Prelude Message

13.7K 364 42
                                    

Wonder Pets

Mika: Guys! Omg! Nabalitaan niyo? Engaged na daw si Louie!! My gash hampas lupa ang chararat na lalaking iyon! 😡😡

Annett: No! Hindi tuloy! Hindi siya payag na magpakasal kay Molina 😕

typing...

Aika: Anong oras ba kayo pupunta dito sa bahay?

Mika: Haay nako beshy. Wag ka ng umasa doon huh? Move on na sis! Doon kana kay papa Jake 😍😁

Annett: Still AiCo noh ❤

Mika: AiCo? Aika and Zico? Duh! Mas bet ko ang IzKa 😛

Annett: Pangit pakinggan. AiCo is dabest.

Aika: PUPUNTA BA KAYO SA BAHAY KO O ANO?!!

Mika: Sunget naman. Eto na!

Annett: Otw na me.

Bumangon ako sa kama at naghilamos. Tumingin ako sa harap ng salamin. "Hindi ka na dapat affected Aika. Mag move on kana okay? Wag ka ngang tanga." kinakausap ko ang sarili ko na parang baliw sa harap ng salamin.

Pinunasan ko ang mukha ko at bumaba para kumain.

"Beshyy!" pasigaw na pumasok si Mika sa kusina. "Good morning!"

"Hi Aiks!" kasunod niya si Annett na diretsong umupo sa sofa. "Haayy! Sarap mag Bora. What do you think?" nakangiting sabi niya.

Sumimangot naman si Mika. "Laspag na ang Boracay. Sa ibang beach naman." inirapan lang siya ni Annett.

"Dabest parin ang Boracay noh!" umiling nalang ako at kumain kesa panoorin silang mag away.

"Sa Mantigue Island! Sa Camiguin, I've been there before and sobrang ganda. If ikukumpara ko iyon sa Bora, I'll choose Mantigue." masayang sambit ni Mika.

"Malayo ba iyon?" tanong ni Annett.

"Medyo. Pero worth it naman! Ano game?" naramdaman kong tinapik ako ni Mika. Nilingon ko siya na ngayon ay nakangiti ng sobrang laki. "Game ka?" uminom muna ako ng tubig bago magsalita.

"Hindi pwede. Mag aapply ako bilang intern sa kompanya ni Jake, para makaipon ako ngayong bakasyon." apologetic akong ngumiti. "Palibhasa kasi mga graduate na kayo kaya wala na kayong problema."

College na silang dalawa sa pasukan. Ako? Highschool padin in 12th grade. Bumagsak kasi ako dahil andami kong absent at mga kulang na projects.

"So kasalanan namin? Naku naman kasi besh! Two years ago puro bulakbol lang ginawa mo with Louie--" natahimik siya agad at pilit na tumawa. "Hehe. Sorry." tumawa lang ako sa reaksiyon niya.

"Hindi mo ba siya namiss after all these years?" natigilan ako sa tanong niya. Kinuha ko ulit ang tubig sa mesa at diretsong ininom.

Kung alam niya lang.

"Duh! Paano naman niya mamimiss iyon eh hindi na nga siya naalala. But wait, dont you think that's very weird? I mean sa mga movies months lang umaabot ang amnesia at nakakaalala na." sabat ni Mika.

"I don't think so. I heard na rare case ang kay Louie, and to think na after ng accident pinalipad agad siya ng America, so wala ng oras para bumalik ang memories niya for Aika. Para bumalik ang ala-ala niya dapat lagi niyang nakikita at nakakasama yung taong nakalimutan niya." napalunok ako at pilit inaayos ang expression ko.

"Pero at least diba? Two years? Wala ni isang text or chat man lang? Kahit ba isang beses hindi talaga niya naalala si Aika? He's so unfair!" bumuga ako ng hangin at tumingin sa kanilang dalawa.

"Andito pa ako oh. Kung makapag usap kayo para akong bato dito. Tch." inis kong tinusok ang hotdog at kinain. "At kuhanin niyo na yung mga paintings sa taas. Aalis nadin kasi ako at didiretso kila mama." nagtinginan muna sila at madaling lumapit sakin si Annett.

"Aiks. May surprise kami sayo." bulong niya. "Kunin mo sa bag dali." napanguso ako sa inasta nila.

Ano naman kaya ang meron?

"Chenen!" pinakita ni Mika sakin ang isang pahabang white envelope. Kununot ang noo ko at tiningnan silang dalawa na kumikinang ang mata. "Kasi naman besh. Feel namin talaga na miss mo na siya, try mo lang. Baka malay mo may chance." nakangiting sabi ni Mika.

"Ano ba kasi iyan?" takang tanong ko.

"Plane ticket papuntang U.S" nanlaki ang mata ko at napasigaw sa sinabi nila.

"Ano?! Anong gagawin ko diyan?" bigla akong kinabahan.

Kung gusto nilang pumunta ako ng states ayoko nga. Ano ako baliw? Anong gagawin ko doon? Maghahabol? Ugh.

"Kainin mo te." sarkastikong sagot ni Mika.

"Aiks. Alam ko namimiss mo si Louie, eto na yun oh. Nandito na yung sagot para mahanap mo yung closure na sinasabi mo. Malay mo may dahilan kung bakit hindi ka niya nacontact. Kahit pinsan ko iyon wala akong balita sa kanya dahil hindi naman kami close. Kaya sige na.." huminga ako ng malalim at tumayo.

Nilagay ko ang pinagkainan ko sa lababo at umupo sa sofa. "Pero diba wala na ngang chance? May fiance na siya." kinagat ko ang labi ko at yumuko.

"Hindi nga siya pumayag sa engagement na yun!" sabat ni Annett. "Pumayag kana kasi Aiks."

"Oo nga besh! Pag hindi ka pa naaalala iuntog mo doon sa Liberty yung sa New York yung may nakataas na ano bayun? Yung statwa basta!" napailing nalang kami.

"Tumigil ka nga dyan. Ang ingay mo." saway ni Annett at tumingin sakin. "So what's your decision?"

"Aba! Paulit ulit akong sumali ng raffle para makuha yang trip to US na ticket nayan kaya gora na!" napangiti ako sa kanilang dalawa.

Sige, subukan natin Aika.

"Sige na nga.." bulong ko. "Eh pero paano pala iyan? Paano iyong trabaho ko?"

"Madali lang iyan! May pinsan ako sa states, siya na ang bahala sayo." ngumiti ako at tumango. Hindi ko matago ang saya na nararamdaman ko.

Last na talaga itong pagpapakatanga ko. Kung alam kong wala na talaga, titigil na ako at hindi na manggugulo. Wala naman masama kung itatry ko diba?

Kahit hindi ako sure sa anong mangyayari nakakaramdam parin ako ng excitement. Sana lang talaga naalala na niya ako.

Malay mo may chance..

Malay mo ako parin..

--

Vote and Comment :)

IAMTB (Book 2) : Missing the BADBOY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon