18

1K 15 0
                                    

[He's not normal]

May kung anong bumabagabag sa aking isipan but I can't determine it! Damn! Binaba ni Chief Park ang kamay ko at kataka takang may malalim siyang iniisip.

Nakita ko rin ang pagbabago sa kaniyang reaksyon. Nakita kong nagtiim bagang siya and I'm curious what he's thinking. Ang hirap niyang basahin.

Bumababa ang aking paningin sa kaniyang mga kamao na handa ng manuntok at manapak. Anong kinagagalit niya? About ba 'to sa pagpatay kay professor Kim? Ngunit ang alam ko hindi naman sila close dahil hindi naman sila parehas ng pinapasukan na hospital. I tried to read him but some things were blurd and I can't see it clear. He's also strange. I don't know, but I feel it.

May kung ano siyang binulong pero hindi ko 'to naintindihan. Parang ang bilis lang ng mga pangyayari dahil wala na siya sa harapan ko and he is like a wind passed in front of me. Weird. Absolutely weird.

"Chief!" Tinawag ko siya pero huli na ang lahat. Nawala na siya sa paningin ko. Tinakpan ko na ng kumot ang bangkay at agad kumaripas ng takbo upang sundan ang walang modo kong chief. Aalis pala siya, hindi siya nagpaalam. Walang modo talaga yung taong yun.

Hingal na hingal akong nakadating sa parking lot at sakto naman nun ang pagharurot ng sasakyan ni Jason paalis dito...

At saan naman yun pupunta? G*go din yun eh. Tsss.. wait! I realize that sinundan ko siya? Wait! Bakit ko nga ba siya sinundan ? What reason , lendrein? Answer me!? Stupid me. Napailing na lamang ako sa sarili ko dahil nagpagod lang ako para habulin siya.

Pagkadating ko sa may hallway ng children ward ay nakita ko doon si angie. Nilapitan ko siya. Malungkot pa rin ang kaniyang mukha. Syempre ay nakaapekto 'to sa kaniya maging sa akin dahil biglaan ang pagkamatay ni professor.

"Alam na ba ng pamilya ni professor Kim ang nangyari sa kaniya?" Sabay kaming naglakad papunta ulit sa morgue.

"Oo, nang natagpuan ng mga pulisya ang bangkay niya ay ibinigay alam ka agad ito sa pamilya ni professor." Diretso ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.

Doon nga ay nakita ko ang nagluluksa at nag-iiiyak na mga naiwan ni professor. Hindi ko napigilang maluha dahil kung ako ang nasa kalagayan nila ay ganoon din ang gagawin at mararamdaman ko, hindi ko rin 'yon matatanggap at sobrang malulungkot ako dahil nawala ang isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko.

Narinig kong humikbi si angie. Hindi ko siya masisisi dahil magkaibigan silang dalawa. Dinaluhan ko siya, I caress her back to feel her comfortable.

***

Someone's POV

Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Jason sa kaniyang sasakyan at walang pakialam ito kung mahuli man siya dahil gusto niyang makarating ka agad sa kaniyang pakay, At ito ang pagbayaran sila sa ginawa nilang pagpatay sa isang propesyonal na doctor.

Isang liblib at madamong lugar ang pinaghintuan ng sasakyan ni Jason at sa kabilang banda ay may naghihintay sa kaniyang ilang grupo ng mga Vizca o tinatawag nating mga Imortal, mga Bampira. Nandoon din ang lalaking nakipag-usap at nagpunta kay jason nung nakaraang araw.

Pabagsak na isinara ni Jason ang sasakyan at halos mangalit 'to sa galit dahil alam niya na sila ang gumawa ng pagpatay, at ito'y paraan upang ipamukha nila kay jason kung ano ang kaya nilang gawin kung kumalas ito sa kanilang angkan.

Walang sinayang na oras si Jason at agad ay may sumugod na tatlo sa kaniya. Agad niya 'tong napatumba at sumunod ang pangalawang grupo. Medyo malakas ang mga 'to kaya medyo napuruhan si Jason pero napatumba niya din 'to kahit na nanghihina na siya. Sumunod ang dalawang lalaki na nakahood. Dahil sa kaniyang angking kalakasan at kakayahan ay napatumba din niya ang mga 'to.

Doctor ParkWhere stories live. Discover now