"I am not sure si Lyn kasi ang may alam ng schedule ko e, 'yong pang-umaga lang ang madalas na alam ko. Why?" humigop siya sa kape niya.

"Nakalimutan mo ba?" pabulong lang iyon.

"Forget what?" he asked, nalimutan niya nga ata.

"Nevermind." Malungkot na sagot ko. "Tapos ka na ba? Iwan mo na lang 'yong pinagkainan mo diyan, once you're done. Akyat lang ako. Parang inaantok kasi ako e. Ingat ka papunta sa office." Humikab pa ako kunwari, bago ako tumayo.

Hindi pa man siya nakakasagot ay nagdire-diretso na akong maglakad palabas ng kusina.

"Nakakainis siya, nalimutan niya 'yong check up natin ngayon baby." Nagtatampong kausap ko sa medyo halata ko nang tiyan, habang paakyat ako sa taas.

-----

ENRIQUE

"Lyn!" malakas na pagtawag ko sa secretary ko. Kakatapos lang kasi ng meeting kaya itatanong ko kung anong schedule ko mamaya.

"Yes Sir?" sagot ni Lyn, na sinungaw ang ulo sa pintuan.

"Ano pa bang appointment ko ngayong tanghali? May meeting pa ba ako?" tanong ko sa kanya, kasi pakiramdam ko may nakalimutan akong importanteng bagay.

"Sir after lunch check-"

"Oh Shit!" napamura ako nang maalala ko ang check-up ng mag-ina ko. Kaya pala bigla na lang siyang nag-walk out kanina. I was an asshole, para kalimutan 'yon.

"Anong oras na?"

"Twelve thirty na—"

"Fuck! Anong oras ba ang schedule niya?"

"Sir, one pm po."

"Malapit lang ba 'yong clinic dito?" aligagang tanong ko, habang hinahanap ang susi ng kotse ko.

"Thirty minutes away Sir, kaya kung ako sa 'yo, kailangan mo nang umalis."

"I know, Ikaw nang bahala dito." Paalam ko na nagmamadaling lumabas at tumakbo sa elevator. Habang sakay ng elevator ay sinusubukan kong kontakin siya pero mahina ang signal.

"Damn!" mura ko sa sarili ko.

Nang makarating sa parking area ay mabilis ang kilos na tinungo ko ang kotse ko.

"Fucking shit! Pick up the phone please." Bakit sa dinami-rami ng amlilimutan iyon pa? Nangako pa naman ako sa kanya. Nagtampo nga ata siya sa akin kanina.

Nang makasakay ako sa kotse at makalabas ng building ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan. Mabuti ay hindi gan'un kasikip ang traffic dahil tanghali.

-----

LARA

"Kinalimutan niya talaga." Nagtatampong nasabi ko. Nangako pa siya, hindi niya naman pala tutuparin.

Nag-antay pa ako ng ilang minuto, pero hindi talaga siya dumating. Nakakainis siya. Feeling ko pa e, maluluha na ako. Mabuti na lang at napigilan ko. Ano ba 'to parang 'yon lang iiyakan ko pa?

Sa sobrang inip ko nga ay nagdesisyon na akong umalis. Minabuti ko na magtaxi na lang. Wala kasi ako sa mood magdrive.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe nang maalala kong i-check ang phone ko. Baka naalala niya at tumatawag na siya sa akin. Kahit papaano naman ay may natitira pa akong katiting na pag-asa. Pero wala iyon sa bag ko. Napatutop ako sa noo ko nang maalalang naibato ko iyon sa couch nung wala akong narecieve na text o tawag mula kay Enrique.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now