26

881 8 0
                                    

[The Unsolved Murdered Case]







Hindi muna ako dumeretso sa hospital. I just want to swelter my stomach with a coffee and get some air outside.

Dumeretso ako sa malapit na cafe house, sa may tabi lang ng hospital. Isang tawid lang naman ang pagitan kaya kapag kailangan ko ng pumunta doon ay madali lang akong makakarating.

"Good morning, Doc Lendrein! Ganun ulit order mo?" masayang bati ni Carla sa akin. Suki na nila ako dito ever since Kaya alam na nila ang madalas kong orderin.

"Yes. I'll wait there." ngumiti ako sa kaniya at siya naman ay tumango. She already know where I'm always sitting kaya hindi ko na rin siya sinabihan.

Marami-rami na din ang pumapasok dito dahil ang iba ay dito na din nag-uumagahan, like me. It's more comfortable for me here than in my condo or in the hospital. I don't know, but that's my every day routine to be here.

Pumalumbaba ako habang nakatingin sa labas. I'm observing the movement of every people passing by.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ahh.." binalingan ko agad siya.

"Ah! Andiyan ka na pala."
tsaka niya inilapag sa table ang order kong kape.

"Hmm, sige...magpainit ka muna. " tumungo siya sa akin, tumungo din ako sa kaniya at ngumiti. She walked away and go back to the counter.

Inumpisahan ko na ring higupin ang aking kape. I often ordering Caramel Macchiato or a mochalatte coffee. Sometimes, If they haven't the two of that , I prefer to order the black coffee.

While I'm drinking my coffee It's suddenly come to my mind, my dream...my strange dream.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko paulit-ulit na napapanaginipan 'yon. Sa tuwing naiisip at naaalala ko 'yon para akong mababaliw sa kaiisip kung ano ang ipinapahiwatig nito sa akin.

I'm also scared of what would gonna happen to me if my dreams....are true. No! It can't be, it's just a dream. Why is it keeps bothering me!?

Hanggang kailan ko mapapanaginipan ang mga bagay na 'yon .. Is it possible that the dream I dreamed of could be happened? Yan lang ang naiisip kong nais ipahiwatig sa akin. Ah! Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Hay!!! Mababaliw na ako!

" 'We are sharing one body. I am you and you are..... Me.' " Anong ibig sabihin ng mga katagang 'yon!? At yung 'Elaine' na 'yon, sino ba siya, huh? Bakit lagi niya akong ginagambala. Napapikit ako ng mariin.

Sa gitna ng aking pag-iisip , nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'to mula sa aking bag at agad kong sinagot.

"Hello? "

["Lendrein, nagising na ang bata."]
Boses ni Gwen.

"Talaga? Sige pupunta na ako diyan. " binaba ko na ang phone at inilagay sa bulsa ng aking jacket. Dadalhin ko na lang ang kape ko sa hospital , maybe dun ko na lang ipagpapatuloy ang pag-inom ko.

Pagkalabas ko ng coffee house ay bigla na namang nag-ring ang phone ko. Si mama.

"Ma-" napatanggal ko ang phone ko sa tenga ko. Ang aga-aga nakasigaw.

"Nasaan ka ba, huh!? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo dito! Pasaway ka talagang bata ka!.." ano bang pinagsasabi ni mama.

"Anong naghihintay? Diba bukas pa kita susunduin? Mama, nasaan ka ba? " napatigil ako sa paglalakad.

"Nandito ako sa ospital na pinagtatrabahuhan mo--" what the hell! Anong ginagawa ni mama dun!

"Ano!? Bakit nandiyan kayo!?.." ayyyyy! Kahit kailan talaga. Pinatay ko na ang phone at kumaripas ng takbo papuntang hospital. Bakit hindi sa akin pinaalam ni mama na naka-uwi na pala siya galing sa probinsya.
Hay! Bakit ba ang daming pasakit sa buhay ko?

Doctor ParkWhere stories live. Discover now