Epilogue

1.5K 45 2
                                    

After Ten Years....

Graduated na kaming lahat at kanya-kanya na kaming mundong ginagalawan.

Si Brianne ay isa na siyang sikat na Artista, yeah nag artista siya at take note, Hollywood actress ang Lola niyo at saka may good news ako, mag asawa na sila ni Russel at may isang anak na tatlong taong gulang na. Si Althea naman ayun hanggang ngayon ay single parin, mukhang tatanda na ngang dalaga eh, at saka busy siya ngayon sa pag papalago ng business nila, nakapag tapos siya sa kursong BSBA kaya ayan. Si Francis? Aba! Ewan ko dun de joke lang, isa na siyang architect, actually nag plano siya para sa magiging bahay namin, at ako? hmm isa lang naman akong Flight Attendant na may sariling airport.

Sa sampung taon na yun ay maraming nag bago although may nakikita pa akong reapers ay parang wala na iyon sa akin, nasanay na ako. Oo nag bago ang lahat ngunit hindi nag babago ang pag kakaibigan namin.

Ito na ata ang pinakamahalagang regalo sa akin ng Panginoon, ang mag karoon ng magandang buhay at mga kaibigan na hinding-hindi ako iiwan.

"Mommy kuya is so bad he take out the clothes of my barbie" napatingin ako sa tatlong taong gulang kong bunso, si Sandy Franciane(Fransiyayne) Gonzales.

"Whatever" yun naman ang panganay kong nag mana kay Francis sa kasungitan, his name is Maddy Dale Gonzales, ayaw niyang tinatawag siyang Maddy dahil parang pang babae daw kaya Dale ang tawag namin.

"Dale huwag mo namang inaaway yang kapatid mo, sige ka mawawala si baby na nandito sa tiyan ni mommy" nakapout na sabi ko, tama kayo ng iniisip, buntis ako at kabuwanan ko na ngayon.

"Okay mom" napapout rin siya, ang cute, lalake kasi itong susunod na baby namin kaya ganun nalang siya kaalaga sa akin.

Habang binabantayan ko sila sa pag lalaro ay napa-isip ako, si Liam nga pala, kaya siya naging kalahating deypse ay dahil mag kapatid sila ni Francis, we found out na pinaghiwalay daw sila noon kaya ayun, at saka hindi na namin pinoproblema iyon dahil nakamove on na kami.

About sa Aviana, hindi na siya ganun kamysteryoso ngayon, sa halip ay naging pasyalan narin ito ng mga foreigner, simula kasi noon ay naging visible na sa mga mata ng mga tao ang lugar na iyon, naging mapayapa narin at umunlad na ang lugar na iyon, kasabay ng pag kawala ni Adley ay gumuho narin ang nakatagong palasyo, parang naging kathang isip nalang na kwento ito para sa mga bata.

"Vonique kumain ka na ba?" napatingin ako sa kabababa lang na si Francis, busy kasi siya sa trabaho niya.

"Kumain na ako"tumayo ako para ipag handa siya ng makakain pero ng hawakan ko na yung pinggan ay nabitawan ko iyon.

"Vonique okay ka lang?" nilapitan ako ni Francis na may halong pag aalala.

"Francis? Manganganak na ako"

***

Nandito kami ngayon sa simbahan, binyag ng pinakabunso namin na si Vincent, habang binabasbasan ng pare ang baby namin ay biglang may sumigaw na galing sa likod.

"Itigil ang kasal" si Russel.

"Binyag 'to tanga" ayan na-tanga tuloy siya ng asawa ko.

"Sorry naman haha" tumakbo naman sa kanya yung mga bata.

"Ninong laro po kami ni Rhianna"

"Huwag kayong magpapakapagod ah, magagalit si moma ni Rhianna" at ayun nag takbuhan na yung mga bata.

Nang matapos na ang lahat ay dumiretso na kami sa bahay, simple lang naman yung binyag ni Baby Vince basta ang mahalaga ay nandito ang buong barkada.

"Waaahh!! Ang cute ng mga inaanak ko!!" nangigigil na sabi ni Brianne at nakipag laro sa tatlo.

"I'm inviting you insan" napakunot yung noo ko"She's pregnant"

"Really? Congrats" ngumiti siya ng malapad."Magiging ninang at ninong rin kami syempre"

"Ano ba iyan? Ang rami niyo ng anak samantalang ako, eto nganga" natawa naman kami sa sinabi ni Althea."Pero salamat Vonique dahil ipinangalan mo sa baby mo ang pangalan ni Vince"

"Wala yun at saka sadyang ganun naman talaga yung plano ko eh"

Kumain kami sabay-sabay at syempre nag kwentuhan narin kami at the same time, walang hangganang kwentuhan at kulitan.

Tumanda man kami at maging  lola man kami ay magiging magkaibigan kami, stay strong at walang kahit sino man ang makakapaghiwalay sa amin kahit pa kamatayan man.

Gabi na ng mapag desisyunan nilang umuwi, delikado narin kasi dahil sa panahon ngayon hindi lang reaper ang mamamatay tao pati narin ang kapwa nating tao.

"Vonique" naramdaman ko yung yakap niya mula sa likod ko" Happy 9th Anniversary" napangiti ako, nakalimutan ko.

"Happy Anniversary rin Francis" pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan ako sa noo ko.

"Promise aalagaan ko kayo ng mabuti at mag kakaroon ako ng oras para sa inyo" he kiss me on my nose."I love you" then he kiss my lips, I kissed him back of course.

"I love you too Francis"

"I love you forever" napasimangot ako.

"Wala namang forever eh" tumawa lang siya.

"Halika na nga para magawa na natin si baby four" napalo ko siya sa braso niya ng ubod ng lakas.

"Sa labas ng kulambo ka matulog ngayon, peste ka" iniwan ko na siya doon.

Maganda na nga eh, romantic na pero sinabi niya pa iyon, ang hirap kayang manganak, ayoko na noh, tama na yung tatlo.

So paano ba yan? dito na nag tatapos ang Aviana, :) salamat sa pag babasa ng adventure\Fantasy\Mystery namin sa Aviana... :) sana nagustuhan niyo.

***

Done.. malapit ng pasukan kaya tinapos ko na, you know? pahirapan na naman sa grade 12, sakit sa bangs mga bes, nakakaistress na naman...but anyway, thank you nga pala nag basa nito hanggang sa huli.

Maraming salamat!

Basahin niyo po sana yung bago kong story,

Autumn's Love Story(On Going)
•Definitely NOT His Fangirl(Completed)

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon