06

1.4K 24 1
                                    

[May araw din sya sa akin]







Sa ngayon ay nagchecheck ako ng mga vital signs ng aking pasyente. Inililista ko ito sa clipboard na daladala ko.


Ayos naman lahat ng mga vital signs ng patient ko dito sa ward 21 A. Lalaki ang aking pasyente at medyo may katandaan na sya, kung susumahin ko ang edad nya, ay siguro mga fifty pataas.


Naikwento sa akin ni nurse Louie Ann na matagal na nakaconfine ang pasyente ko dito. Ang sakit nya ay sa dugo, isang uri ng bleeding disorder ang Blood Clot. A blood clot is a mass of blood that changes from liquid to a gel-like or semisolid state. Clotting is a necessary process that can prevent you from losing too much blood in certain instances, such as when you injure or cut yourself.


Blood clotting, or coagulation, is an important process that prevents excessive bleeding when a blood vessel is injured. Platelets (a type of blood cell) and proteins in your plasma (the liquid part of blood) work together to stop the bleeding by forming a clot over the injury. Alam ko lahat ang mga Blood disorders dahil ako ang chief department ng Hepatoma, sa dati kong pinapasukan.

Matapos kong i record ang mga nakuha kong vital signs ng isa kong pasyente ay lumipat naman ako sa katabi nito. Dahil sa ako ang second hand ng chief Jason na yun. Hayz! Buti na lang at hindi ko pa nasisilayan ang mukha nun. Pampasira lang sya ng araw at mood ko.

"Mukhang bago ka iha dito. Ngayon lang kasi kita nakita." may kahinaan ang pagkakasambit ni nanay sa akin. Ang Ward 21 A ay ward kung saan ang mga pasyente ay may malubhang sakit na walang pambayad. Ginagamot namin sila ng libre. Kadalasan ang mga nandito ay mga seniors.


Nginitian ko si nanay. Inilapag ko muna sa side ng kama nya ang clip board na pinagsusulatan kong mga result ng mga vital signs na chineck ko. Tinulungan kong makaupo sya hanggang sa magpantay kami.


"Tama po kayo, bago po ako dito...nung nakaraan lang po ako nakapasok dito pero ngayon lang po ako nagumpisa." Pagpapaliwanag ko. Nakikita ko kay nanay sa kanyang mukha na nanghihina sya.



"Kaya pala ay bago ka sa aking paningin." Muli, ay ngumiti sya sa akin. "Ngayon ay nakita na kita , hindi na kita makakalimutan. Sa ganda mong 'yan iha. Hahahaha" nakisabay ako sa kanya. Nakakatuwa si nanay, nagsasabi talaga sya ng totoo.


"Si nanay talaga! " napangiti ulit si nanay sa sinabi ko.


"Nako, totoo ang sinabi ko. Ikaw na ba ang magiging doctor namin dito? "


"Opo, bale ako po ang magchecheck sa inyo lagi. Mahirap na po kapag hindi ko ginawa ang trabaho ko. Patay po ako sa chief ko." Halos bulong ko lang na sinambit ang huli kong sinabi. Narinig ko naman ang pagtawa ni nanay.


"Iyong gwapo ba na nagchecheck sa amin madalas? "


"Opo. Nako! Buti hindi po kayo pinagsasalitaan ng masasakit nun. Alam nyo po yung feeling na parang sya lagi ang masusunod." Naibuhos ko ang hinanakit ko sa lalaking 'yon kay nanay. Sya na rin lang naman ang huli kong chinek kaya ayos lang na makipag usap muna ako sa pasyente ko.




"Baka ganoon lang ang kanyang ugali. Baka may prinisipyo syang ipinaglalaban kaya kung magsalita sya ay diretsahan. Pero , nakikita ko sa kanya na mabait sya." Nako. Nagkakamali ka dyan nanay. 'Yon mabait? Diyos ko patawarin nyo po ako.





"Nanay, mukha nya lang po ang mabait 'yong puso nya hindi po. Nako, sya lang naman po ang sumisira sa araw ko eh. Alam nyo po nanay, ngayon lang po ako sobrang nagagalit sa katrabaho ko. Noon po, hindi po ako nagsasabi ng masasakit na salita sa kapwa ko. Pero ngayon, parang aaraw arawin ko po." Bigla akong nakabahan ng pumasok si chief Jason! Seryoso ang kanyang mukha. Patay.




Narinig kong natawa si nanay. Si nanay naman kasi eh. Inopen nya pa kasi yung usapan na yun.






"Good morning chief! " ngumiti ako pero pilit lang 'yon. Pinagpepray ko na sana hindi nya narinig ang mga sinabi ko tungkol sa kanya.



Lumapit sya sa amin. Hindi ako nakatagal sa kanyang mga titig dahil masydo akong napapaso.


"Nakakalimutan mo ba na nasa trabaho ka? At kung gusto mo makipagchismisan doon ka sa labas." Ng marinig ko ang mga salitang 'yan mas lalo akong nairita . Mas lalo ko syang kinaiinisan. Ano ba sa tingin nya ako dito, isa rin akong doctor dito. Nagkataon lang na manager sya dito kaya iginagalang ko sya.




At bilang doctor may prinisipyo din akong ipinaglalaban . Mahalaga sa akin ang propesyon na ito at hindi ko hahayaan na mawala ito sa akin ng dahil lang sa pagpatol ko sa lalaking walang pakiramdam. Parang hindi tao . Manhid ba sya. Hindi nya ba alam na nakakasakit sya ng damdamin ng ibang tao.





"I'm sorry chief, tapos ko na rin naman i-check lahat. At- alam ko na nasa trabaho ako kaya hindi mo na rin ako kailangan pang sabihan ." Kinuha ko na ang clip board dahil pagkatapos naming mag-usap ay aalis na ako. Ayokong magtagal sa harap nya, baka kung ano magawa ko.






"Nako! Mga iho't iha. Tama na 'yan. Nagtanong lamang ako kung sya ba ang bagong doctor namin." Humarap sya kay chief.. buti na lang at nandito si nanay kungdi baka magkakaroon dito ng world war 3.





"Sa susunod po ay huwag na kayong makikipag usap sa mga taong madadaldal dahil mahahawa lang kayo. Kailangan nyo ng pahinga at huwag nyong pagurin ang sarili nyo sa wala namang kwentang paguusap."
Tumingin sya sa akin. Aba! Sa akin nya ba 'yon pinapatama? Arg! Mapapatay ko na talaga sya!





"Aba!" Pagkasabi ko nun ay bigla ba naman umalis! Bastos talaga.! Patience please!






"Alam mo, bagay kayo." Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni nanay. Sa sarili kong laway ako nabulunan.



"Nay, alam nyo po ba ang sinasabi ninyo? Nako... napakaimposible po nun. Kahit sya na lang ang lalaking natitira sa mundong 'to ayoko pa rin sa kanya. Never na mangyayari 'yon nanay. Never!" Matapos kong makipag usap sa kanya ay lumabas agad ako sa kwarto.





Pagkalabas ko ay sinundan ko ng matatalim na tingin ang Jason na yun! Ang sakit nya magsalita! Halos tumagos sa puso ko...ay hindi! Tumagos na pala. Hindi ko na napapansin ang mga nurse na bumabati sa akin dahil sa pagtitig ko sa jason na yun.



May araw din sya sa akin.


Doctor ParkWhere stories live. Discover now