Message 3

9.9K 284 22
                                    

Niyakap ko ang makapal na comforter na binigay niya sakin. Muli akong bumahin at tumingala. Nandito ako ngayon sa fireplace niya at nakaharap sa apoy para mainitan.

Sa totoo lang sobrang ganda ng suite niya, pang mayaman talaga ang dating. May pagka unique ang design at sobrang linis. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano at bakit napunta dito si Shin. Matapos kasi niyang gumraduate ay hindi ko alam kung saan siya nag college. Hindi rin naman kami sobrang close para magpaalam siya sakin.

Back then, wala talaga akong pakialam sa sarili ko. Sobrang wasted.

"Here, drink this." inabot ko ang isang tasa na may mainit na kape.

"Kape to?" paninigurado ko.

"Tingin mo? Coke?" nginusuan ko lang siya at inabot pabalik.

"Hindi ako makakatulog pag nakakainom ako niyan. Sorry." ngumiwi siya at bumuntong hininga.

"Ang sensitive naman." komento niya. Hinigop niya ang kape at nilapag sa lamesa. "Titimpla lang kita ng hot chocolate." napangiti ako at tumango.

"Salamat." sabi ko bago siya umalis.

"Alam mo hindi ka na dapat pumunta dito. Masyado ka kasing lulong sa pag ibig." iling iling na sabi niya.

Mapait akong ngumiti at tumitig sa kanya. Mabuti pa siya walang problema sa buhay.

Wala naman gaanong pinagbago si Shin. Ganon padin ang ugali at ang pangagatawan niya. Pati features ng mukha niya, parang hindi tumanda at lalong gumwapo tingnan. Humaba din ang buhok niya, nakataas ito kanina pero dahil nabasa kami bumagsak ito at nagmukha tuloy siyang inosente.

Gwapo din ang isang to eh.

"Naka ilang rounds na tayo sa imagination mo?" agad akong natauhan nang marealize kong nasa harap ko na pala siya at may hawak na isang tasa ng hot chocolate. Mabilis ko itong tinanggap pero agad akong namula nang nag sink in sakin ang tanong niya.

"H-Hoy! A-Anong rounds pinagsasabi mo diyan.." yumuko ako at humigop ng hot chocolate. "Baliw."

Ngumisi lang ito na lalong nagpahubog ng cheekbones niya. Kung hindi ko siguro siya kaibigan at wala akong gusto kay Louie. Crush na crush ko siya. "Stop staring at me. You really cant get enough of my face do you?" sinamaan ko lang siya ng tingin at muling humigop. "Crush mo talaga ako noh?"

"Ewan ko sayo. Bakit ka pala nandito sa America? Anong ginagawa mo dito?" pag iiba ko ng tanong.

At bakit sa lahat pa ng hotel dito pa kung nasaan si Louie? Bakit?

Oo, bumalik ako dito kung saan ako nagpunta kanina. Nakita ko pa nga ang receptionist at halatang gulat siya, nginitian ko nalang siya. Kung magkikita man kami ni Louie, goodluck nalang.

"One year na ako dito. After kasi ng graduation pumunta ako ng Canada, nagkasakit kasi ang lola ko kaya ako muna nagbabantay sa kanya habang nag aaral ako." paliwanag nito.

Mabuti nalang at straight parin ang tagalog niya. I felt relieved.

"Then nang maayos na si lola pumunta ako dito. Nag aaral akong mabuti dito ngayon." napatango ako at napangiti.

Wow. Laki ng pinagbago.

"Hindi ka na gangster?" nakangiting tanong ko.

Ngumiti din siya ng malaki. "Hindi na." mabuti naman. "Member nalang ako ng fraternity." agad bumagsak ang ngiti ko at napalunok.

"B-Bakit? Akala ko nagbagong buhay kana!" tumawa siya.

"Hindi ibig sabihin nasa America ako hindi parin ako miyembro ng gang ni Louie. Hindi mawawala iyon, unless binuwag na ni Louie. Hindi naman. So ganun parin." huminga ako ng malalim sa narinig ko.

Iba parin talaga pag naririnig ang pangalan niya.

"Ikaw? Ano nangyari sayo? Feeling mo ba nag fifilm ka ng music video kanina? Umiiyak ka pa sa ulan." binaba ko ang hawak kong tasa at humarap sa kanya.

"Pumunta ako dito, p-para makita si Louie. Panigurado nagkikita kayo diba? Kasi dito rin siya naka check-in." tumikhim ito at nagkamot ng batok. "Pagkatapos ng nangyari two years ago wala na akong balita sa kanya. Im sure may alam ka diba?"

"I dont know. Wala na akong balita sa kanya after niyang pumunta dito sa states. I didn't even know that he also lives here." kumunot ang noo ko.

"P-Pero imposibleng hindi kayo nagkita. Naaalala niya ang lahat bukod sakin diba? Ibig sabihin kilala ka niya.." binasa niya ang labi niya at seryosong tumingin sakin.

"Yes. He knows me, pero hindi na niya ako pinapansin." kibit balikat na sabi niya. "Pag nagkakasabay nga kami sa elevator hindi niya ako kinakausap. Ang weird nga, sinubukan ko siyang kausapin kaso hindi naman ako pinansin." bagot na sabi nito.

"Wala man lang ba siyang nabanggit tungkol sakin?" kailangan ko ng sagot. Kahit sa kanya lang galing. "Meron ba?"

"You know, you should talk to him instead. Hindi ko masasagot iyan dahil hindi ako si Louie." napaawang ang bibig ko ng tumayo ito.

Gaano ba kalaki ang pinagbago niya? Talaga bang tuluyan na niya akong nakalimutan? Nakagat ko ang labi ko sa pag iisip na baka tama nga ang hinala ko.

Niyakap ko ang comforter na nasa katawan ko at pinagdikit ang palad ko at bumuga ng hangin. "Ganito ba talaga dito kapag winter?" tanong ko.

Bigla siyang tumawa. "Summer ngayon dito, kapag gabi lang talaga malamig. Hindi nag wi-winter dito kapag April, engot." iling iling na sabi niya.

"Sorry naman diba? Hindi naman ako taga dito." ngumuso ako at umirap.

"Tara na, sa guest room ka matulog." tumayo din ako at pinigilan ang braso niya.

"Hindi na ba niya ako naalala?" tinitigan niya muna ako bago hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang kwarto na sinasabi niya.

Ramdam ko na iniiwasan niya ang topic nayon. Hindi ko alam kung bakit. Handa naman akong tanggapin lahat ng sasabihin niya sakin.

Tumigil kami sa harap ng isang pintuan. "Ikalma mo muna yang isip mo at pagpahingahin mo ang katawan mo." ngumiti ito at binuksan ang pinto. "Sleep. Its already 3 am. May klase pa ako bukas." nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya.

Bakit ayaw niya akong sagutin? Bigyan niya naman ako ng sagot kahit isa lang.

"What? Alas tres na oh, uso pa naman devil hour dito. Gusto mo bang ma 'Texas Chainsaw Massacre'?" huminga ako ng malalim at hinawakan ang pintuan papasok.

"Wala naman tayo sa Texas, nasa Washington tayo." matamlay na sabi ko. "Goodnight." sabi ko bago sinara ang pintuan.

"I know! Joke lang yun." sigaw pa nito.

Humiga ako ng kama at humarap sa kisame.

Sobrang lungkot naman.

Parang gusto ko ng umuwi sa Pilipinas. Pakiramdam ko wala naman mangyayari eh. Hinilot ko ang ulo ko at pumikit.

Bukas na bukas din. Maguusap tayo Louie Ramirez.

--

Vote and Comment :)

IAMTB (Book 2) : Missing the BADBOY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon