11

1.2K 24 0
                                    

[Desperate]




I have no duty today. I need some rest dahil marami ring naging trabaho ngayong week na ito. Kasali rin iyon sa schedule ko dito sa hospital kaya walang problema kung mag leave man ako o hindi.

Nandito ako ngayon sa aking office at nag aayos dahil bukas pa ng umaga pa ako papasok ulit. Makakapag pahinga na rin ako sa bago kong condo.

Ng nakakasigurado na ako na maaari ko ng iwan ang aking silid ay nagsimula na akong magmartsa palabas. Nakajacket ako ngayon dahil naguumpisa ng mag winter dito sa Korinto.

Isa sa mga favorite season ko ang winter. Yung umuulan ng snow sa buong paligid ng korinto. Cold weather.

Ang mga nadadaanan kong silid ng mga doctors tulad ko ay wala ring mga tao . Siguro ay abala sa pagtingin ng mga pasyente at yung iba naman ay nagleave din tulad ko .

Si Gwen naman ,hindi ko siya pwedeng yayain dahil laging busy at maraming ginagawa iyon kaya hindi na ako nag-abala pa. Nadaanan ko din ang laborataryo ng hepatoma department.

Nakita ko doon si gwen. I can see na busy'ng busy siya. Hindi na ako pumasok pa dahil baka nakakaabala ako sa kanila at nakakahiya iyon.

Bumababa na ako ngayon sa elevator ng may hindi akong inaasahang nakita!

Kunwari akong nag-ayos ng buhok ko para matakpan ang aking mukha. Jusko!

Nang makababa na ako sa elevator binilisan ko ang aking lakad sabay nun ang kunwaring pag-aayos ko ng aking buhok. What a world! Geez. Ang tadhana talaga pinaglalaruan na naman ako.

"Lendrein?" Nang marinig ko ang kanyang boses mas tinago ko ang aking mukha para hindi niya ako makilala at marealize niya na mali sya ng pagkakakilanlan.


" Lendrein, is that you?" Muling tanong niya sa akin. Shit, my heart beats so faster! What I'm gonna do!

" ah-ahehe. Nagkakamali ka.." iniba ko ang boses ko para hindi niya ako makilala. Nakaharang din ang aking buhok sa aking mukha. Very Wrong.


Hinawakan nya ako sa aking braso at iniharap sa kanya. My gad! Bakit niya pa ako tinawag!? Kasama niya naman yung girlfriend o....asawa na.

Nakita kong malaki ang tiyan ng babaeng kasama niya. That means, she's pregnant. Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa nalaman ko. Kahit hindi niya sinabi ay halatang halata na na buntis na ang babaeng ito.


"Huwag mo akong lokohin, kilala kita lendrein..." ngumiti siya sa akin at sabay nun ang paghawak nya sa lumulobong tiyan ng kanyang girlfriend o asawa. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

Ngumiti ako ng pilit para masabing okay ako at naka get-over na ako sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago, ganoon pa rin ang kaniyang ugali.. ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Sa nakikita ko ngayon parang napakasaya niya dito sa asawa niya.

Para akong maluluha dahil sa mga naiisip ko. He deserves a woman like her not me, but that's okay. Hindi ko na rin iyon iniisip pa.

"Magpapa check-up kasi ang asawa ko..." muli ay hinawakan at hinimas niya ang kaniyang kamay sa baby bump ng kaniyang asawa.

"Hmm...I see.."ngumiti ulit ako ng pilit. Kahit na ang sakit na pinipilit ko maging malakas pero nakakapagod na rin eh. Nakalimot na ako, pero bakit ngayon naaalala ko na naman ang nangyari noon na kailanman ay hindi na mababago at mababalik pa.


"Lendrein, I want you to meet my wife.... Lyna." Naglahad siya ng kamay, walang pag aalinlangan kong tinanggap iyon. Ngumiti siya sa akin , ganoon din ako.

Doctor ParkWhere stories live. Discover now