Chapter 43 - Black Demon

1.8K 62 0
                                    

Reen POV

Pinagmasdan ko ang paligid, ibang-iba na ito sa natatandaan kong itsura ng imperyo. Malalago na ang mga puno na nakapalibot dito hindi kagaya ng dati na halos walang makitang buhay maliban sa mga kawal ni Partisan.

"Dilan" marahan saad ni Shana dahil agad itong lumitaw sa pagaakalang napatay ni Brando ang mga bantay.

"Pinasok tayo ng mga bandido! Pinasok---" sigaw ng isa sa mga kawal agad naman akong bumunot ng palaso at walang pangingiming pinatahimik ito.

Naalerto ang ibang kawal kaya't nagtago kami ngunit tila alam nila kung saan kami naroroon dahil sa pag atake nila sa amin.

"Mauna na kayo, ako ng bahala sa mga ito." saad ni Shana, agad akong tumayo at sumunod naman si Dilan.

Nagpatiuna ako habang isa-isang pinapana ang mga nakakasalubong kong mga kawal.

Napakahigpit ng bantay ni Partisan. Tiyak mahihirapan kaming iligtas ang mga kasamahan namin.

"Dilan" marahang saad ko saka nilingon ang kinaroroonan nito ngunit bigla itong nawala.

Masama ito. Mukhang nadakip nila si Dilan ng hindi ko man lang namalayan.

Ilan pang sandali ang pananatili ko sa aking pinagtataguan habang pinapakiramdaman ang paligid.

Bahagya akong humakbang ngunit nakarinig ako ng isang boses babae.

"Maligayang pagdating sa iyong kamatayan bandido" saad nito, saka humangin ng malakas.

Kakaiba ang dulot ng malamig na hangin sa aking sistema. Naramdaman ko nalamang ang malakas na pwersa ng hangin na tila pinipilit buwalin ang punong pinagtataguan ko.

Agad akong lumundag saka hinanap kung saan nanggagaling ang boses ng babae.

"Magpakita ka!" usal ko.

"Narito ako" saad nito at agad akong napabalikwas dahil nanggaling ito sa aking likuran at napabunot ng aking espada.

Nakita ko si Dilan na nakahandusay at natanggal ang kanyang bandana.

"Hindi ka naapektuhan ng lason ng hangin. Dahil siguro sa itim na telang suot mo. Ngunit sinisugurado kong hindi ka uubra sa akin bandido" marahan nitong saad.

Kung gayon siya ang tinutukoy ni Shana. Nararamdaman kong hindi basta basta ang aking kaharap kaya't ibayong pagiingat ang aking gagawin.

Itinaas nito ang kanyang kanang kamay habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa kalangitan. Maya't maya'y naramdaman ko ang paglakas ng hangin sa aming kinaroroonan.

"Tanggapin mo ito!" aniya saka ipinukol ang malakas na pwersa ng hangin sa aking kinaroroonan.

Sa lakas nito ay hindi ko nagawang umiwas sa halip ay gumawa ako ng pananggalang upang kahit paano'y hindi ako masyadong mapinsala sa atakeng pinakawalan nito.

Ang lakas niya. Nasisira na ang pananggalang na ginawa ko. At tuluyan na nga itong nasira at naisama ako sa lakas ng hangin na pinakawalan nito.

Shana POV

Sa kakaiwas ko ay hindi ko namalayang nakalayo na pala kami sa kinaroroonan nina Brando. Bakit nga ba ako umiiwas?

"Putek!" saad ko ng hindi ko nabalanse ang huli kong pag apak sa lupa.

"Umiwas ka lang hanggat gusto mo babae!" natatawang saad nito.

Hindi ko magawang magpalabas ng kapangyarihan dahil sa sunod sunod nitong pag atake.

Bahagya itong huminto. Ginamit ko naman ang pagkakataong iyon upang maghanap ng pwedeng gawing armas.

Pinalutang ko ang mga bato sa paligid at sunod sunod na ipinukol sa kanya. Sinasalag naman nito gamit ang kanyang buhok.

Nang maubos ang mga batong pinalutang ko ay ito naman ang umatake.

