Chapter 49 - Barrier

1.6K 61 1
                                    

Thrid Person POV

"Isa kang anghel ni kamatayan. Isipin mo na lamang kung anong kayang gawin ng iyong kapangyarihan." saad ng babaeng may balabal.

"Hahaha! Kung gayon ay inaalok mo ako sa isang kasunduan." natatawang saad ni Shana.

"Oo!" nakangising saad ng babae.

"Sige ngunit sa isang kundisyon, talunin mo ako sa laban" tugon ni Shana.

"Payag ako. Ngunit kailangang makasigurado ako na ika'y tutupad sa usapan" saad ng babae. Bahagyang napaisip si Shana.

"May isang salita ako nilalang" saad niya.

"Hindi sapat ang salita lamang"

"Kung gayon anong binabalak mong gawin" tanong ni Shana, ilang sandali ay may inilabas na isang pat pat ang babae. Bahagyang nagulat si Shana dahil pamilyar ito sa kanya. Ginagamit ito dati ng kanyang Lolo, ang patpat ng titania. Naglabas ng isang lamesa ang babae at batid ni Shana na isa itong patibong.

"Ito ang magsisilbing selyo ng ating kasunduan upang makasigurado akong tutupad ka sa ating usapan" saad ng babae.

"Pinapatawa mo ba ako? At kung ako'y susumpa sa lamesang iyan ay magiging alipin mo na ako habang buhay ganuon ba?" tugon ni Shana na nakapagpabigla sa babae dahil napagtanto ni Shana ang balak nito.

"Magaling! Matalo man ako o manalo magiging alipin mo parin ako! Ganun ba ang gusto mong mangyari!" saad ni Shana.

"Paanong-" nagtatakang saad ng babae dahil alam ni Shana ang kanyang binabalak.

***

"Teka lang" pagpigil ni Dustin kay Zeid.

Nadatnan nila ang dalawang nilalang na nag uusap. Ang isa ay nakabalabal ng itim habang ang isa naman ay isang kulay puting nilalang. Nang biglang may humila pababa sa kulay puting nilalang.

"Anong----" saad ni Shana bago ito mapuluputan ng buhok at nahila pababa.

"Ginagalit mo talaga ako!" saad ni Shana at nagpalabas ng kulay itim na bola ng kapangyarihan.

Habang pinanonood naman nina Zeid ang mga pangyayari ay nagpakita si Zeid.

"Hindi!" sigaw niya ng akmang patatamaan na ni Shana si Bena ng inipon nitong bola ng kapangyarihan.

"Golden Lightning!" saad ni Zeid at sumaritsit ang malakas na boltahe ng kidlat patungo kay Shana na siyang dahilan ng pagbabalik anyo ni Shana.

"Ahhhhhhhhhh!!!" sigaw ni Shana at kusang nabuhol naman ang buhok na pumulupot dito bago pa man tamaan ng kidlat ni Zeid.

Liningon nito ang pinanggalingan ng kidlat at nakita nito si Zeid habang suot suot ang mga baluti ng kawal ni Partisan.

"Mukhang may nagbabalik" palatak na saad  ng babaeng nakabalabal.

"Anong ginagawa mo" marahang saad naman ni Dustin kay Zeid. Ngunit hindi  natinag ang lalaki sa halip ay lumapit pa ito sa kinaroroonan nina Shana at Bena.

"At mukhang may gagawa na ng dapat kong gawin" natatawang saad pa ng babaeng may balabal.

"Zei--d ikaw ba yan?" nanghihinang saad ni Bena.

"Ako ang harapin mo" seryosong saad ni Zeid kay Shana.

Doon narin lumitaw si Dustin at hinarap ang babaeng may balabal.

"Huwag mong sabihin lalabanan mo ako" saad naman ng babaeng may balabal kay Dustin.

***

Agad namang nagpalit anyo si Shana sa pagiging isang puting demonyo. At naghanda  si Zeid sa mga posibleng gawin ng kalaban nito.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon