Bahagya akong nagulat sa tanong niya. Iba ang dating sa pandinig ko. Sabihan mo na 'kong assumera but that's how I feel. Gusto 'kong isagot agad ang 'yes' pero nakakahiya naman kung magiging mabilis ang sagot ko. Baka masyadong maging halata na nagugustuhan ko na siya.

Tumikhim ako, "Where?"

"In my paradise."

What?

"Pag-isipan mo. If you want to know more about me and if you have some questions to ask, feel free to ask me. I'll take you with no hesitation."

Matapos niyang bitawan ang salitang 'yon ay tumalikod na siya't walang paalam na umalis. Napahawak agad ako sa dibdib kong malakas pa rin ang kabog.

Pakiramdam ko paulit-ulit na naglalaro ang malamig niyang tinig sa tenga ko. Kinakabahan ako-- not in a way na nakakatakot but in a way na parang nae-excite. Damn it!

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip at pagpapa-kalma sa nararamdaman ko ay lumabas na ako ng kwarto nang biglang harangin ako ng isang nurse.

"Ma'am, okay na po ba kayo?"

Tumango ako, "I'm going out."

"Pero ma'am hindi ba kasama niyo ang isa pa sa naka-kwarto sa room 204?"

Natigil ako at napalingon sa kan'ya. Room 204?

"Who?"

"Yes ma'am. Kasama niyo daw po ito. Wait," tinignan niya ang hawak na clip board, "Si Mr. Grey Falcon, ma'am."

He's alive!

Mabilis akong nagpunta ng room 204 at pinasok yun. Natutuwa ako. Akala ko wala na siya kaya naman ganito na lang ang tuwa ko. Alam kong uma-attitude ako sa kan'ya pero hindi sa paraang gusto ko siyang mawala.

Pagdating ko ro'n, tulog pa rin siya at ang daming nakakabit sa kan'ya pero nevertheless, atleast he's alive.

"G-Grey..." I whispered.

Naramdaman kong sumunod ang kausap kong nurse at tumabi sa 'kin.

"How is he?" tanong ko habang nakatingin pa rin kay Grey.

"Stable na siya ma'am, mabuti na lang po nadala agad siya ng ospital. In anytime maaaring magising na siya," paliwanag nito.

Nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi niya. Pero teka, ba't wala akong maalala kanina nang dumating ng ospital? Nagising na lang ako nasa hospital bed na.

"Who take him here?" takang tanong ko.

"Yung gwapong nakaitim na jacket ma'am. Una ka niyang dinala kasunod niya," baling nito kay Grey. "Ang bilis nga niya eh, nakakamangha," Nakangiting ani pa nito.

Psh. I know right.

"Sige ma'am, tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan kayo," tumango ako at saka na siya umalis.

Hindi ko maalis ang paningin ko kay Grey. Nakakaawa ang lagay niya. Hanggang sa bigla kong naalala si Lindon. Agad kong kinapa ang bulsa ko pero wala akong makapang bulsa. Shit! Naka-pajamas pa ako! 'Yung cellphone ko naiwan ko sa unit. Damn it!

"I'll be back," sambit ko kay Grey kahit alam ko namang 'di niya ako naririnig saka ako umalis at madaling nagpunta sa front desk.

"Yes ma'am---"

"Hand me the phone!" natatarantang sabi ko sa nurse pero mukha siyang nagulat, "Miss hand me the phone! May tatawagan lang ako!"

Nakakainis na parang gusto niya pa akong interviewhin kahit na mukha na akong nagmamadali. My God! Lindon's unconcious if I remember correctly and he's bleeding!

CRIMINAL [Under Major Editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora