Chapter 49: Challenger

Start from the beginning
                                    

Kahit sabihin kong tanggap ko na 'tong kapangyarihan ko, still I'm scared.

Natatakot ako kung hanggang saan kakayanin ng katawan ko na kontrolin ang halimaw sa loob ko. A monstrous power na kahit ako kinakatakutan ko.

"Ma'am nandito na po tayo." sabi ng driver.

I handed him some cash and a scarf. Halatang gulat ang reaksyon nya.

"M-ma'am sobra—

"You can give it to your daughter. Take care of it." sabi ko at lumabas na ng taxi.

I was acting selfish once again. I wonder how it will turn out once he handed that scarf to her daughter.

Naglakad lang ako ng konti hanggang sa narating ko na ang gate ng bahay namin. This may be the last time na makikita ko ito.

I sighed. I haven't enjoyed my youth yet to the fullest. I still want to experience how is it like to be an adult. At kung ano ang pakiramdam na maging independent.

Kaso mukhang sa imagination ko nalang yun.

Napangiti ako ng mapait at humakbang papasok ng gate. The maids greeted me habang naglalakad ako. Wala paring pinagbago ang bahay. Maging ang mga tao dito na tumutulong kina dad. Ganon parin ito mag mula nang umalis ako dito a year ago I think.

Time sure is fast.

"SHEA!" sinalubong ako ni mama with a tear in her eye at mahigpit akong niyakap.

I hugged her back na parang ayaw ko na rin syang bitawan.

"Mom..."

Parang bumabalik ako sa pagiging bata. A child who is clinging in her mother's arms at nag mamakaawang wag syang bibitawan nito.

"Namiss kita." sabi nya.

This day sure is dramatic.

"Tumaba ka ma. Pinapakain ka nga talaga ni dad ng mabuti." bungad ko as soon as nag hiwalay kami.

She chuckled, "Aba oo naman! Kamusta ka na? Kumakain ka ba dun ng maayos? Binubully ka parin ba nila? May nananakit pa ba sa 'yo? Anong mga ginagawa mo dun palagi? Nagkasakit ka ba? May nagkakagusto na ba sayo? Meron—

"Mom." I cut her off.

"I'm fine. You don't need to worry about me. See? I'm healthy. Sorry ma if ngayon lang ako nakabisita dito. School is busy you know."

Nakatitig lang sya sa 'kin at bigla na namang umiyak, "Waaah anak ko! Namiss ka lang talaga ni mama. Kung pwede nga lang itali nalang kita sa poste dito para di ka na bumalik dun eh. Kaso alam ko naman na di tatalab yun sa 'yo tapos pagagalitan pa ako ng daddy mo. Dito ka nalang ulit mag-aral anak."

My mom sure is childish. She's the one who sent me to Myrrh Academy at ngayon iiyak-iyak sya. I'm gonna miss this side of her.

"You're right ma. Kung pwede nga lang di na bumalik dun eh." bulong ko.

"Ano yun anak?"

"Nothing."

Umupo ako sa couch at nilagay ang bag na dala-dala ko.

"Where's dad?"

"Nasa office pa anak. Pero tinawagan ko na sya. Ang sabi nya pauwi na daw. Hihi miss ka na rin ng daddy mo."

I smiled and opened my bag, "I brought some things and some of my clothes. Here, for you and dad." May inabot akong singsing sa kanya.

"Di pwede na wedding ring lang ang sa inyo. You're the parents of a Queen so you must be extra special. Wear it always."

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now