Chapter 58

61 3 0
                                    

Agres POV

Habang pinagmamasdan ko sina Aira at ang babaeng kasama nito ay bigla kong napagtanto.

"Nandito ngayon ang apat na kagamitan ng Titania".

Ang singsing na nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan ng kidlat ay nasa pangangalaga ng aking alipin.

Ang kwintas na may kakayahang magpatubo ng mga pakpak sa kung sino man ang may suot, kakayahang makalipad, pambihirang pananggalang at nagagamit ding pang-atake.

Ang kapa na may kakayahang maglaho o di kaya'y pumunta sa isang lugar sa isang iglap.

At ang patpat na nasa aking pangangalaga, may kakayahang itong kontrolin ang sinuman na mapapasailalim sa orasyon nito, ang alam nang karamihan ay may kakayahan lamang itong magparami o mangreplika, ngunit isa sa natatagong kapangyarihan nito ay ang dakilang orasyon.

Ang mga makapangyarihang kagamitan ng titania, ito rin ang ginamit ng sinaunang Titania upang talunin si Prometrios.

Ang isa sa mga ito ay magbibigay sa iyo ng pambihirang kapangyarihan. Ngunit ang pagtataglay ng dalawa ay kabaliktaran, sapagkat hinahadlangan nito ang pagdaloy ng kapangyarihan sa iyong sistema habang suot mo ito. Ang pagtataglay ng tatlo, ay mas lubos na mapanganib dahil hinihigop nito ang iyong lakas at maaari rin tanggalin ang lahat ng iyong kapangyarihan. Ang pagtataglay ng apat na kagamitan ay pangmatangalang pagkawala ng kapangyarihan at maari rin itong sanhi ng kamatayan.

Ngunit lubhang makapangyarihan kung mapapasakamay ng Titania dahil sya lamang ang maaring makagamit sa apat na kagamitan ng sabay-sabay.

Ang isa sa natatanging abilidad ng apat na kagamitan ay hindi ito tinatablan ng void magic.

At ito lamang ang mga kagamitan na kayang magpatunay na nararapat ang nilalang na hihirangin bilang Titania.

Habang pinagmamasdan ko ang babaeng may pakpak ay tila may mga imaheng nagpakita sa aking balintataw.

Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.

"Sino ka?" ito ang mga katagang lumabas sa bibib ko.

Napangisi  ang dalaga at nagsalita.

"Muli tayong nagkita", saad ng dalaga.

"Talaga?" saad ko na hindi  mawari kung bakit nakakaramdam ako ng tensyon.

"Muli tayong magkikita" saad ko nalamang sa dalaga, sapagkat hindi ko na kayang labanan ang mga imaheng nagpapakita sa aking balintataw.

Linisan ko ang kastilyo at sinundan ko nalamang si Aira. Gagawin ko ang lahat upang mapasunod ulit siya.

***

Third Person's POV

Habang tinutuntun ni Zacheos ang lokasyon ni Aira, ay naisipan nitong ipagbigay alam kay Haring Earno ang kasalukuyang kalagayan ng mga kasamahan nito.

"Kinakailangan ko ng tulong mula sa palasyo! Napahamak na ang aking mga kasama! At hindi ko matunton ang kinaroroonan ng prinsesa" sa isip ni Zeid, at sa isang iglap sa pamamagitan ng kanyang kapa ay nakarating na ito sa palasyo at ipinagbigay alam ang sitwasyon sa imperyo ni Partisan.

Agad naman inutusan ni Haring Earno ang kanyang mga kawal upang sagipin ang mga kasamahan ni Zacheos at upang kunin ang nawawalang prinsesa.

"Kaligtasan ng tatlong mundo ang nakasalalay, kailangan nating makuha ang prinsesa... siya lamang ang may kakayahang supiliin ang nagbabadyang paglusob muli nang Diyos ng Kasamaan!"   saad ni Haring Earno.

"Zacheos manatili ka dito at samahan mo ang reyna habang wala ako, at ipagbigay alam mo agad sa akin kung may mangyari mang hindi mganda habang nasa kabilang dimensyon ako" saad ng Haring si Earno.

Sa kabilang banda...

Nakaramdam naman si Agres ng kakaibang presensya kaya't dali-dali nitong linisan ang imperyo at hindi niya na itinuloy ang paghahanap kay Aira.

"Maaring nagtawag ng kasamahan ang lalaking may suot ng kapa!" si Agres.

Samantala...

Nang mailayo ni Aira ang mga katawan nina Dustin ay dali-dali itong bumalik sa kastilyo upang tulungan si Reen.

Sa Kastilyo.

Tayo na lamang ang natitira, Partisan!", nakangising saad ni Reen.

May pagkakataon na akong maghiganti sa pasimuno ng lahat, at si Partisan iyon, sa isip ng dalaga.

Bumunot si Reen ng espada nakasabit sa may dingding, saka humarap kay Partisan. Wala sya sa kalupaan kayat hindi nya magawang magpatubo ng matutulis na lupa. Nagagawa lamang niyang magpalabas ng matutulis na lupa kung nakaapak ito sa kalupaan. Na kakaya naman niton utusan ang mga halaman kung itoy kanyang nahawakan o nakatung-tung sya sa lupa.

Habang patuloy na nagmamasid si Zacheos sa mga kaganapan. Tila hindi nito maalis ang pag titig sa babae, at kinakabesa ang bawat angulo ng kanyang mukha.

"Protektahan mo ang Prinsesa...", umalingawngaw ito sa isip ni Zacheos kaya napabaling sya sa paligid.

"Nasaan ang Prinsesa? Baka hinabol sya ng babaeng may balabal. Masama ito, kailangan kong pangalagaan ang prinsesa", sa isip ni Zacheos, labag man sa loob ay kailangan nyang lisanin ang kastilyo. Agad nitong hinanap ang kinaroroonan nito.

Hindi magawang makipagtitigan ni Reen sa kalaban, kayat hindi nito matantya ang mga magiging pag atake nito.

Humakbang paharap si Partisan.

"Ano babae, hindi mo magawang iangat ang iyong mga mata?" nakangising saad ni Partisan saka ito nagpakawala ng apat na elemento ng kapangyarihang nagmumula sa tungkod na hawak niya na kung tawagin ay Xentro ng apat na elemento.

Nagtataglay ang Xentro ng apat na elemento ng kapangyarihan, kahit pa wala dito ang mga hiyas. Ang hangin, tubig, kalupaan, at apoy ang apat na elemento na kung mapagsama-sama ang apat na hiyas ay sapat na upang tapatan ang kapangyarihang taglay ng Titania.

Ikinampay naman ni Reen ang kanyang mga pak pak upang itaboy ang pinakawalang kapangyarihan ni Partisan.

Walang kamalay - malay si Reen na naroon si Zacheos ang tanging nadatnan nito ay ang estatwa ni Serdon at Dustin na syang itinago ni Aira.

Hindi rin nito magawang imulat ang kanyang mga mata sapagkat batid nito ang kapangyarihan ni Partisan.

Kailangan ko nang pantakip sa aking mga mata" naalala nito ng kanyang bandana ngunit tila nalaglg ito nng makasagupa nito sina Zeide.

Naisipan nitong pumunit ng kapirasong tela mula sa kanyang damit, sapat na upang matabunan ang kanyang mukha. Itinali nya ito saka sinubukang imulata ang kanyang mga mata. Hindi malinaw ang mga imahe na nakikita nito, ngunit sapat na uoang makita ang kilos ng kalaban.

Kailangan kong masira ang mga bolang apoy upang hindi nya rib ako makita at maging patas ang laban. Ngunit paniguradong gagawa lang ulit sya ng panibagong bolang apoy, sa isip ni Reen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon