Chapter 44 - Shana's Affair

2K 65 5
                                    

Brando's POV

"Bago tayo maglaban lalaki ay nais ko munang ipakilala ang aking sarili. Ako si Brando  galing sa angkan ng mga Erebus." panimula kong saad.

Kung siya nga ang kapatid ko ay maalala nito ang aking pangalan at ang aming angkan.

Ngunit tila wala itong alam sa mga pinagsasabi ko.

Wala itong naging tugon.

"Maari bang malaman ang iyong pangalan?" nagbabasakali kong tanong.

"Troy" maikli nitong saad na siyang gumulantang sa akin.

"Ikaw nga!" natutuwa kong saad.

"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako to ang iyong---" sunod kong saad.

"Tumigil kana! Wala akong naiintindahan sa mga sinasabi mo" sigaw nito saka bumunot ng espada.

"Troy! Makinig ka ako ito si Brando ang kapatid mo!" maluha luha kong saad.

Ngunit patuloy parin ang ginagawa nitong pagatake.

Pinagapang ko ang aking anino patungo sa kanya at sinaklaw ang kamay nitong may hawak ng kanyang sandata. At pinilipit ito upang mabitawan ang kanyang espada. Nakontrol ko ang kanyang kamay ngunit tila hindi man lang ito naaapektuhan sa aking ginawa.

Nabitawan naman nito ang kanyang espada at nanatili kami sa ganoong posisyon.

Hindi ko magawang labanan ang kapatid ko kayat hanggat maari ay pipigilan ko sya sa nais nitong pag atake.

Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari sa mga panahong wala ako sa tabi niya. Kung bakit ngayon ay hindi niya ako maalala.

***

Shana POV

"Bi-tawan mo ako!" nanghihina kong saad dahil ang bawat dampi ng kanyang balat sa aking balat ay tila nakakapagpahina ng aking enerhiya.

Ngunit mas lalo pa niya akong sinakal. Bigla itong tumigil sa ere saka inikot ikot ako bago inihagis.

"Ahhhhhhhhh" malakas kong sigaw ng tumilapon ako sa lupa.

Ang sakit nang buo kong katawan, pinilit kong bumangon sa kabila ng pinsalang natamo ko. 

Yan na naman siya. Iniharang ko ang aking patpat at nagpakawala ng kapangyarihan. Ginawa ko itong sibat saka nagpalabas ng mas malaking wangis nito sa aking harapan. Nang malapit na ito ay agad kong winasiwas ang hawak kong sibat at sumunod naman ang wangis nito. Naiwasan naman nito at saka lumipad pataas.

Ano kayang binabalak nito. Ginamit ko naman ang oras na iyon upang gamutin ang aking mga sugat. 

"Malakas siya, ngunit hindi ako magpapatalo sa isang ito. Ako si Shana na galing sa angkan ng mga mangkukulam" marahan kong saad.

Napapitlag ako ng maramdaman ko siya sa aking likuran. Liningon ko ito ngunit wala siya doon. Ibinalik ko ang paningin ko sa aking harapan ngunit wala rin siya. 

Mabilis siya idagdag pang nasa kakahuyan kami kayat hindi masyadong nasisinagan ng liwanag ng buwan ang paligid liban nalang sa parteng wala ng puno dahil sa ginawa nitong mga pag atake.

"Nasaan ka! Magpakita ka!" sigaw ko.

"Nandito ako" bulong nito sa aking likuran malapit sa aking tainga.

Nanginig ang buo kong sistema ng ilagay nito ang kanyang braso sa aking leeg saka ako sinakal. Nararamdaman ko ang pagkaupos ng aking enerhiya dahil sa pagkakasakal nito sa akin.

Hindi-hindi pa ako pwedeng mamatay, saad ko sa aking isipan saka naalala ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban. 

Dahil sa kanya, dahil naniniwala akong magkakasama kaming muli. Kaya hindi pa ako pwedeng mamatay.

FLASHBACK

"Ramesis!" sigaw ko ng minsang nagawi kami sa isang lugar malayo sa aming kuta kasama namin si Brando.

Ngunit hindi namin inaasahan na makakasagupa namin ang mga kawal ni Partisan.

Nakipaglaban kami ngunit hindi namin sila kinaya. Kumpara sa taglay naming kapangyarihan ay mas bihasa sila sa paggamit ng kanilang kakayahan.

Mula ng mapadpad kami sa talon ay nabuo narin ang aming pagkakaibigan. Si Brando, Ramesis at ako.

Nang magbinata't magdalaga kami'y nagtapat si Ramesis na gusto niya ako.

Matagal ko narin siyang gusto mula pa noong mga bata kami, kaya naman sinagot ko agad ito.

"Ako nang bahala rito! Umalis na kayo!" atas nito.

"Ngunit--" tutol ko dahil batid kong hindi niya ito kayang magisa.

"Sige na Shana, Brando! Iligtas niyo ang inyong mga sarili!" saad pa nito.

"Malalim ang iyong naging sugat! Hindi mo siya--" saad ko.

"Shana! Hindi na ako magtatagal pa kahit gamotin mo ako! May inilagay na lason ang ating kalaban sa hangin na aking nalanghap at nararamdaman ko ang pagkalat nito sa aking sistema. Kaya naman kaysa sa mamatay tayong lahat ay sagipin niyo ang inyong mga sarili" nanghihinang saad nito.

"Kaya kitang gamutin" naluluha kong saad.

"Wala nang oras, umalis na kayo! Sige na Shana! Ayaw kong pati ikaw ay mapahamak!" saad nito.

Ginawa kong tingting ang aking patpat at doon kami sumakay ni Brando.

"Halika na!" saad ko pa ngunit nagmatigas ito.

"Batid kong mahahabol niya tayo at matutunton ang kuta kung magsasama tayo kayat ako ang haharap sa kanya upang hindi niya kayo maabotan" marahan niyang saad.

"Sige na Shana, bago pa man mawalan ng bisa ang ginawa kong kulungan" saad niya.

Labag man sa loob ko ay sinunod ko siya. Pinapangako kong magkikita pa tayo Ramesis. Kahit kamatayan pa ang maging hadlang, gagawin ko ang lahat upang muli kang makasama. 

Ito ang naging pangako ko sa aking sarili mula ng araw na iyon. Hindi nga kami naabutan ng babae ngunit hindi na rin bumalik si Ramesis sa kuta.

Nanghinayang ako, nalungkot, kung bakit ba kasi naging mahina ako. Duwag! Duwag ako! Dahil hindi ko man lang nasamahan ang lalaking pinakamamahal ko kahit katumbas nito ang aking buhay.

May pag asa pa ako. At kahit ito pa ang maging mitsa ng mas mabigat na kasalanan ay gagawin ko.

Magpapalakas ako at kapag handa na akong suuingin maging kamatayan ay ibabalik kita.

Ibabalik ko si Ramesis ano man ang mangyari. Magkakasama kaming muli.

***

Shana POV

Tiniis ko ang unti unting paghina ng aking lakas. Ito ang tunay na anyo ng aking kalaban. Isa itong halimaw galing sa angkan ng mga itim na demonyo.

Maliksi silang kumilos at may kakayahang mangpahina ng iyong lakas hanggang sa ikaw ay mamatay. Ang pagdampi ng kahit na anong parte sa kanyang balat ay katumbas ng pagpapakamatay.

"Bena ang aking pangalan, tandaan mo iyan pagkaharap mo na si kamatayan" bulong nito habang sakal-sakal niya ako.

"Napakahina, kahit hindi ako magbagong anyo ay kayang kaya kitang tapusin." saad pa nito, ngunit unti unting humihina ang aking pandinig tanda nang aking lakas na nawawala sa akin.

"Lolo--Shi-la, pa-patawarin niyo ako." saad ko sa kawalan. At  wala na akong maramdaman.

iammrlee

NO EDIT


TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon