Chapter TWENTY-NINE --> Seth & Sam <--

Start from the beginning
                                    

Tumikom ang parehong kamay ni Sam. Kahit na madilim dito sa may working area nila at bukod tanging 'yong mga computer lamang sa isang gilid ng room ang pinagmumulan ng liwanag, bakas parin sa mukha ni Sam ang pag-aalala. "I'll call him. Masyadong delikado kung mag-isa lang s'ya."

"I tried, okay? Hindi sumasagot ang gago," inis na sabi ko. Bumuka ang bibig ni Sam para may sabihin pa pero natigilan siya noong tumunog bigla 'yong cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at tiningnan 'yong pangalan ng caller sa screen.

"Si Weendy," sabi ko. Huminga ako ng malalim bago pindutin 'yong answer button. "Yes, babe?" Pinilit kong maging masigla 'yong boses ko.

[Babe, nasa'n ka ngayon?]

Napatingin ako kay Sam na siya namang maiging nakatitig sa'kin. "Um..." I rummaged my brain for an excuse. "Nandito ako sa condo ni Sam. Bakit?"

[Ah. Wala lang. Na-miss lang kita.]

Napangiti naman ako na parang gago. Shit. Nai-imagine ko na 'yong pamumula ng pisngi ni Weendy sa kabilang linya. "Miss you too, love." Nakita kong umikot 'yong parehong mata ni Sam. Sinapa ko sa binti ang gago.

[Kailan tayo pwedeng magkita? Ang tagal na kitang hindi nakikita.]

Mula sa kabilang linya ay na-imagine ko na naman 'yong cute na pagnguso niya. Shit talaga. Matindi ang tama ko sa pagpapa-cute niya. Foul 'yon eh. Mahina ako do'n!

"Soon," sabi ko. Sorry, Weendy, I thought mentally. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

[Gaano katagal ang soon?]

Kinagat ko panandalian ang ibabang labi ko. Gusto kong sabihin na kapag natapos nang lahat ang gusot na dinaraanan ng PENTAGON ngayon, pero nagkasundo kaming lima na kahit anong mangyari ay hindi namin idaramay ang mga mahal namin sa buhay sa kagaguhan namin. Nadamay na ang kambal pati na rin si Cassidy dati sa business namin. Pero iba ngayon. Malaking gulo itong pinasukan namin. At kahit kailan, hinding-hindi ko gugustuhing mapahamak si Weendy.

"Sorry, babe. Ang dami ko lang kasing inaasikaso ngayon." Hindi na ko pwedeng magbigay ng additional information. Masyadong delikado. Who knows? Baka mamaya, naka-wiretap na pala 'yong conversation naming dalawa. Pero ang sabi naman ni Ace, ayos lang daw maka-receive ng calls dito sa hideout dahil parang may ginawa silang device na kayang mag-filter ng signal and electromagnetic waves. Kaya daw no'ng device na iyon na i-block ang kahit anong phone call or text message from an unknown number or source. May ginawa din silang kung ano sa phone naming lima, parang safety precaution shit. At dahil doon, hindi mate-trace ng Fray Gamma ang location namin.

There was a heavy silence on the other side of the line. Napatingin pa nga ako sa screen ng phone ko para lang siguraduhin na hindi pa binaba ni Weendy 'yong tawag. "Weendy?"

Narining ko ang paghinga niya sa kabilang linya. Her voice was quiet when she spoke. [Makikipag-break ka rin ba sa'kin?]

I froze. Halos mahulog 'yong cellphone ko sa gilid ng tainga ko. Kumunot ang noo ni Sam. "Oy, Seth. Okay ka lang?" tanong niya.

Noong matauhan ako ay agad akong sumagot. "Of course not!" Sinubukan kong ngumiti at maging masigla. "Sa'n mo naman napulot 'yan?" natatawang sabi ko.

[Ramdam ko lang.] Mahina at mababa ang boses niya. Shit. Okay lang kaya siya? Gusto ko siyang puntahan ngayon. Gusto ko siyang yakapin at sabihin kung gaano siya kahalaga sa akin. Gusto kong sabihin na 'I'm sorry' sa pagsisinungaling ko at sa pagtatago ng mga bagay sa kanya. I'm such a big asshole. Hindi ko alam kung anong kahayupan ang ginawa ko sa past life ko para parusahan ako ng ganito ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now