Chapter 41: Whole Day Mishaps

6.5K 359 106
                                    

Whole Day Mishaps

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Whole Day Mishaps

I looked at my reflection on the mirror. Tumalikod ako saka sinilip ang flower braid na ginawa ko sa aking buhok. I smiled to myself because I got the look I just exactly want. Kinuha ko ang gray chain shoulder bag ko at sinabit iyon sa aking balikat saka umalis na ng dorm. Sinadya kong dito matulog kagabi dahil first period namin ang pinakapaborito kong guro sa German Language at ang aming Homeroom teacher. Ayoko na kasing malate at baka maging google translator na naman ako ng wala sa oras kaya nagtiis talaga ako sa nakakairitang mukha ni Winona.

Pagdating ko ng classroom ay walang lingon o ni tapon man lang ng tingin akong ginawa sa banda ni Wren saka dire-diretsong nagtungo sa pinakalikuran.

"Paeng, dun ka na." Utos ko sa katabi ni Tobbie sa pinakalikurang hanay. Mula sa paglalaro ng bola sa kamay niya ay umayos ng upo si Paeng at nang-aasar akong nginitian.

"Ilang araw ka ng dito umuupo ah. LQ parin kayo ng crush mo?" Tanong niya sabay nguso kay Wren. Maya-maya pa'y nagtawanan sila ng lintek kong bespren at naghigh five pa.

"Ha-ha nice joke. Lumipat ka na ron dali." Mataray kong sagot sa kanya habang nanatili paring nakatayo sa harap niya. He sighed, an outward sign and admission of defeat, and that means I won.

Tumayo na siya at naglakad papunta sa upuan ko kaya ibinaba ko ang mga hawak kong libro sa desk niya saka naupo narin ako sa dapat sana'y upuan niya. Naabutan ko ang malungkot na mga mata ni Wren na nakatitig sa akin. He's sad because he feels sorry for me and not because of reasons I want to think that he does. Isinentro ko ang tingin ko sa harap dahil hindi lang siya ang problema ko sa ngayon. Nag-iisip din ako ng palusot kung sakaling malaman ni Professor Vayrus na hindi ko sinunod ang seating arrangement.

"Uy! Balita ko ngayon daw papasok ang bagong kaklase natin na galing sa Romania."

"Talaga? Lalaki ba o babae?"

"Lalaki raw."

Tumaas naman ang kilay ko habang sinasagap ang mga chismis sa paligid. My female classmates feel excited for something I don't know samantalang normal lang naman yong mga lalaki na nagpapayabang ng kung anu-ano tungkol sa basketball.

"Taki." Kinalabit ko siya na nasa unahan ko kaya napalingon siya sa akin.

"Ano yon Coco?"

Lumapit ako sa kanya para mas magkausap kami ng maayos.

"May bago tayong classmate?" Tumango naman siya.

"Pwede ba yon? E ilang linggo na ring nagsisimula ang second sem ah."

"Ewan ko nga e. Siguro sobrang yaman nun kaya pinayagang lumipat dito." Sa bagay. This is a private institution after all. Tumango-tango ako at napaayos na ng upo ng pumasok na si Professor Vayrus. Ganoon din ang ginawa ng iba ko pang mga kaklase.

Mystic Club: The Paranormal DetectivesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin