maging katulad ni Jared kung papano niya ako balewalain. Ayoko ko nang masaktan pero heto pa rin ako umiiyak. Papano ba kasi ang pagmove on kung halos araw araw mong nakakasama sa iisang bubong ang taong mahal mo?

Kasi ako ayoko ko na. Sawang sawa na akong masaktan nang dahil sa kaniya.

ONE week later.

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang manalo ako ng pageant at malaman ko na sina Jared at Chantal na. Halos araw araw silang magkasama sa school. Sobrang sweet nila sa isa't isa na para bang lalanggamin sila anumang oras. Tapos kapag nasa apartment naman nakakulong lang ako at hinihintay ang oras na umalis si Chantal. Hindi ko nalang sila pinapansin. Wala rin naman kasing mangyayari. Masasaktan lang ako.

"Oi May, nakita ko ang bahay na pinapagawa ng papa mo. Ayos na ah. Kelan kayo lilipat?" Sabi ni Jess habang kumakain kami ng lunch sa canteen.

"Huh?" Tapos na ang bahay namin?

"Hindi mo alam? Akala ko nga lilipat na kayo doon eh." Ani Nicole.

Umiling ako. "Wala akong alam. Wala pa naman kasing sinasabi si Papa sakin eh." Wala pa naman talaga akong alam. Sabi kasi ni Papa sasabihan niya nalang ako kung kelan kami lilipat. Pero kung tapos na ang bahay namin siguro nga lilipat na kami ngayong buwan.

"What if tapos na nga ang bahay n'yo at lilipat na kayo doon bukas o sa isang araw. Gugustuhin mo kayang lumipat?" Tanong ni Nicole.

"Siyempre naman." Mabilis kong sagot.

"Tologo?" Nang-uuyam na sabi ni Nicole.

"Kahit na kapalit noon ang pag-alis mo sa apartment ng lalaking hinahangaan mo?" Dagdag niya pa habang nakikinig lang samin si Jess.

Napatigil ako sa pagkain. Halos anim na buwan na din nga pala kaming nakikitira kina Tita Tina. At kahit hindi n'yo man itanong alam kong ramdam n'yo ding napamahal na ako sa kanila. Kahit makulit si Matthew at masungit sakin, alam kong mamimiss ko ang kasungitan niya. Ganoon din ang kabaitan at suporta ni Tito Matt at Tita Tina. Maslalo na ang kasungitan ni Jared. Lahat 'yon alam kong mamimiss ko.

"Kahit na. Gusto ko pa din tumira sa sariling bahay namin. Hindi naman forever kaming makikitira sa kanila." Sambit ko. Maslalo na ngayon na napapansin kong linalayuan na din ako ni Jared. Hindi ko alam kung bakit. Mula kasi ng maging sila ni Chantal halos hindi niya na ako tingnan at hindi niya na din ako kinakausap. Para kaming hindi magkakilala. At sigurado akong napapansin na 'yon ni Tita kaya nga mas mabuti kung tapos na iyong pinapagawang bahay ni Papa para makalipat na kami.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now