Pinahaba nito ang kanyang buhok patungo sa akin. Eto nanaman tayo Shana sa pag iwas.

Napangisi ako dahil may naisip akong plano. Tumalikod ako saka tumakbo patungo sa kasukalan na may mga mayayabong na mga punong kahoy.

"Iyan nalang ba ang kaya mo!" naiirita nitong saad dahil sa patuloy kong pag iwas.

Humarap ako dito saka ginawang tingting ang aking patpat.

Gaya ng inaasahan ko ay pinahaba niya ulit ang kanyang buhok. Kaya naman iniwasan ko ito saka nagpaikot ikot sa mga punong kahoy.

"Para kang  bata! Walang kwentang kalaban!" saad nito ngunit hindi nito napapansin na nagkabuhol-buhol na ang kanyang buhok dahil sa pagsunod sa akin.

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa buhok ko!" saad nito ng hindi na nito magalaw ang mga ito.

"Iyan ang napapala ng mga bruha!" natatawa kong saad saka nagtungo sa kanyang harapan.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo!" galit nitong saad.

"Ows? Talaga?Hahahaha" natatawa kong saad.

"Ahhh-hhhhh" sigaw nito at naramdaman ko ang kakaibang kapangyarihang nanggagaling sa kanya.

"Teka lang naman! Di pa ako nakakaganti eh" saad ko, saka lumipad palayo sa babae.

"Black Demon--" narinig ko pang saad niya.

Nakakakilabot naman ang babaeng to. Anong nangyayari? Tila nalalanta ang mga punong ginamit ko upang pagbuhol buholin ang buhok ng babae.

Wala pa ngang ilang sandali ay nalanta ang mga ito na tila nasipsip lahat ng katas at naging marupok dahilan upang makawala ang babae.

Habang ang buhok nito ay binalot ang katawan ng babae.

Napaatras ako dahil nag iba ang itsura ng babae. Nang matapos palibutan ng kanyang buhok ay  naging kulay itim ang katawan nito. Meron ding tumubong kulay itim na pakpak sa kanyang likod. Mukha itong itim na demonyo.

Nakakatakot naman ang ngisi ng isang ito. Agad nya akong sinigud. Kaya naman naghanda ako.

Inundayan nya ako ng suntok habang ako ay sinasalag ang bawat pakawala nito.

"Ahhhhh!" sigaw ko ng maramdaman ko na ang bawat dampi ng kamao nito ay tila hinihihop ang aking enerhiya.

Ang bilis niya!

"Ahhhhhhh!" sigaw ko ng inundayan niya ako uli akobng suntok saka sinipa dahil sa lakas nito ay tumilapon ako ng bahagya.

Pinunasan ko ang dugong dumaloy sa aking mga labi. Ang lakas niya!

Ibinuka na naman nito ang kanyang mga itim na pakpak at nakahanda ulit itong umatake. Hawak hawak ko parin ang aking patpat at pilit nagsasagawa ng orasyon. Ngunit muli niya akong inundayan ng suntok saka pinilipit ang aking kamay na naging dahilan upang mabitawan ko ang aking patpat.

Sinakal niya ako at inilipad pataaas

"Bi-tawan mo ako!" nanghihina kong saad dahil ang bawat dampi ng kanyang balat sa aking balat ay tila nakakapagpahina ng aking enerhiya.

***

Brando POV

Muli ay napako ako sa aking kinatatayuan habang pilit linalabanan ang kapangyarihan ng kaharap kong lalaki.

Hindi ko na matanaw sina Shana at ang babaeng may kakayahang magpahaba ng buhok.

Muli ay nakatakas ako mula sa kanyang kapangyarihan. Nakakaya din nitong magmanipula ng anino kagaya ko.

Hindi kaya siya ang aking kapatid? Ngunit kailangan ko munang makasigurado dahil baka nagkakamali ako.

"Bago tayo maglaban lalaki ay nais ko munang ipakilala ang aking sarili. Ako si Brando  galing sa angkan ng mga Erebus.

Kung siya nga ang kapatid ko ay maalala nito ang aking pangalan at ang aming angkan.

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon