Message 2

9.7K 303 28
                                    

Umupo muna ako sa waiting area at hinihintay ang sinabi ng receptionist na tatawagan daw muna nila si Louie at i-inform na may bisita daw siya. Which is ako.

Kinakabahan talaga ako. Namumuo na yung pawis ko kahit kanina pa ako halos ubuhin sa lamig. Medyo manipis lang kasi ang suot kong jacket, hindi ko naman kasi alam na mag winter na pala sa Washington. Sana lang ay makatulog ako ng maayos ngayong gabi.

"Ma'am? Im sorry but his girlfriend said that Mr. Ramirez is not in his suite." napalunok ako doon at parang may malamig na dumaan sa batok ko.

Kinagat ko ang labi ko at pilit siyang nginitian. "Thank you miss. Sorry for the inconvenience." yumuko ako at tumalikod.

Kanina pa ako naghihintay iyon lang pala ang maririnig ko. Mukhang matutulog ako nito sa labas.

"You can go in his suite instead, his girlfriend is there." parang sinabi ng babae na maglaslas na ako. Ipamukha pa na may girlfriend si Louie. Gusto niya yatang magkaroon ng away eh. Malamang pag nakita ako ng Molina nayon baka ano pang mangyari.

"No thank you. Im fine." sabi ko ulit at nagpatuloy na sa paglalakad nang magsalita ulit siya.

"But its already midnight and the streets here are very dangerous." napangiti ako kahit papaano sa concern ng receptionist. "Its not good for a lady like you to walk alone outside in the middle of the night. You can stay here ma'am." nginitian ko siya na parang okay lang ang lahat.

"Im fine but can I ask a question?" tanong ko. "Do they live together? I-I mean, he and h-his girlfriend." binasa ko ang labi ko at simpleng lumunok.

Nakita kong bahagyang umawang ang bibig niya, pakiramdam ko kuha na niya ang sitwasyon. "No. But the girl goes here very often." tumango ako.

Iyon lang muna ang kailangan kong malaman. "Thank you. Dont worry I'm fine." ngumiti pa ako ng huling beses bago lumabas ng hotel.

Halos manginig ako sa ihip ng hangin na bumungad sakin paglabas. As in. Literal na mas malamig pa sa Baguio. Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig. Simple akong natuwa ng makitang umuusok ang bibig ko.

Ang cool.

Hinila ko ang maleta ko at binuhat ang isang bag ko. Mabuti nalang at hindi mabigat ang mga ito kung hindi baka iwan ko nalang ito sa loob kung pwede.

Umubo ako at bumahin. Magkakatrangkaso pa yata ako dito. Sa totoo lang wala pa akong maayos na tulog dahil sa haba ng byahe. Hindi ako makatulog kasi iniisip ko na ang mga mangyayari pag dating ko dito. Kung paano kami magkikita, kung anong unang sasabihin ko at mga gagawin ko sa kanya. Hindi ako nakapagisip ng maganda, lahat yata ng naisip ko ay kabaligtaran ng gusto kong mangyari. Masyadong tragic na sobrang sakit sa ulo.

Tumingin ako sa paligid at sobrang tahimik na halos wala na ngang dumadaan na mga sasakyan. Napalayo na ako sa hotel kaya hindi ko na alam ang daan na ito. Sobrang nakakatakot lalo na kapag humahampas na mga puno na akala mo may tao o ano.

Saglit akong napaupo dahil hindi na kaya ng paa ko dahil sumasakit na.

Tama nga ba? Tama nga ba ang desisyon ko na makita siya? Hindi naman ako nagsisisi, baka kasi nag sasayang lang ako ng oras ko dito dahil wala naman na talagang pag-asa. Na hindi talaga kami. Na isa nalang ako sa mga ex niya. Isang nakaraan.

Pinunasan ko ang luhang kanina pa pala tumutulo. Nakakaiyak naman. Mag isa na nga, wala pang matuluyan.

Yumuko ako at niyakap ang dalawa kong tuhod.

Muli akong umubo at suminghot. Niyakap ko din ang sarili ko at pumikit. Pakiramdam ko walang tutulong sakin. Dinukot ko ang phone ko at sa sobrang inis ko sinuksok ko ito sa ilalim ng bag. Bakit ngayon pa na lowbat? Ganda ng timing talaga.

Napapadyak ako sa inis at muling umiyak. "Bakit ang malas ko?" sa tanong kong iyon saktong bumuhos ang napakalamig na ulan.

Nasa gilid ako ng kalsada at ang tanging masisilungan ko lang ay pumasok sa gubat kung saan puro na talahib. Ayoko nga, mamaya may bampira at mga wolves pa diyan. Buti sana kung kasing gwapo ni Edward Cullen ang aabduct sakin eh baka mga gorilla ang kukuha sakin.

"Ang malas ko talaga.." umiyak ako ng malakas at sumabay sa ulan dahil alam ko rin namang walang makakarinig sakin.

Niyakap ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Sobrang lamig na talaga. Hindi ko kaya ang ganitong lamig. Mabuti pa ang mga bag ko, hindi basta nababasa.

Ngayon lang tumama sakin ang sinabi ng receptionist kanina. Pumupunta doon ang girlfriend niya ng madalas? Para ano? Bakit? Sa pagkakaalam ko ayaw na ayaw niya na may pumupunta sa bahay niya. Ganon na ba kaespesyal ang babae nayon? Anong relasyon ba meron sila? Paano ako? Nakalimutan na ba niya ako?

Nanikip ang dibdib ko at muling umiyak. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko na kahit anong pag cheer up sakin ng utak ko, siya naman sakit ng puso ko. Minsan nakakatanga talaga pag pinapairal ang puso. Kinokontrol ka at wala kang magagawa dahil iyon ang nararamdaman mo.

Yumuko ako at pilit na niyayakap ang tuhod ko. Basang basa na ako at kung titingnan para na akong basang sisiw sa gilid ng kalsada. Nanlalabo nadin ang paningin ko at alam kong hindi lang iyon dahil sa pag iyak ko. Nahihilo nadin ako.

Natigilan ako ng makarinig ako ng mga yapak na papalapit sa direksyon ko. Humigpit ang yakap ko sa sarili ko. Nakaramdam ako ng takot. Tumigil ang yapak nayon at nakita ko nalang ang isang itim na pares ng sapatos sa harap ko. Naramdaman ko ang pagtigil ng patak ng ulan sa katawan ko.

Nanginginig kong inangat ang ulo ko at inaninag ang taong iyon. May hawak itong payong at nakatapat sakin. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan siya ng mabuti. Dahan dahan akong tumayo hanggang sa nakita ko na kung sino siya.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. "S-Shin?" nabigo ang isang parte sakin na hindi iyon ang taong inaasahan ko.

"Tss. Akala mo si Louie? Hindi sa lahat ng oras nandito ang knight in shining armor mo." hindi ko alam kung bakit ako lalong naiyak.

Siguro dahil sobrang thankful ko na nandito siya ngayon. Akala ko buong magdamag ako dito sa tabi ng kalsada, akala ko wala ng tutulong sakin.

"Hold this." nanginginig kong hinawakan ang inabot niyang payong.

Hinubad niya ang jacket niya at pinatong sakin. Kinuha niya payong at hinawakan ako sa balikat. "Let's go."

"T-Teka yung gamit ko." saglit niyang nilingon ang mga gamit ko.

"Papasok muna kita sa kotse, mukha kang basang sisiw." sabay kaming naglakad at pumunta sa kotse niya. Tanging ang kotse niya lang ang nakikita kong sasakyan ngayon. Wala talagang dumadaan na mga sasakyan.

Inalalayan niya akong pumasok sa passenger seat at tumakbo para kunin ang maleta at bag ko.

Pumasok siya na medyo magulo ang buhok at basa. "S-Salamat Shin ha.." bumaling siya sakin at ngumisi.

"Huwag kang umiyak diyan. Napaghahalataan kang masyado mo akong namiss." tumawa ako at pinunasan ang luha ko. "Sabi na nga ba may gusto ka parin sakin hanggang ngayon." pinaandar nito ang sasakyan at niliko pabalik. "Hirap talaga pag pogi."

Hindi pumasok sa isip ko na si Shin ang unang taong makikilala ko dito sa America. Sobrang thankful ko talaga.

He saved me from this night.

--

Shin ⬆⬆ ❤

Vote and Comment :)

IAMTB (Book 2) : Missing the BADBOY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon