Chapter 46 - White Demons (Angel of Death)

1.8K 62 0
                                    

Ang mga anghel ng kamatayan ay minsang nanirahan sa Navin, mundo ng mga makakapangyarihang nilalang na pinamumunuan ng tatlong kaharian.

Si Prinsipe Earno dakong hilaga ng Navin anak ng ng unang Titania. Si Haring Hode sa timog, ngayon ay pinamumunuan ng anak nitong si Ode at si Reyna Eara gawing silangan at ang anak nito ang sumunod na Titania.

Ilang taon na ang nakakalipas ng makagawa ng pagkakasala ang anghel ni kamatayan na siyang mitsa nang pagkakakulong nila sa kabilang dimensyon.

Isang binatilyo ang nag iisang nagmana ng abilidad ng kanyang mga ninuno. Makalipas ang ilang taon at nagbinata nahulog ang loob nito sa isang Navin. Nagbunga ang pagmamahalan nila ng isang batang babae.

Ngunit isang pangyayari ang naganap, sinugod ang mundo ng mga Navino ng mga alagad ng kadiliman. Dinipensahan ng tatlong kaharian ang kanilang mundo. Ngunit malakas ang mga ito, ginawa lahat nila ang kanilang makakaya at nagtagumpay sila upang ikulong ang Diyos ng Kadiliman.

Sa pamamagitan ng Titania at ng apat na celestial warriors ay nagapi nila ang kasamaan. Ngunit kasabay nito ang pagkawala ng apat na magigiting na mandirigma ng Diyos ng Titania.

Dito rin naganap ang muling pagkabuhay ng ipinagbabawal na kapangyarihan. Ito ang ang kapangyarihan ng mga puting demonyo na nanahan sa kaloob looban ng mga tinaguriang anghel ni kamatayan.

May kakayahan silang maglakbay sa mundo ni kamatayan at ibalik ang buhay ng mga namatay na.

Iyon nga ang ginawa ng lalaki, naglakbay ito sa mundo ng kamatayan upang ibalik ang buhay ng kanyang pinakamamahal. Ngunit nabigo ito, nalaman ng mga konseho ang kanyang ginawa kaya't pinarusahan.

Ikinulong siya sa kabilang dimensyon at maging ang kanyang kakayahan. Inilagay sa isang sisidlan ang kaniyang kapangyarihan upang hindi nito magamit.  At doon umusbong ang lahi ng mga mangkukulam.

***

Batid ng batang si Shana  ang kakayahan ng kanyang Lolo na magbagong anyo. Sa pamamagitan ng kaniyang patpat ay nagagawa nitong maging isang puting nilalang na may pakpak na kagaya ng paniki at buntot.

Natutuwa ito sa naging anyo ng kanyang Lolo at batid nitong habang tumatagal na nasa ganoong anyo ang kanyang Lolo ay nanghihina rin ito.

"Tama na po Lolo" saad ng batang si Shana.

"Isa pa! Isa pa!" saad naman ng batang si Shila.

"Tama na iyan" suway naman ng kanilang ina.

"Ngunit mga apo. Ang kakayahang ito ay hindi dapat ipagsabi kaninuman dahil magdudulot ito ng panganib sa mundo at maging panganib para sa inyong mga sarili." saad ng matanda.

"Ang inyong kapangyarihan ay napaloob sa isang sisidlan" saad ng matanda at itinuro ang mga patpat na hawak ng mga bata.

"Dito, dito natatago ang ating kapangyarihan upang walang sinuman ang makatuklas nito" paliwanag ng matanda.

"Mangako kayong huwag na huwag niyong gagamitin ito lalo na sa kasamaan, maliwanag ba mga apo" nakangiting saad ng matanda.

"Opo!" magkapanabay na saad ng dalawang bata.

***

Makalipas ang mga araw ay linusob ang kanilang tirahan ng mga alagad ni Partisan. Sinubukang ipagtanggol ng kanilang ama't ina ang ibang nilalang na naroroon ngunit maging ang mga ito ay napahamak.

Hindi nila inaasahan makakaharap nila si Partisan na may kakayahang gawing bato ang sinumang tititig sa kanyang mga mata.

"Shana! Shila! Magtago kayo!" utos ng kanilang Lolo.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon